35

1.5K 55 25
                                    

Thankyou to everyone na nageffort na magedit ❤ Again pm pa din sa interested gumawa ng story cover for PC and send the picture to me, kamsa amours :)








It's an early morning and gising na ang mag-asawang Vhong at Anne para maghanda sa Showtime. Ngunit bago yun ay kasalukuyan muna nilang kausap si Mama Carmen mula sa facetime.

"Are you both sure na okay na talaga kayo?" paninigurado ni Mommy Carmen dahil alam nga niya ang naging problema ng dalawa tungkol kay Erwan.

"Yes po Ma.. Sorry din nga po pala at di ko kaagad inintindi si Anne. Dapat mas naging understanding ako." sambit ni Vhong at hinawakan ang kamay ng asawa.


Kasalukuyan silang magkatabi habang nakaupo sa sofa. Nasa lap naman ni Anne si mogwai na naglalambing sa amo.



"Don't be sorry, anak. May kasalanan din naman itong lasinggera mong asawa eh.."



"Mama naman! Di na nga iinom eh" nakangusong reklamo ni Anne.

"Aba dapat lang! Pero Anne ayusin niyo ni Jasmine problema niyo ha.. Nakausap ko na yun kagabi, I told her that what she did is wrong. But may mali ka din, di mo dapat sinampal kapatid mo." pangangaral ng ginang.

"Yes ma, I know.. Don't worry I'll go to her place mamaya and fix everything" pagaassure naman ni Anne sa ina.








Pagkatapos kausapin si Mommy Carmen ay naghanda na ang mag-asawa para sa almusal. Nagluluto si Anne habang si Vhong naman ang nagaassist.

"Sure kaba na kaya mo yan love? Ako na lang kaya diyan?" alok ni Vhong habang tinitingnan ang ginagawa ni Anne.

"Ano kaba love! Pancake lang naman 'tong niluluto ko nho.." nakangusong reklamo ni Anne. "Magaaral na talaga ko magluto para pagluluto ko kayo lagi ni Vhenice.." dagdag pa niya.

Natawa naman si Vhong kaya pumunta siya sa likod ng asawa at pinatong ang ulo niya sa balikat ni Anne. "Grabe nho love, diko naisip na mangyayari ito.."

"Alin? Na magkakaayos ulit tayo?" hula ni Anne habang nagfafry pa din ng pancake.


"Hindi.."


Napatingin naman si Anne sa mukha ng asawa na nasa balikat niya. "Eh ano?"

"Diko naisip na mangyayari 'to, yung mayayakap kita kasi ikaw na yung magluluto para sa kakainin natin" agad naman siyang siniko ni Anne ngunit tinawanan lang siya ni Vhong.

"Tse! Ilagay mo na nga lang tong mga pancake dun.." utos ni Anne sa asawa.

"Yes boss!" sumunod naman si Vhong at inayos na din ang table. Nang makarinig siya ng yabag ng paa mula sa hagdan.

Nakita naman niya si Vhenice na pababa ng hagdan habang nakapikit. "Vhenice!" agad naman siyang lumapit sa anak at binuhat ito agad.


Nadinig naman ito ni Anne at lumapit sa mag-ama. "Bakit? What happened?"


"Eto kasi.. I told you na wag ka baba ng hagdan paginaantok kapa diba? Nakapikit habang pababa ng hagdan eh kung madalas 'to!" sermon ni Vhong habang karga ang anak na dahan dahang dinilat ang isang mata.

"Baby why did you walk downstairs with close eyes? Your still sleepy pa pala.." pangangaral ni Anne.


"I'm not sleepy na naman Mommy" the kid pouted.


Perfect Combination | VhongAnneWhere stories live. Discover now