Epilogue

30.4K 937 80
                                    

"Babe bumangon ka na, kanina pa naiinip ang anak mo." Kanina nya pa ginigising si Inigo dahil nakasimangot na ang anak nila dahil sa sobrang pagka-inip.

Umungol lang ito at bumalik sa pagtulog. Napabuntong-hininga lang sya at lumabas ng silid nila.

Pinuntahan nya ang anak na kanina pa bihis at handa sa pag-alis. Pupunta kasi sila ngayon sa private beach resort nila na ipinangalan sa kanya ng asawa ang Gabrielle beach resort.

Two days outing nila iyon kasama ang mga kaibigan. Kanina pa nagsisitawag ang mga kaibigan na naghahanda na raw sila. Nakahanda na silang mag-ina, maging ang lahat ng dadalhin nilang gamit. Si Inigo na lang ang hinihintay nila.

"Son, why don't you go upstairs and pull daddy out of bed." Nakangiti nyang utos sa dalawa't kalahating taon gulang nyang anak.

"Ok!" Seryosong sagot nito at naglakad papuntang hagdan.

Napailing na lang sya habang sinusundan ito ng tingin. May pagkasuplado talaga ang anak nya, manang-mana sa ama nito. He's name is Hanz Inigo Mercado Del Fierro, sunod sa pangalan nilang dalawa.

"Careful on your steps!" palala nya.

"Yes mom!" sagot nitong hindi lumilingon.

Hindi na sya pumasok sa opisina mula ng manganak sya, gusto nya kasing sya ang mag-alaga sa anak. Pero nang medyo lumaki na ang anak madalas na sila sa office dahil dinadalhan nila ang asawa ng lunch.

Inabala nya muna ang sarili sa paghahanda ng kanilang sandwiches at ilang snacks na babaunin sa byahe. Alam nyang manghihingi ng manghihingi ng pagkain ang anak. Malayo ang kanilang byahe papuntang Batangas. Isasama nila si Manang Linda para makapagbakasyon din ito.

Mayroon pa rin silang bodyguards pero tag-isa lang sila ng anak kapag lumalabas. Pinauuwi din nila ang dawalang bodyguard kapag gabi para makasama ang kanilang mga pamilya dahil mahigpit naman ang security ng subdivision.
May dalawang bodyguard din si Inigo kapag pumapasok sa opisina.

"Ako na dyan iha." Nagulat pa sya sa pagsulpot ni Manang." Tapos na akong maghanda ng gamit ko, baka may aayusin ka pa."

"Wala na Manang."  Nginitian nya ito. Napakalaking tulong talaga nito sa kanila. "Pahanda na lang po ng mga inumin, mukhang andyan na ang mag-ama."

Naririnig na nga nila ang ingay ng mag-ama nyang mukhang naghaharutan na naman dahil dinig nya ang hagikhikan ng mga ito.

Saktong pagpasok ng mga ito sa kusina nakahanda na ang almusal ng asawa.

"Good morning babe!" yumakap ito mula sa likuran nya at humalik sa kanyang pisngi.

Hamarap sya dito at humalik sa labi. "Good morning! Kain ka na." nginitian nya ito at iginiya sa upuan.

"Hindi nyo ako sasaluhan?" kunot-noo nitong tanong.

"Kumain na kami kanina kasi kanina pa nagugutom ang anak mo. Tagal mo kasing gumising." pinandilatan nya ito.

Ngumuso lng ito at nagsimula bang kumain. Nanonood naman ang anak nila ng TV habang naghihintay.

Maya- Maya lang narinig na nila ang nagkakagulong mga kaibigan.

"Mommy, daddy let's go!" Sigaw nito mula sa may sala.

Nagkatinginan lang sila tsaka napailing sa ingay ng nagkakagulong mga kaibigan. Walang nagbago sa mga ito, kung meron man lalo silang lumala.

Nag-convoy lang sila dahil kanya-kanyang dala ng sasakyan. Silang mag-anak sa sasakyan nila kasama si Manang Linda. Kasama din nila sa isa pang van ang mga bodyguards nila pati mga pamilya ng mga ito.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Where stories live. Discover now