"Jho?...." si marci.




"Huh?" ako ng makabalik ako sa katinuan. "A-ano yun?"



"Hang out naman po tayo, sabe ko." si marci.



Hala! anong isasagot ko? eh uuwi nga kame ngayon sa bahay namen ni beatriz....Uh, i mean....Sa bahay nila beatriz, hehehe.....
Every sunday na kase ang uwi ni beatriz sa house nila at always akong binibitbit netong pasaway na to. Baka daw kase may sumalisi sa kanya habang wala sya kaya isinasama na nya talaga ako. At ako naman ay nakasanayan na rin yung ganon kaya sabado pa lang nakalagay na sa bag ko yung mga dadalhin kong damit at gamit kina beatriz, kung tutuusin parang second home ko na rin yung house ng mga de leon kase mej marame na kong damit na andun eh,heheheh.....




Pero going back dun sa gustong mangyare ni marci......Ay di ko alam ang isasagot ko! Nakatingin pa rin sya sa kin at hinihintay ang sagot ko! Anong isasagot ko?! Hay naku naman eh! Ang bad ng timing ni marci. Sasabihin ko bang di pwede kase iuuwi ako ni beatriz---uuwi pala kame, heheheh...😅😅😅 Strike 2 na ko ah!




( Oo nga! Napaghahalataan ka na talaga bes!😁 )




Pano na lang pag nalaman ito ng damulag na yun? Naku, sigurado magtatampo yun at baka mapagtalunan pa namen ito mamaya kaya dapat makaisip ako ng magandang alibi para di masyadong halata na tinatanggihan ko yung alok ni marci.



Isip.....Isip.....Isip.....




"Wait lang ha, sagutin ko lang tong call ko." excuse ni marci at lumayo sa kin. Nung umpisa eh halos isang dipa lang ang layo nya pero parang may problema sa signal kaya sumenyas muli sa kin si
marci tas lumabas na. Mej nakahinga muna ako ng slight kaya nagmamadali ang isip ko ng magandang alibi baka biglang dumating si marci ay wala akong maisip na dahilan ko kung bakit tatanggihan ko ang pa-vday sa kin neto. Nakaka konsensya sya pero mas gusto kong kasama yung mahal ko. Kaya sorry pero buo na ang desisyon ko na kay beatriz ako sasama ngayon. Ang problema lang ay kung pano ko sasabihin kay marci yun?




Hayst! Kay hirap naman oh!




"Huy!"




"AY ANG MAHAL KO!!!"




"Ay AKO!......" si beatriz na tawang tawa ng bigla syang sumulpot sa likuran ko. "Si BEA DE LEON!" at taas noo'ng nameywang pa.





Nagpalinga linga ako sa paligid at halos wala na ngang tao ngayon kase nasa labas na halos lahat at parang kame na lang ng damulag na to ang andito. Napalakas kase yung pagkasagot nya sa pagkabigla ko kanina ng gulatin nya ako. Isang tawang tawa na bea de leon ang umakbay sa kin pero inaalis ko naman kase naiinis ako sa kadaldalan ng isang ito.




"Nakakaasar ka!" ako at pinagpapalo ko sya. Ilag na naman sya sa kin kaya yung braso na naman nya yung kawawa sa kin ngayon. "Pano na lang kung may nakarinig sa sinabe mo,ha? Eh di malilintikan tayo ng maaga nyan sa coaching staff pati na rin sa athletic directors naten pag may nagsumbong sa kanila. Hay naku naman beatriz eh!" sabe ko na pinagkukurot ko naman ngayon.





"We-wait lang." si beatriz na nahuli na ang mga kamay ko. Parang di umubra yung mga palo at kurot ko sa kanya dahil nakangiti pa rin ito at hanggang tenga ang luwag ng pagkakangiti neto, halos nakapikit na nga rin ang batang ito. "Ako naman talaga di ba?" sya na biglang may sumilay na pilyang ngiti sa kanyang labe.




At mukhang di ko yun nagugustuhan, yung ganyang mga ngitian ni bea ay naku may naiisip na naman syang kapilyahan. Yung huli na ginanyan ako ng ngitian nya ay naku......Ay naku talaga!




Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now