Chapter 15

14.9K 455 1
                                    

"Babe! Kumusta ka na?" bungad nya sa asawa ng tumawag ito from the US.

Natawa ito sa kanya, bakit hindi eh dalawang beses ito kung tumawag sa isang araw tapos kung makakumusta sya parang matagal silang hindi nag-usap to think na pangatlong araw pa lang ni Inigo doon.

"I'm fine babe! Ikaw? Kayo ni baby kumusta na?" malambing nitong tanong sa kanya.

"Ok lang kami kaya lang miss ka na namin. Babe gusto na kitang makita." parang gusto nyang maiyak at mukhang nahalata naman ng asawa kaya naman inalo sya nito.

"Hey baby! Please don't cry, I'll be back as soon as we settled everything here ok? please babe wag ka ng umiyak ha, kasi baka kung mapaano kayo ni baby." may pag-aalala na sa boses nito.

"I'm sorry babe, hindi ko kasi mapigil eh." bahagya pa syang suminghot.

He chuckled "I know and I understand, blame it to the hormones." natawa sya sa sinabi nito. "Babe please take care of yourself and our baby while I'm away ok? Wag kang lalabas mag-isa, just ask your bodyguards if you need anything please!" seryosong ulit nito sa mga bilin nito bago umalis.

"Yeah, I know. You too babe don't forget to eat on time at baka hindi ka na halos natutulog." paalala nya dito.

"I must admit medyo kulang ako sa tulog but i eat on time."

"Tsk sabi ko na eh!" palatak nya.

"Babe kailangan eh, para makauwi ako agad. You know I miss you so much babe. Gusto na kitang yakapin." dinig nya ang buntong-hininga nito. "Hindi na ako sanay na hindi kita katabi matulog." mahina nitong saad.

Sya naman ang napabuntong-hininga. "Me too babe, miss ko na ang amoy mo. Wala kaming kayakap ni baby." reklamo nya pa.

"Don't worry babe, before you know it nandyan na agad ako, konting hintay lang ok?" Napatango na lang ako kahit hindi naman nya nakikita.

"Ok, ingat ka palagi, hihintayin ka namin." pinasigla nya ang boses, medyo gumaan na rin ang knyang pakiramdam.

"Sure I will, you too ok? Sleep well babe. I'll see you soon, bye!" paalam na nito.

"Bye!" I love you, gusto Sana nyang idagdag kaya lang gusto nyang ito ang unang magsabi ng mga salitang iyon sa kanya.

Pinatay na nya ang tawag dahil iyon ang gusto ni Inigo. Gusto nitong sya ang unang magbababa ng tawag o kaya  ay sabay sila.

Nahiga na rin agad sya pagkababa ng tawag, papahiga na rin talaga sya kanina ng tumawag ang asawa. Miss na nya talaga ito pero ok na sya dahil nakausap na nya ito.

Kinabukasan ginising sya ng tawag ng asawa. Its already 8 in the morning, napasarap ang tulog nya. Hindi na lang muna sya papasok sa office medyo tinatamad din sya.

"Good morning babe! How are you and our baby?" masiglang bati nito sa kanya.

"Good morning daddy! Medyo mabigat ang pakiramdam ko tinatamad kaming pumasok ni baby." sumbong nya dito.

"Ooh! kawawa naman ang mga baby ko, kung nandyan lang ako yayakapin ko kayo." malungkot nitong saad. "Babe magpaluto ka kay Manang Linda ng gusto mong breakfast tapos kumain na kayo ni baby. Wag kang palipas ng gutom ha!" lambing nito sa kanya.

Dating tagapag-alaga ni Inigo si Manang Linda noong bata pa sya. Kinuha nya ito sa probinsya nito nang matapos na ang pinagawa nitong glass house para may mag-asikaso sa kanila kapag lumipat na sila. Pero pinapunta nya muna dito sa condo nila habang wala sya para may makasama sya.

"Of course babe, ikaw kumain ka na ba?"

"Yeah! Kanina pa nga kita gustong tawagan kaya lang alam kong tulog ka pa. Wag ka na lang pumasok ngayon, pahinga ka na lang." Napangiti sya malambing talaga ang asawa nya.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Where stories live. Discover now