Kataksilan ang siyang Ugat

1K 33 3
                                    

Chapter26

Hindi siya natuloy sa pag-alis ngunit umalis parin siya.Nagtungo siya sa rest house nang kanyang kaibigan.Matatagpuan ito sa bayan ng San Fabian,Pangasinan.

Sa kanyang opisina ay nagbigay siya ng bilin sa kanyang sekretarya na huwag na huwag ipaalam ang kinaroroonan niya.Ibinilin din niya na araw-araw itong mag-upadate sa kanya kung ano ang nangyayari sa kompanya.

Sa unang gabi niya sa resthouse ay kaagad siyang nakatanggap ng mensahe sa cell phone buhat sa kanyang sekretarya.Hinahanap daw siya ni Hanz at nagpipilit ito na alamin kung nasaan siya.

"Baka bumigay ka at sabihin mo sa kanya kung nasaan ako."

"Muntik na nga,eh.Napaka-authoritative naman kasi ang dating ng lalaking iyon at parang ang lakas ng convincing power.Natataranta ako lagi kapag kausap ko siya."

"Huwag na huwag kang magkakamali at hindi ako mangingiming sisantihin ka kapag nalaman ng hudyong 'yon kung nasaan ako."

"Eh,bakit ba naman kasi pinagtataguan mo?"

"Naiinis ako sa kanya!Sa pakikialam niya sa buhay ko.Sa mga pambubuwisit niya.Pati ang ginawa niyang pagsisinungaling kay Mr.Santos."

"Galit na galit ka nga ba?Oh...May malalim kang rason di'ba?"

"Naku,wala akong panahong magpaliwanag saiyo ngayon.Pagbalik ko na lang diyan saka tayo mag-usap.Basta ang bilin ko sa iyo,huwag na huwag mo akong ituturo kahit na ano ang mangyari."

"Kung hindi ako mako-convince."

"Ano kamo'?

"Sabi ko,yes Boss,"aniya.

Pagpasok ng ikalawang araw niya ng bakasyon ay nagtaka siya dahil hindi na tumatawag ang kanyang sekretarya.Inabot iyon ng dalawang araw kaya napilitin siyang komantok sa babae.

Ngunit busy ang telepono.
Hindi niya alam kung bakit.
Ang direct line ay hindi ibinibigay sa ibang tao maliban sa kanya.Maghapon siyang nag-try na tumawag ngunit hindi pa rin siya makakontak.

Hindi naman maaring sira ang linya ng telepono dahil busy ang sound na naririnig niya at hindi computerized voice na  nagsasabing under repair ang telepono.

Dahil doon ay naging iritable siya.Nagwo-worry and at the same time ay parang hindi mapakali.After dinner ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang cell phone.

Boses ni Hanz at hinihinala niyang ang sekretarya niya ang nagbigay ng cell phone number niya.
"What do you want?And how did you know my number?"pagalit na tanong niya sa lalaki.

"Ang tagal na kasi kitang hindi nakakausap.Nami-miss na kita."

"Hindi ko alam kung ano naman ang pumasok sa kukote mo at tila maganda na naman 'yang lumalabas sa bibig mo.Pero I doubt kung totoo ba ito o hindi."

"Talaga bang wala ka pa ring tiwala sa akin hanggang ngayon?"

"Dapat ba kitang pagtiwalaan matapos kong makaranas ng mga panlalait mo?At pinag-aaksayahan mo pa ng panahon ang isang babaeng mahilig sa matandang lalaking madaling mamatay?If I were you,hindi mo ako dapat na pag-ubusan pa ng oras mo!"

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon