Chapter 25

15.2K 424 3
                                    

Tatlong araw. Tatlong araw na silang naghihintay ng balita pero wala pa rin, pero walang tigil sa pabibigay ng update ang mga kaibigan.

Si Sheena ay dumadalaw sa bahay ni Lucas para din makibalita. And yes..ok na silang dalawa. Subsob din ang ibang kaibigan sa kabi-kabilang negosyo na inaasikaso. Parang mga turumpo ang mga kaibigan lalo na pag tumatawag ang mga kaibigan sa US at may mga kailangang asikasuhin para sa kaso. Halos hindi na natutulog ang mga ito.

"Baby sis pauwi na ako dyan para mag-lunch may gusto ka bang ipabili?" tanong ni Gray sa kabilang linya. Araw-araw itong ganito bago umuwi. Iniisip kasi nito na baka nagki-crave sya ng pagkain.

"Kuya gusto ko ng chicken at fries ng jollibee. Gusto ko marami." parang bata nyang sabi dito.

Mahina itong natawa. "No problem baby sis. Sige paalis na ako." tinapos na nito ang tawag.

Isinuksok nya sa bulsa ang cell phone bago naglakad palapit sa byanan na nakaupo sa garden set.

"Dad, are you not hungry?" bati nya dito at umupo sa upuan sa harap nito. Sa may lilim ng puno nakapwesto ang garden set kaya hindi ito naaarawan

Parang nagulat pa ito ng bumaling sa kanya. Pero bahagya itong ngumiti kahit malungkot.

"I'm not really hungry sweetheart. You? Are you hungry?" balik tanong nito.

"A little but I'm waiting for kuya Gray. He will bring some chicken and fries." bahagyang nagningning ang mata nya ng banggitin ang pagkain.

Bahagya namang natawa ang matanda. "Are you pregnant?" nagulat sya sa tanong nito.

"How did you know?" nanlalaki ang mata nyang tanong.

"Oh! Because of your craving for food. Only a pregnant woman do that." paliwanag nito. Bigla naman syang nalungkot.

"He doesn't know about it yet, I did not tell him on the phone because I want surprise him when he comes back." maluha-luha sya.

"Don't worry he'll come back to us. Don't cry its not good for the baby. Inigo will be very happy when he learn about it." alo nito sa kanya.

Pinilit nyang kalmahin ang sarili. Tama ito makakasama sa dinadala nya ang masyadong pag-iisip at pagdaramdam.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Gray kaya niyaya na rin nya ang byanan na kumain.  Kapansin-pansin na medyo naging masigla ang kilos nito mula kanina ng malaman nito na buntis sya.

Tapos na silang mag-lunch ng makita nyang nag-uusap ng masinsinan ang kuya nya, si Lucas at Gray. Nagkanginan sila ng sabay sabay tumunog ang mga cell phone nila.

"You found them?" bigla syang napatayo sa pagkakaupo nya sa sofa ng marinig ang tinig no Lucas. "How are they?" taranta nitong tanong sa kausap. Nakita nyang namutla ito bago tumingin kay Kion at Gray.

"We know." malungkot na ani Gray.

"Yeah." si Kion na tumalikod at napasuntok sa pader. Taranta namang lumapit si Janina sa asawa at niyakap ito.

"What's going on?" hindi nya alam ang nararamdaman. Alam nyang may mali, pakiramdam nya nanlalaki ang ulo nya. Naramdaman nya ang pagyakap ng byanan sa kanya.

Nagtinginan muna ang mga ito na tila nag-uusap sa pamamagitan ng mata bago tumango si Kion Kay Lucas. Bumuntong-hininga muna si Lucas bago humarap sa kanya.

"Natagpuan sila sa isang abandonadong building. Nabihag pala sila kaya nawalan tayo ng contact. Nagkaputukan ng sumugod ang mga FBI agents, wala silang nagawa kundi lumaban. Lahat sugatan, nasa ospital na sila ngayon at ligtas na pero hindi si Inigo." napatiim-bagang ito bago napapikit.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin