Kataksilan ang siyang Ugat

895 29 1
                                    

Chapter21

Eksaktong alas otso ng gabi,dumating ang isang Mercedes Benz,lulan si Mr.Santos .
"Good evening,hija,"bati nito sa kanya pagsakay ng sasakyan.

Paliko sila nang kanto patungo sa direksiyon ng Makati ng mamataan niya ang isang pamilyar na kotse.At kung hindi siya nagkakamali,ang nagmamaneho niyon ay si Hanz.

Kinabahan siya at medyo nataranta.Nang pumasok ang sasakyan ni Mr.Santos sa isang fine dining restuarant ay nalingunan niyang sumunod pa rin ang kotse ni Hanz.

Ano kaya ang binabalak gawin ng lalaking 'to,"naisaloob niya.Nagsisimula ng umangat ang mga kilay niya.

"I hope you don't mind kung dito kita dinala."

"Okay lang po sa akin,"matamis niyang ngiti sa matandang lalaki.

"Balita ko kasi masarap ang especialty nila dito lalo na ang kare-kare."

"Paborito ninyo ng Papa Leonardo ko 'yan,di'ba?"

"Talagang madalas nga akong ikuwento sa iyo ng kaibigan ko,"napahalakhak na sabi ng matanda.

Nakaupo na sila at nilapitan ng isang waiter nang pumasok naman si Hanz.Ang plano niya kanina ay pagselosin nang husto ang lalaki,ngunit sa malas ay siya yata ang gustong manibugho.

Paano may kasamang isang babae si Hanz ng pumasok.Para itong linta na hindi mapagpag sa pagkakayapos sa lalaki na tila nagmamalaki pa.

Buti sana kung maganda ang kasama.Kung di lang natabunan ng make-up ang mukha ng bruhang kasama niya ay sasabihin niyang hindi ito maganda.

"Bakit bigla-bigla ka yatang hindi na mangiti?"puna ni Mr.Santos.

"Bigla ko lang hong naalala ang Papa Leonardo ko,"pagdadahilan   niya.

Sukat doon ay hinawakan ng matanda ang kamaya niya at hinalikan.
"Napakapalad ng kaibigan ko sa pagkakaroon ng anak na katulad mo,Hija.Sayang lang at hindi na nabuo ang samahan namin noong nagkawatak-watak na kami."

Ang tagpong iyon ay nakita ni Hanz at nakita niyang nagdilim ang mukha nito.Nakakuha siya ng buwelo para asarin pa ang lalaki.Kumapit siya sa bisig ni Mr.Santos.

"You know,Sir,I'm really glad that you still think of my father.And your friendship never ends.At mabait rin po kayo katulad ng Papa Leonardo ko."

"Kaya nga kami nag-click na magka-kaibigan dahil pareho kami ng pag-uugali,"anito na napahalakhak.

Nai-serve na ang pagkain nila.Napaka-thoughful naman ng matanda dahil ito ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya.Halos subuan pa siya nito.

Pero hindi naman siya pumayag na hindi rin ito ipaglagay ng pagkain sa plato.Sa tuwa ni Mr.Santos ay hinalikan siya nito sa pisngi.At nakita uli iyon ni Hanz na hindi niya masabi kung ano ang nasa kalooban ng mga sandaling iyon.

Tapos na silang kumain at nagkuwentuhan na sila ni Mr.Santos nang lumapit si Hanz.
"Tito Arnold?Are you tito Arnold?"tanong nito sa matandang kasama niya.

Nagtaka naman siya at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang lalaki.
Are they closed to each other too?naisaloob niya.

"Hanz!Hijo,ikaw nga ba?Halos hindi na kita makilala,ah!Binatang-binata na pala ang anak ng kumpadre ko.Married or still single?"

"Single pa rin ho,Tito."

"Si Lynvy nga pala,ang anak ng kaibigan kong si Leonardo De Capri."pakilala ng matandang lalaki sa kanya.

"Akala ko na kung sino ang ka-date mo Tito."

"Magkakilala kayo?"nagtatakang tanong ng matanda.
"That's great,that's great," nakangiti nitong sabi sa kanila.

"She's back from States at umuwi ng Pilipinas para maghasik ng lagim."ani Hanz saka siya tiningnan.

"Bakit Mr.Ocbian?Masama bang sumama kay Arnold at mag-relax?You don't have the right to stop me,kung sino ang gusto kong kasamang lumabas."pagtataray niya rito.

"Wala naman akong sinasabi.

"Kung magsalita ka kasi akala mo ang laki ng atraso ko saiyo!I rather have an old man in my life than a bastard like you!Naintindihan mo 'yon Mr.Ocbian?"

"I think so....Sabi nga nila the more you hate the more you love."

Napatawa naman ng pagak si Mr.Santos at biglang sumingit sa kanilang bangayan.
"Teka,hijo,"putol nito sa dalawa.
"Sino nga pala 'yung kasama mo?Is she your girlfriend?Kailan naman ang balak niyong magpakasal?"sunod-sunod na tanong ng matanda.

"Depende po iyon,Tito.Kapag napasagot ko na siya,"sagot nito kay Mr.Santos.

"Masuwerte siya sa iyo,Hijo.Mabait na,guwapo pa."

"Pero Tito Arnold,mas masuwerte kayo kasi nakahanap kayo ng mas bata at maganda na kapalit ni Tita,"pang-insulto ni Hanz sa kanya.

"Sa pagkaka-alam ko,wala naman sa edad ang pagkikipag-relasyon di'ba?Kahit sampung taon ang agwat basta nagkakaintindihan at nagmamahalan,there is no issue about it.Maliban nalang kung de pamilya na hindi ba?"

Bigla ay natahimik si Hanz.Alam niya kung ano ang nais nitong iparating sa kanya.According kasi sa hinired niyang invistigator ay napag-alaman niyang nabaliw ang Mama Minerva nito at na-stroke naman ang Papa Leonardo niya.

But he doesn't have enough proof kung bakit nga ba galit sa kanya ang dalaga?Kung tungkol man ito sa Mama Mercy niya na nakarelasyon noon ng Papa nito ay hindi siya nakakasiguro.

Nais niyang linawin sa dalaga na mali ang ibinibintang nito sa kanyang Mama.Or maybe,Lynvy was suffering from a truma.She was hiding something to herself kaya naman ayaw nitong magtiwala sa kanya.

Mali man ang haka-haka niya ay handa pa rin siyang tulungan ito.
Basta ba maging open lang sa kanya ang dalaga.Tutulangan rin niya itong maka-move sa masalimuot nitong nakaraan.
And he will tried his best...

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon