TDWM1:JANE MADRIGAL

1K 16 0
                                    

   Nandito ako ngayon sa hapag hinihintay bumaba si Lyn na lumabas.yung babaeng yun kahit kailan talaga ang bagal,kaya minsan late sa klase eh.tsk

   Nakarinig ako ng yabag pababa ng hagdan at bumungad sa akin ang mukha niyang busangot.

"Problema mo?nag-away nanaman kayo ni tan-tan?" Tanong ko habang sumusubo ng sandwich, padabog siyang umupo at kumuha ng kaninin tapos nilagay niya sa plato.

"Eh!!!!kasi siya eh sinabi ko ng tigilan na niya yang si Josh eh masasaktan langyan katulad nung nangyari sa kanila ni topher eh" maktol niya,napairap naman ako sa kanya

"Pabayaan mo yung baklang yun malaki na siya at kapag nangyari yang sinasabi mo bubugbugin ko yang Josh nayan at saka hindi kana nasanay sa baklang yan palagi yang sakit ng ulo" inis kong sabi eh kasi pano ba naman nakaka buwesit eh palagi nalang silang ganyan away bati hindi ko nga alam kung paano naging magkaibigan yung dalawa eh.hindi naman magkasundo.

"Kahit na iiyak nanaman yun sa atin,nga-ngawa ng ngawa dahil hindi siya crush ng crush niya" ismid niya kaya napatawa ako sa hitsura niya

"Pwede wag ganyan muka mo pumapangit ka eh" asar kong sabi siya naman ay sinamaan ako ng tingin

"Tumugil ka Jane kundi sasamain ka" banta niya kaya naiiling ako habang nakataas ang kamay na parang sumusuko 

"Oo na halika na ma le-late tayo eh" sabi ko at tumayo na niligpit niya ang pinagkainan kasi huli siyang kumain kaya siya ang maglilinis,pagkatapos ay naramdaman ko na sumunod na siya sa akin.pumara kami ng taxi pagkalabas namin sa subdivision namin para mkarating sa scholl namin.

         Ako nga pala si Jane Madrigal 18 years of young.taking a course of tourism  at Valleir University. My home town is Cebu doon kami nagkakilala ni Lyn at tan-tan.yup im visayan,nagkakilala kami when im in high school we are classmates at first hindi ko sila pinapansin kasi snob ako minsan lalo na sa mga bago kong kakilala but then hindi ko alam kong sino ang unang nag approach sa amin basta ang alam ko nalang naging close kami hanggang sa natapos namin ang high school then the senior high.

    Napagpasiyahan namin na mag aaral dito sa Manila since tan-tan is rich at ako average then si Lyn ay maykaya.sa Manila na kami nag-aral.walang tutol sa amin kasi si tan-tan ok lang sa parents niya since his parents are separated while me may parents are gone for i dont know what's the reason basta sinabi lang sa akin ni kuya na they died because of accident noong pa uwi na sila galing sa Manila dahil may bahay kami doon and si Lyn naman ay ayos lang sa lola niya basta pagdating sa pag-aaral.

  Lyn and I is living in the same house, bahay to nila mama may three bedrooms to kaya ok lang,since my kuya agreed at minsan lang siya makauwi dahil sa trabaho niyang sea man. Si kuya rin ang nag-papaaral sa akin simula ng mamatay sila mama.i love my brother pero minsan naiinis ako sa kanya siya kasi yung tao na may pagka joker at may pagka snob,palagi rin kaming nag-aasaran at nagbabangayan.

    Marilyn Almaden and Aldwin Tan ang true name ng mga kaibigan ko.kung eh describe si Lyn in physical maputi siya, sakto ang tangkad at mahaba ang buhok so means maganda siya but in attitude ay matapang siya,may pagkamaldita,hindi plastic,matalino at maalalahanin sa mga mahal sa buhay.kung si tan-tan naman in physical maputi,payat,sakto ang tangkad at guwapo kong naging lalaki pero hindi eh maganda daw siya at kung sa attitude naman ay straight forward siya,talented,matalino,mahilig magpatawa,paminsan minsan may sapak sa utak pero mabuting kaibigan.

     Kung ako naman in physical morena ako,matangkad mas matangkad pa sa dalawa,wavy ang buhok ko na kulay dark chocolate, payat pero saktp lang para saakin at ang sabi nila ka muka ko daw si kim chu.sa attitude naman ay mabait ako sa mabait sa akin,matalino at mahilig mag-aral,palagi rin akong nagbabasa ng mga story,maldita ako kong maldita kayo sa akin,palaban pero maawain,madaling mainis,pero pag dating sa mahal ko sa buhay ay mapag pasensya ako at higit sa lahat wala akong kinakatakutan.yup!!wala bata pa ako hindi ako nakakaramdam ng kaba o takot ewan pero hindi ko yun ma feel eh.

     Pagkatapos naming bumaba ni Lyn ay sumalobong agad sa amin si Tan-tan na mugto ang mata.tss umiyak nanaman.

"Anong nangyari sayo?" Walang gana kong tanong umirap siya sa akin bago nagsalita

"Eh...kasi eh si josh." Walang kasigla sigla niyang sagot.sinasabi na nga ba eh,pinag-usapan lang namin kanina ni Lyn to eh.tss

"Sinabi ko na sayo kagabi diba na masasaktan kalang hindi ka nikikinig ang hirap kasi sayo puso pinapairal hindi ang utak" sermon ni Lyn.hay....lagi nalang ganyan kung hindi pinapangaralan nag babangayan.

  Hinampas naman ni Tan-tan si Lyn "ano kaba kitang broken yung tao eh"inis na maktol niya.tss

"Kaya ayaw ko ng lalaki sa buhay eh sakit lang yan sa ulo"pabalang kong sabi kaya napatingin sila sa akin at napatigil sa bangayan.

" bitter kalang"asar sa akin ni Tan-tan umirap ako sa kanya

"Tsk hindi ako bitter im just stating the fact"inis kong sabi pero its true im just telling the truth. Sakit nsman talaga sa ulo ang mga lalaki eh

" so ano? nga ang nangyari?"tanong ni Lyn lumukot naman ang muka ni tan-tan

"Nakita ko siyang mayka holding hands kanina" mahina niyang sabi,kahit kailan talaga hindi na siya na dala.

"Tsk..asan yang lalaking yan ng mapagsabihan" inis na sambit ni Lyn at akmang susugod pero pinigilan ko

"Ano kaba chill kalang Lyn mamaya na natin yan susugurin.ma le-late na tayo oh,pwede?" Pabalang kong sabi,umirap siya bago tumango tsk.binalingan ko naman si tan-tan

"Ikaw naman marami pang iba dyan kaya wag kang OA para lalaki lang iniyakan mo hindi siya worthit para sa luha mo" inis kong sabi bago iniwan sila doon,tinawag pa ako nila pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang class room ko

     Naaawa ako kay tan-tan pero minsan kaylangan niya magising sa katotohanan na hindi lahat ng bagay ay magiging sa kanya.nangyari narin ito dati noong high school kami eh.iniyakan niya si topher dahil lang sa kalokohan ng lalaking yun tsk.ang sarap nga hambalusin ng upuan ang lalaking yun.

     Kaya ayaw kong magka boyfriend eh,sakit lang sila sa ulo.ayaw kong magkaroon ng ibang lalaki sa buhay maliban sa kuya ko.gusto kong mamatay ng single at wala sa vocabulary ko ang salitang kasal.

       Pagdating ko sa room ang ingay nila.well hindi naman sila nagrarambolan nag che chat lang.umupo ako sa dulo na upuan ay sinalpak ang headset ko na kulay pink at nakinig ng music.

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now