Kataksilan ang Siyang Ugat

956 32 8
                                    

Chapter24

Kung hindi nga lang ba niya ma-gets ng husto kung ano ang layunin nito sa ginagawang pang-aabala sa kanya ay gusto niyang maging kaibigan din ang lalaking ito.
Wala naman kasing masama kung sakali.

Binata ito at siya naman ay dalagang ina.Napangiwi siya sa mga pinag-iisip.Nakakahiya kay Hanz kung malalaman ito ng lalaki.Na nagkaroon siya nang anak dahil sa maling barkada na nakilala niya noon.Anak sa isang pagkakamali.

Iniwan niya ang mahimbing na lalaki at pumasok na siya sa kanyang kuwarto.May isang oras palang siyang nakatulog nang makarinig na naman siya ng mga katok.Nang buksan niya ay parang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan.

Si Hanz,may malay na.Nakasapatos na ito.Suot na uli ang long sleeve polo na hinubad niya ngunit hindi na isinara ng lalaki ang butones.
Sa tingin niya ay nagbalik na sa katinuan.

"Hindi ko alam kung paano ako napunta rito.Pero gusto ko sanang humingi ng sorry saiyo,Lynvy."

"L-lasing na lasing ka kaninang dumating ka,"aniya.

Napatingin ang lalaki sa suot na relo.
"Anong oras na?"

"Alas dose ng gabi,"ani Lynvy sa kanya.

Napailing si Hanz.
"Nakakahiya sa iyo."

"May dahilan ba ang paglalasing mo?"tanong niya.

Tumango naman ito.

"May I know what is it?"

"It's no use,"ani Hanz."Hindi na makakapigil iyon sa nakatakda mong pag-alis the day after tomorrow."

"Tuloy na nga ang pag-alis ko kasama si Arnold.Wala nang atrsan."

"Hindi na ba talaga kita mapipigil?"

"For what reason,Hanz?"

"Lynvy,I don't know if you will believed me kung sasabihin ko saiyong mahal kita.Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.Nararamdaman ko dito na mahal na mahal na kita,"at itinuro nang lalaki ang sariling dibdib.

At sa pagkabigla niya ay kinuha nito ang kanyang isang kamay at idinikit sa labi nito.
"I love you,Lynvy,"punong-puno ng damdamin ang tinig ng lalaki.

Napalunok siya.Sunod-sunod.Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang mga sinasabi ng lalaking kaharap niya ngayon.

May anak ka na,Lynvy.Sa tingin mo matatanggap ba niya kayong mag-ina kapag nalaman nitong nagkaroon ka ng anak noong nasa States ka pa?Masasaktan ka lang,naisaloob niya.

"Bakit mahal mo ako,Hanz?Ano ang nakita mo sa akin?"wala sa sariling naitanong niya sa lalaki.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Hanz.Ang guwapong mukha nito ay napalitan nang pagkadismaya.

"Alam kong mali ang pagkakakilala natin noong una tayong magkita,Lynvy.Hindi kita niloloko.My God,I don't know why from the start I can't get you out of my mind.Kailan mo ba ako maiintindihan?"
Napabuntong-hininga ito."O baka naman sinasadya mong huwag akong intindihan dahil mas type mong masilo ang isang matanda at mayamang lalaki katulad ni Mr.Santos na malapit na ring makipag-deal kay kamatayan.Nang sa gayon ay lalo ka pang yumaman!"

Pakiramdam niya ay nawala lahat ng dignidad niya sa sarili sa mga binitawang salita ni Hanz.Dumilim ang kanyang anyo.At sa bugso ng galit ay nasampal ang lalaki.

"Wala kang karapatang husgahan ako ng ganyan Mr.Ocbian.Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko!Wala kang alam kung anong hirap ang dinanas ko mabuhay ko lang ang pamilya ko dahil sa kawalanghiyaang pang-aakin ninyo sa negosyo namin!At ngayong bumalik ako para bawiin iyon ipinamukha mo pa sa akin na wala na akong babalikan pa!I hate you!"

Ngunit sa halip na magalit ay ngumisi lang si Hanz at walang sabi-sabing hinapit siya sa beywang sabay halik nang mariin sa kanyang mga labi.Nanlaban siya ngunit wala siyang nagawa.

Natatangay siya ng mga halik na ngayon ay gustong magpawala sa katinuan niya.The kisses are so passionate at halos mapugto ang kanyang hininga.Ngunit ang tamis na taglay niyon ay tila magnetong humihigop sa kanya upang tugunin ang mga labi ng lalaki.

Subalit bigla siyang bumalik sa katinuan at itinulak niya ito.
"Please,Hanz.Kung may paggalang ka sa sarili mo ay igalang mo rin ako,"humihingal niyang sabi.
"I deserve to be respected dahil hindi naman ako nakikipaglandian sa iyo.I'm sorry kung natangay man ako ngayon,but please stop seducing me!"

At hindi na niya napigilan ang pag-iyak sa harapan mismo ng lalaki.
"I-I'm sorry,Lynvy...."tila nakokonsiya namang paumanhin  ni Hanz.
Hahawakan sana siya nito ngunit umiwas siya.

"Just get out of this room,Hanz.At kung pupuwede lang,huwag na huwag mo na akong gagambalain pa."

"Dahil ba kay Tito Arnold?"

Hindi siya agad nakasagot ngunit tiyak na tiyak niya ang mga binitawan niyang mga salita.
"Yes!Kung iibig man ako,tiyak na kay Mr.Santos iyon.Yung kayang sustentuhan ang pamilya ko sa finacial problem,"ngumisi siya.Mapaklang ngisi.

"Siguro nga ay dapat ko nang tigilan ang kabilawan ko.At dapat ko na rin sigurong tanggapin na hindi mo magagawang umibig sa isang katulad ko dahil ang type mo ay...."

"Huwag mo nang ulit-ulitin Mr.Ocbian!For several times ay ipinamukha mo na sa akin iyan.I am being so greedy to marry a billioner man just to be rich!Now,just get out dahil walang kuwento ang conversation na 'to!"

Tinungo niya ang pinto.
Binuksan iyon ng maluwang.
Humakbang si Hanz at tumigil sa harap niya.
"Goodluck,"paalam nito at saka nagmadaling bumaba sa hagdan.

Dinig na dinig niya ang pag-angil nang makina ng kotse nito.
Ang pagharurot hanggang gate.Ang padabog na pagbubukas at pagsasara ng gate.
Ang pasibad palayo.

Napaiyak na naman siya pagkatapos.Hinding-hindi rin nagbabago ang trato ni Hanz sa kanya.Isang mumurahing babae pa rin ang turing nito sa kanya matapos na ipagtapat nito ang nasa kalooban niya.

Na hindi niya malaman kung paniniwalaan niya o hindi.Hindi rin niya alam kung paano sasabihin sa lalaki ang sekreto niya.Na nabuntis siya noon dahil sa paulit-ulit siyang ginahasa ng kanyang mga kabarkada.

Pinanapainom ng drugs upang mawala sa katinuan.
Hindi siya karapat-dapat kay Hanz dahil marumi siya.
Marumi ang katawan niya!
Marumi siya!

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon