"Oh, hi." Kaswal na sabi ni Seulgi dito, hindi naman sya nagbibigay ng kung anong motibo kay Jisoo. Hindi naman nya talaga ito gusto.

"Binili kita nito." Nakangiting sabi ni Jisoo sa kanya sabay pakita ng pringles, medyo nanlaki pa ang mata ni Seulgi dahil gusto nya iyon. Kaya lang dahil sa baka kung anong isipin ni Jisoo pag tinanggap nya iyon, tinanggihan nya ito.

"Sorry, hindi ako kumakain nyan." Syempre, isang malaking kasinungalingan iyon. Lagi kayang pringles ang hawak nya tuwing recess nila.

"Akala ko paborito mo 'to?" Malungkot na sabi ni Jisoo kaya naman napailing si Seulgi.

"Ibigay mo nalang kay Lisa." Sabi nito, "Hindi ko tatanggapin 'yan, sorry." Alam nyang tama ang ginagawa nya. Ayaw nya lang naman talagang paasahin si Jisoo lalo na't alam naman nyang hindi sya magkakagusto dito.

Masama ang loob na umalis si Jisoo na walang sabi-sabi habang si Lisa naman ay napapakamot nalang.

"Umamin ka na kasi." Sabi ni Seulgi sa kaibigan nya, "Para maibaling nya ang atensyon nya sa'yo."

"Hindi ako ang mahal nya." Sabi pa ni Lisa at bumuntong hininga, "Puro sya Seulgi, Seulgi here, Seulgi there." Walang ganang sabi nito.

Tinapik naman ni Seulgi ang balikat nya at nginitian sya, "Just give her time. Makikita din nya ang worth mo."

***

SANAY na sanay na Seulgi sa mga taong nagaabot sa kanya ng regalo tuwing papasok sya sa hallway, o kaya naman magpapaabot sa isa sa mga kaibigan nya ng letter tapos eh ipapatapon lang din nya. Pero ngayon, hindi sya sanay nang makita nya si Jimin sa harap nya na nakaluhod at may flowers pang dala.

Sino nga ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Kang Seulgi? Maganda, matalino, mayaman, mabait. Idagdag mo pa na captain sya ngayon at ace player ng women's basketball team ng school nila. May abs pa. Kaya tuloy mapa-babae o lalaki, nagkakandarapa at nagkakagusto sa kanya.

Hindi nya alam kung anong  gagawin nya. Ayaw nya itong paasahin, ayaw nya itong paglaruan. Pero ayaw nya din itong pahiyain.

Nakangiti ito sa harapan nya. Mabait naman talaga si Jimin, pero wala naman syang magagawa kung hindi nya ito gusto. Alangan namang pilitin nya ang sarili nya.

"Seulgi… alam kong nakakahiya 'to, pero para sa'yo, handa akong gawin ang lahat. Sana lang bigyan mo ako ng chance na mahalin ka." Nakangiting sabi nito, marami ang naiinggit kay Jimin dahil nagawa nya itong gawin kay Seulgi. Na meron syang lakas ng loob para gawin ito sa dalaga. Marami ng estudyante na nakapaligid sa kanila dahil bukod sa sikat na si Seulgi, sikat din si Jimin na football player naman ng school nila.

"Can I court you?" May mga napasigaw at may mga nagprotesta. Malamang at madaming nagkakacrush kay Seulgi, hindi sila sasang-ayon na maagaw ito ni Jimin sa kanila. Habang ang iba naman ay kinikilig sa ginagawa ng binata para sa dalaga.

Si Seulgi naman, napapakagat ng labi nya at napatingin sa mga kaibigan nya nagkibit balikat lang sa kanya. Tumingin sya ulit kay Jimin na nakangiti sa kanya at napabuntong hininga sya.

"I'm sorry, Jimin. I can't." Sabi ni Seulgi dito, bumagsak naman ang  balikat ng binata at nawala ang matatamis na ngiti sa labi nito. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod, makikita ang lungkot at pagkadismaya sa mata nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shookt | seulreneWhere stories live. Discover now