Feeling Alone

9 0 0
                                    


Everytime na malungkot ako di mapagkakaila na ang nagbibigay parin sa akin ng saya ay ang alaala naming magkasama. Yung panahong alam ko na mahal na mahal mo ako at tinupad mo ang lahat ng pangakong binitawan. 

"Hon mahal na mahal kita." hawak ko ang kanyang mga kamay habang nakaunan sa kanyang bisig kaharap ang paglubog ng araw. Dito kami sa MOA galing kaming naglaro at ang saya ko nakakuha kami ng isang malaking teddy bear bilang isang premyo sa pagshoot ny ng tatlong beses sa bola. "Alam ko naman yun na Mahal na mahal mo ako."

"Hon ilang taon narin tayo nagsasama noh? Isipin mo sa lahat ng mga ex na nagmemessage sayo dati sobrang insecure ko." sabay tawa. "At bakit ka naman naiinsecure eh ikaw naman ang mahal ko at nagpabago sa akin."

"Di naman ako ang nagpabago sayo eh, Pinagdasal ko kaya yun. Ilang taon din bago niya sinagot ang mga dasal ko. Alam mo hon kahit anong mangyari di kita iiwan. Kahit ikaw ang may pinakahot temper sa buong mundo iintindihin kita habangbuhay." sabay yakap ng mahigpit.

"Ma! Mama!!!" sumisigaw at patalontalon na naglakad si Ynna habang dala ang cotton candy na may character design. "Ma!" ulit niya. "Ano iniisip mo mama? at bakit malungkot ka?" at tumingin ng malungkot sa akin. "Baby naman di naman malungkot si Mama. May naalala lang ako." sabay ngiti sa kanya. "Ma basta may problema ka sabihin mo sa akin ah." sabay yakap niya sa akin. "Ikaw talaga sobrang bata mo pa para kang matandang nagsasalita."

Andito pala kami sa MOA ngayon nakaupo sa seaside hinihintay ang paglubog ng araw. Habang kumakain ako ng favorite kong one-day-old  na chicken. Favorite ko kaya to kahit nandidiri yung iba, Kahit kasabayan kong bumili dito sa stall na malapit sa MOA eh mga lalaki.

"Mama tapos na day-off mo darating ba si Tita bukas? o mamaya?" tanong niya habang palakad na kami papuntang sakayan. "Nasa bus na si Tita mo at maydalang strawberries na favorite mo."

"Yey! May dala si Tita strawberries." at lumundag pa sa upuan ng Taxi. "Ynna behave magagalit si Manong driver sa malilikot na bata. "Kuya Driver wag magalit ikaw ha excited kasi ako sa dala ni Tita ko." At tiningnan pa ng malungkot ang driver. "Sige okay lang basta ikaw." "Kuya Driver jan lang kami sa tapat ng tindahan."at paghinto dali-dali itong bumaba.

"Titttaaaaaa!" sigaw niya sa half sister kong nakaupo sa harap ng tindahan." sabay yakap nito. " Hi Baby Yna ni Tita, Namiss mo ba ako?" " Yes po, I miss you Tita saan mo nilagay yung mga strawberries?" sabay tawa ko habang nakatingin sa kapatid ko. "Oh diba tignan mo yang anak mo may pinagmanahan sa ugali." tawa parin ako ng tawa. "Oh asan na ang pamangkin ko?" tanong ko sa kanya. Oh ayun nagdadalaga na may katxt na! Sis di ko kayang maging dalaga na sya at magkajowa." sabay yakap niya sa akin. "Ang arte mo ha yung pinagdaanan natin di magagaya sa atin noh? Para kang ingot jan." Si Daddy pala nagtransfer na ng pera sa account mo para daw yun sa project mong extension dito sa bahay. Ayaw daw niya itransfer sa akin kasi he don't trust me that much. Paenglish pa yang tatay mo."mahabang litanya nito. "Hay nako iwan ko ba sa Tatay mo dumidikit lang sa atin kung feeling nya may kwenta tayo sa buhay niya. Tayo na nga bayad utang sa walang hiyang ginawa nya sa mga babae at nagkandalecheleche natong buhay natin! Isang sumpa yang tatay mo." sagot ko sa kanya.

My life is full of hatred and feeling along since I was a kid. I'm a legitimate daughter of my parents at dahil nga sa ambisyon ni Daddy na magkaroon ng marangyang buhay kaya iniwan kami isang taon bago ako pinanganak. After 9 years sa buhay ko nagbagsak siya ng bomba na may anak daw siya nong binata siya at yun nga Si Ate Dianne. At dun na nagsimula na ang away nila Mama at nahantong sa hiwalayan. At since American Citizen na siya mas naging hilig niya ang babae ata marangyang buhay. Kelan lang nagsimulang nagpundar ng malapit na ang expiration date niya. At ako ang tagapamahala sa kung anong meron siya. Bahay at lupa ang piniling bilhin ko noong una para habang tumatagal mas nagiging mahal. At ngayong taon nga balak kong magtayo ng business at magresign na bilang callcenter agent. Sa sampong taon ko bang nagtrabaho sa callcenter may naipon na man ako. At gusto ko magkaroon ng sariling business para mas masusubaybayan ko ang aking anak.

"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNCHAINED FEELINGSWhere stories live. Discover now