9

1.3K 48 36
                                    





Kinabukasan wala sa mood na pumasok si Vhong sa Showtime. Dulot na din ng matinding sagutan nila kahapon at ang hindi pag-uwi ng asawa kagabi. Tinawagan na niya sila Solenn pero wala naman daw sa kanila si Anne.


"Ay nandiyan na pala si Vhongskie baby ko! Ang gwapo pakiss nga!" salubong ni Vice pagkadating niya backstage. Kumpleto na sila pwera lang si Anne kaya lalong nainis si Vhong.



"Tigil-tigilan moko Vice ha! Wala ako sa mood baka masapak kita." inis na turan ni Vhong sabay upo sa tabi ni Billy. Agad naman niyang kinuha muli ang phone at tinext ang driver para ipacheck kung umuwi naba si Anne.



"Chill bro! Init ulo mo! Meron kaba brad?" biro ni Billy pero seryoso pa din ang mukha ni Vhong kahit nagtawanan na sila.

"Bad trip 'tol? Palibhasa di inuwian ng asawa eh.." pang-aasar ni Vice dahil isa din siya sa tinawagan ni Vhong kagabi.


Napaigtid naman ang bagang ni Vhong sa nadinig. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung nasan nga ba si Anne. Sinenyasan naman ni Teddy si Vice na manahik dahil mukhang kahit anong oras ay mananapak na si Vhong.


"Kuys Vhong, hindi pa din ba umuuwi?" tanong ni Jhong sabay lipat sa tabi ni Vhong. Umiling naman ito sabay sandal ng ulo niya sa sofa. Tila ba inaantok dahil kulang nga siya sa tulog.



"Bruh baka naman na sa mga friends niya lang.. Nagpapalamig lang siguro ng ulo si Anne. Alam mo naman yun ayaw niyo ng may kaaway." sabi naman ni Karylle para pagaanin ang pakiramdam ng kaibigan.

"Wala din eh, tinawagan ko na sila Georgina. Pati nga din si Jasmine tinanong ko na. Hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung nasan siya." sambit ni Vhong habang nakapikit pa din.



"Uuwi din yun kapag di kana galit.." biro ni Teddy. Napangiti na lang si Vhong at napailing.



Nanahimik na lang sila dahil alam naman nilang kulang sa tulog si Vhong. Pero kahit nakapikit ay hindi naman natutulog si Vhong kundi iniisip lang ang naging sagutan nila ni Anne kahapon.





///


Maya-maya pa ay may humahangos na dumating sa backtstage. Sabay-sabay silang napatingin dito. Nagulat naman sila ng makilala ang babaeng hinihingil habang gulo-gulo ang buhok at namamaga pa ang mata.




"ANNE?!" sabay-sabay na bulaslas ng mga host. Dahil doon ay napaupo naman ng maayos si Vhong at nagulat ng makita ang asawa niya.


"Ako nga ito guy's.." nagtama naman ang mata nila ni Vhong pero iniwas din ni Anne kaagad dahil naiinis pa siya sa asawa.


"Anyare sa'yo girl? Tinalo mo pa ang buhok ni Kurba kapag bagong gising." nakakunot-noong sabi ni Vice habang tiningnan si Anne.



"Hoy! Hindi naman ganyan kagulo hair ko." nakangiwing angal ni Karylle dito.




"Okay ka lang din ba, Anne? Halos kakulay mo na yung singkamas.." sita din ni Jhong dahil putlang-putla nga si Anne. Nahalata mo iyon dahil sa eyebags ng dalaga. Mahahalata mo din dito ang panlalata.





Perfect Combination | VhongAnneWhere stories live. Discover now