LOVE & HATE

18 3 0
                                    


"Ang hirap mong mahalin

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"Ang hirap mong mahalin." sabay sobsob sa unan na hinawakan ko bago nya ako nasuntok sa panga. "Binigay ko naman sayo lahat diba? May kulang pa ba? Sana mamatay nalang ako para maging masaya ka!" Wala na akong salitang narinig nakita kong nabigla siya at sigurado akong natauhan siya sa pananakit niya sa akin. At nagising na naman akong luhaan.

Ako nga pala si Abigail Simeon-Alcantara, isang nurse by profession pero mas pinili kong maging isang callcenter agent. At pinangarap kong lumayolayo sa ambisyong pinlano ko para sa pag-ibig na pinaglaban ko pero walang nangyari. Thirty-three na ako ngayon pero sa panaginip ng nakaraan hinahabol-habol parin ako. Mahal ko siya, Oo pero mas mahal ko na ang sarili ko ngayon, Apat na taon na ang nakalipas pero may mga panahon parin na bumabalik kung anong pinagsamahan namin. Pero pilit kong binaliwala ang kahapon para sa aking anak.

"Mama Happy Birthday!" sigaw ni Ynna. At sabay hug at kiss sa akin. "Gising na ikaw Mama wag na ulit tulog. "Kadarating lang ni Mama, galing sa work anak bantayan mo nalang si Mama na mag sleep ha." kahit nakasimangot siya niyakap parin ako.

Pag nakikita ko si Kristina Mel Alcantara or Ynna, ang anak ko kamukhang-kamukha sya ng kanyang ama di mapagkakailang anak niya talaga ito. Alam kong darating din ang araw na kinatatakutan ko na magkakaharap kaming tatlo kaya't kahit miss na miss ko na ang pamilya ko sadya ko talagang hindi umuwi sa probinsya. Sila Mama at kapatid ko lang ang bumibisita dito sa Maynila.

Nang nagising ako naabutan ko sa Ynna na nakaharap lang sa TV pinapanood nya ang BARBIE series ng walang sawa. "Nak namemorized mo na siguro yan. wala kang absent jan pag andito ka sa bahay eh." "Mama naman vacation ko naman ngayon eh, Grade one na ako sa pasukan Mama di na ako halfday kay di na malaki bayad sa kuryente natin. 

Natawa nalang ako sa pinagsasabi ng anak ko. Lahat ng galaw at mag-isip manang-mana sa pinagmanahan. Sabay yakap ko sakanya. "Anak mahal na mahal kita kay nagwowork si Mama ng maigi para mabigay ko lahat ng kailangan at gusto mo kaya mag-aral kang mabuti ha?"

"Kaya nga mama sa susunod ako na ang first honor mag aaral ako ng mabuti di na ako magsesecond." "Promise?" at nagpinky swear pa kami.

"Ynna sa labas nalang tayo kumain! si Tita mo kasi umuwi ng Pangasinan." "Mama luto ka nalang nung menudo nakatikim kasi ako nung hinatid ni Kuya Bert binigyan niya si Tita Amy."sabi nya habang nakatingin pa rin sa pinapanuod.

Lahat nalang ba ngayong araw na to nagpapaalala sa tatay ng batang to? Di ko na nga pinatikim at nagluluto ng menudo kasi favorite ng tatay niya. Pagkakataon nga naman. Iniiwasan mo na nga lumalapit pa. Di pa naman mahindiin tong batang ito. Kasi kahit pag uugali manang-mana. 

Habang piniprepare ko ang ingredients ng menudo nabigla ako pinatay ni Yna ang TV at umupo sa harap ko. " Ma dito lang ako titignan kita kung paano mo lulutuin kasi simula ngayon yan na ang favorite ko." tinitigan ko siya ng maigi. " At kelan ka pa nagkaitires na pumunta dito sa kusina at pinatay ang TV. "Mama naman big girl na ako at dapat alam ko lahat ng gawain kasi wala naman akong Papa."

"Papa?" mahina kung pag ulit sa sinabi nya. Sabay pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ito na ba ang araw na kinatatakutan ko? Ito na ba ang araw na iniiwasan ko? 

"Mama!! nasugatan ka na sa kutsilyo oh. Pagtingin ko dumudugo nga. Sabay sipsip ko sa dugo na nasa kamay ko. "Anak sa labas na lang tayo kumain nasugatan na kasi si Mama ei, Lutuin ko nalang bukas ah." sabay halik sa pisngi nya.




UNCHAINED FEELINGSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz