Shookt. 040518
Irene x Seulgi.
Ps. Hindi po sa akin ang plot, nabasa ko lang 'to sa AFF at ginawa kong Tagalog. Iniba ko din naman ang mga nangyayari at ibang characters pero 'yung plot po ay hindi akin. So credits to the owner. ♡
***
NAPATINGIN si Wendy sa kumalabit sa kanya, kasalukuyan kasi syang nagsisintas ng sapatos dahil kakatapos lang ng PE nila. Nang paglingon nya ay nakita nya si Jisoo. Nakangiti ito sa kanya gaya ng dati, alam naman nilang lahat na maganda at mabait si Jisoo. Masaya din itong kasama at kausap. Hindi sila masyadong close ni Jisoo kaya naman nagulat sya nang kalabitin sya nito.
"Yes?" Dahil mabait si Wendy, agad nya itong nginitian pabalik. Umayos na sya ng tayo at hinarap si Jisoo na nakangiti sa kanya.
"Wendy, pwede mo ba 'tong ibigay kay Seulgi?" Nakangiting sabi ni Jisoo sa kanya at inabot ang napakagandang letter. Maayos ang pagkakaribbon at mabango. Ang cute pa ng kulay. Love letter.
Nakangiti naman na inabot ni Wendy ito, "Sige. Makakaasa ka." Sabi nya kahit na hindi sya sure kung tatanggapin ba ito ni Seulgi. Kasi naman, ayaw talaga ni Seulgi na tumatanggap ng regalo.
"Salamat." Nag-bow naman agad si Jisoo at masayang umalis. Napabuntong hininga si Wendy habang naglalakad papuntang canteen. Alam nyang nandoon ang bestfriend nya at hindi nga sya nagkamali nang makita nya itong nakasubsob sa mesa at mukhang tulog.
"Seulgi!" Hinampas nya ang table at napatawa nang magulat ang kaibigan nya.
"Tangina naman, Wendy! Ano ba yun? Natutulog ako, eh." Reklamo ng oso sa kanya habang kumakamot ng ulo, naghihikab pa ito.
"Pinapabigay ni Jisoo—" Hindi pa nya naaabot ang letter kay Seulgi nang magsalita ito.
"Another love letter?" Tanong ni Seulgi kaya naman tumango si Wendy at napabuntong hininga sya, "Itapon mo."
Napanguso naman si Wendy, "Paano mo naaatim na itapon lang ang magandang bagay na ito? Sure ako na pinaghirapan 'to ni Jisoo." Sabi naman ni Wendy. Ni minsan kasi, hindi tumanggap ni Seulgi ng isang letter galing sa mga nagkakagusto sa kanya. Mapa-lalaki man o babae. Hindi nya lang gusto at isa pa, ayaw nyang mapagalitan at mabulyawan.
"Jisoo? Mas lalong ayoko, dude." Sabi naman ni Seulgi at napasandal sa upuan, "Gusto sya ng kaibigan 'ko, si Lisa." Sabi pa ni Seulgi kaya naman nanlaki ang mata ni Wendy.
"Talaga? Ngayon ko lang nalaman 'yun, ah!" Sabi nito.
Tumango naman si Seulgi, "Oo. Kaya itapon mo na 'yan dahil hindi ko sya bibigyan ng atensyon. Para ko na ding sinaktan si Lisa 'non kung papansinin ko si Jisoo."
Napapatango naman si Wendy, "At mukha namang hindi mo gusto si Jisoo."
"Hindi talaga." Seulgi beamed. Labag man sa loob ni Wendy, lumapit sya sa malapit ba basurahan at nakasimangot na tinapon ang letter ni Jisoo para kay Seulgi. Pagtapos ay hinatak nya si Seulgi para umorder ng makakain nila dahil break time na.
"Seulgi?" Napatingin sila sa tumawag kay Seulgi at nakita nila si Jisoo at Lisa na nakasabay pala nila sa pila. Nakasimangot si Lisa habang si Jisoo naman ay nakangiti habang nakatingin kay Wendy at Seulgi— or should I say, kay Seulgi lang.
YOU ARE READING
Shookt | seulrene
Fanfiction❝Kung saan kumalat ang isang nakakashookt na balita.❞ Irene x Seulgi. /©Bearchuism.
