5

1.4K 72 18
                                    






Bagsak balikat na umuwi si Anne sa bahay nila. Kung ano ang dahilan ay mamaya niyo pa malalaman. Agad naman niyang hinanap ang asawa na natagpuan niya sa likod bahay nila. Nakatalikod ito habang nakaupo sa swimming pool. Lumapit naman dito si Anne at tinabihan.


"Honey.." pukaw niya sa attensiyon nito dahil tulala lang si Vhong. Ngunit napatigil siya nang poporma siya ng hawak sa kamay nito. "What happened? Napa-away kaba? Bat ganyan hands mo?" nag-aalalang tanong ni Anne habang hawak ang kamay ni Vhong.


Nagulat naman si Vhong dahil katabi na pala niya ang asawa. May iniisip kasi siya kaya wala siya sa wisyo. "Annie nandyan ka na pala.. Tara sa kitchen! I already cook lunch for you.." tumayo si Vhong ngunit tumayo din si Anne at pinigilan ito sa paglakad.



"No! Navarro tell me what happened.." madiing wika ni Anne. Ngunit nanatiling tahimik si Vhong na nakatingin lang sa baba. Hinawakan naman ni Anne ang mukha ng asawa. "Love where do you get that?" malambing na tanong ni Anne.



Napabuntong-hininga na lang si Vhong dahil alam niyang wala naman siyang takas kay Anne. "Napikon kase ako kaya sinapak ko. Pinigilan nila ako kaya pader na lang sinuntok ko." maangas na pagkekwento ni Vhong.



Nag-init naman ang ulo ni Anne sa nadinig. Binitawan niya ang mukha ni Vhong. "Sino sinapak mo? Navarro naman eh! Bakit ba ganyan ka ha?! Artista ka paano na lang kung malaman ng publiko yun! Ang asawa ko basagulero damn it!" naiinis na turan ni Anne.




"Eh bakit di ko sasapakin yung gago na yun?! Alam mo namang kapag ikaw ang pinag-uusapan wala nakong pakeelam sa magagawa ko! Sabi ba naman baka baog daw tayo kaya wala pa tayong anak hanggang ngayon.. Tangina naman! Hindi naman ako kasing manyak nung gago na yun kaya naiintindihan kong hindi pa pwede!" pikon na ding wika ni Vhong at pumasok na sa loob.





Naiwan naman si Anne sa labas na nakanganga sa nadinig. Lalo siyang nakaramdam ng guilty dahil sa nadinig. Alam naman niyang kung hindi lang dahil sa kanya baka may anak na talaga sila. Alam din niya kung gaano kagusto ni Vhong na mag-alaga ng magiging anak nila.



Lalo na at unang beses ni Vhong maalagan ang sariling anak habang sanggol pa ito. Late bloomer na ama kasi siya kina Yce at Bruno. Dahil nga hindi niya kaagad nalaman ang mga ito.



Nang makabawi ay sumunod na si Anne sa loob. Pagdating ay nakita niyang handa na ang pagkain niya sa dining nila. Habang nakita niya naman si Vhong na nasa sala at nagcecellphone ito. Hinayaan na lang ni Anne at kumain muna. Pagkatapos na lang niya susuyuin ang asawa.








Anne's POV


Pagkaligpit ko ng pinagkainan ko ay pinuntahan ko na si Vhong. Nasa sala pa din ito at abala sa phone niya. Pumunta ako sa likod niya at niyakap ang leeg niya. Nagiinstagram pala ang asawa ko. "Vhongskieee.." tawag ko sabay kiss sa cheeks niya.



"Ohh?" suplado naman nito. Ako na nga nanunuyo tapos hindi pako pinapansin.



"I love you.."


"Mahal kita.."


"Je t'aime.."


"Sarangheayo.."


"Te amo.."



Kulang na lang sabihin ko na lahat ng I love you meaning sa iba't-ibang language pero hindi man lang ako sinasagot. Napapout naman ako dahil sa pagdeadma niya. Ganyan talaga yan kapag nagtatampo.


Perfect Combination | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon