the rebel

12.2K 138 3
                                    

"Dale, anak, gising na magsisimba tayo ngayon." gising ni Cha sa'kin. 

"Di ako sasama. Puyat ako!" Pasigaw kong tugon. Kahit nasa malapit lang sya.

"Hay, panong di ka mapupuyat. Alas 4 ka na umuwi." saad nya.

"Wala kang paki." sagot ko sa kanya sabay takip ng unan sa mukha ko.

Ilang segundo ang lumipas, lumabas na rin ito. Buti naman at makakatulog na ko ng mahimbing. Maya party na naman. Hay, sarap ng life. Medyo nakakaidlip na ko ng bumukas ang pinto. 

"Ate, di ka talaga sasama?" si Dan bunso namin.

"OO. Kayo nalang ng mama mo." sagot ko.

"Maka mama ka ah, mama mo rin yun. Sa iisang lagusan lang tayo galing eh." sarkastikong sagot nya.

"Aba, sumasagot ka na ngayon?" napaupo na ko sa kakulitan ng kapatid ko.

"Di noh, sinasabi ko lang naman yung totoo. Sa laki mong yan sasagutin kita? Di noh! Ganda mo nga te eh. Sama ka na please? Death anniv ni papa ngayon eh. Sige na." pacute nya sakin.

"Hala, ngayon na ba yun? God.. I'm sorry. Di nag alarm phone ko bunso. sige na sasama na ko."

Tumayo na ko at nagpunta sa banyo para maligo. "I'm sorry papa. Nakalimutan ko talaga." pabulong kong usal habang naliligo.

"Dale, kaw na magdala ng alay." sabi ni cha.

kinuha ko nalang ito para wala ng diskusyon.

Habang nasa byahe. Inimbita ko si Cheyn. Bestfriend ko. Lunch kasi ang celebration mamaya.

Papasok na kami ng simbahan ng may nakita akong aso. Ang cute nito para sa isang askal. Nakakatuwa ito nakaupo lang sya sa tabi ng isang bulag na babae. Di ko alam kung matanda o bata pa kasi may belo ito sa ulo.

dumukot ako ng pera para sa bulag nitong amo. At inilagay ko sa kanyang kaliwang kamay. Natigilan ako ng may kakaibang sensasyon buhat ng madampi ang aking kamay sa kanyang palad. Di ko na sana papansinin yun at susunod nalang sana ako sa kina cha sa loob ng magsalita ito.

"Ah, Miss. Di po ako namamalimos." Nag-angat ito ng mukha.

Di ako mkapagsalita.Bigla nlang kumanta puso ko ng boom clap ni Charli xcx. Ang ganda nya. Di ko mapigilan ang sarili kong titigan sya. Ang tangos ng ilong. Parang artista sa puti. Di nga to pulubi.

"Miss, wag nyo naman po akong titigan nacoconscious po kasi ako." tawang sabi nya sakin habang nakatitig sa malayo.

"Ah.. P-pano mo a-alam na B-babae ako At nakatitig sa-sayo?" Shit pasalamat talaga ko na bulag sya. kung hindi makikita nya na namumula na ko. 

Ngumiti lang sya. At sinabing "S-E-K-L-E-T." nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti.

"Sorry naman kung nakatitig ako, ang ganda mo kasi" medyo napahiya na talaga ako rito sa babaeng to.

"I know right!" Leche. Namumuro ka na talaga miss blind. Tumawa pa ito ng di ako makasagot. 

Sinaule nya yung pera ko. Kinuha ko naman yun. Grabeh, hiya na talaga ako sa babaeng to. 

"Ah miss, wala ka bang balak pumasok? Namumula ka na kasi." asar nya sa kin. Bulag ba talaga to?

"M-maya na, w-wala kang kasama rito." hala dila asan ka ngayon. Lumipat ata sa katabi nitong aso ang dila ko.

"Ok lang ako miss, andito naman si kuruko." paliwanag nya. Pamilyar yun ah.

"Kuroko? Yung aso mo ba yung tinutukoy mo?" tanong ko. 

"Yup. sya nga." nakangiti nyang tugon.

"Ah miss di ka dapat rito sa labas dapat nag-standby. Maraming loko-loko rito lalo pa at bulag ka." sabi ko sa kanya.

"AT maganda" dugtong nya sa sinabi ko na ikinatawa naming dalawa.

"Oo na maganda ka na, kahit di mo sabihin na-aappreciate ko naman eh" napakamot kung sabi.

"Salamat sa concern ha? ok lang naman kami rito ni kuroko. We know Kung fu" napatawa na naman ako sa sinabi nya. Habang nagkwekwentuhan kami, di namin namalayan na tapos na ang misa. Sorry Dad. Napansin kung hawak-hawak ko pa pala ang alay sa misa. Para akong engot sa tabi na may dalang alay. Di ko na sinabi sa kanya kasi alam kong aasarin lang nya ako. HAHAHA.. Nakakatuwa sya. Ang ganda nya at ang light ng atmosphere namin. 

Wala pa sina cha. May babaeng may edad ang lumapit sa'min. 

"Ija, tayo na? Mamamalengke pa ko mamaya para sa lunch natin." sabi nung medyo may edad na matanda kay miss blind. 

"Ah Nanay Em, Si Miss.. Ayyyy.. Ano pala name mo?" Tanong ni miss blind.

"Dale Arlego poh ma'am" sabi ko sa kanila.

"Ako si arnie lopez." pakilala naman nya. Kakamyan ko sana sya ng biglang tumawa si nanay em sa ginawa ko.

"Dale anak yung alay." sabat ni cha. Inabot ko ito kay Dan para sya na ang maghatid sa loob. 

"Ah, Cha, si Nanay Em at si ARnie Lopez. Ah nanay ko si Cha" pakilala ko kay cha sa kanila.

"Good Morning po ma'am" nakangiting sabi ni arnie kay cha. Nagtaka si cha kung bakit kay nanay em pa rin ito nkaharap. Naintindihan naman ni nanay Em ang taka sa mukha ni Cha. Sumenyas nalang si nanay em na bulag ito.

Pagdating ni Dan, pinauna ko na sila ni cha sa kotse. At hinatid ko sila Arnie sa kotse nila. Di nga ito pulubi. Ang gara ng sasakyan. Tzkk.. Nagpa-alam na rin ako sa kanila at pumunta sa kotse namin. 

Habang pauwi di ko talaga mawari yung pakiramdam ko. Parang ang light. Nagustuhan ko yung mga convo namin kahit most of the time napapahiya nya ko. Ewan. Sana, magkita pa kami.

Pagkarating sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto at nagtingin ng messages sa phone ko. Halos lahat ng text ay galing kay Cheyn. Nagtatanong kung bakit di ako nagrereply. Sinabi ko nalang na busy ako kanina. Naisipan ko nalang umidlip habang malayo pa ang lunch.

When two ends meet (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon