Chapter 15

2.5K 92 11
                                    

Forbidden Love
By: Jaypee

Chapter 15

Alas-syete na ng makauwi kami ng bahay. Sinalubong kami ni Mr. Connell pag-uwi namin ni Kuya.

"Welcome home young masters. How was your first day at school?" tanong nya sa amin.

"It was good," sagot ko. Wala naman talaga ako masasabi sa unang araw ko dahil wala naman anumang nangyari. Wala maliban sa confrontation namin ni Nathan.

"Nothing special," bored na sagot ni Kuya Caleb kay Mr. Connell.

Natawa naman ng kaunti si Mr. Connell.

"Looks like it was a normal day for both of you. Master Calvin is waiting for both of you at the dining area. I've already prepared hot baths for both of you if you wish to bathe first before having dinner," sabi ni Mr. Connell.

Inamoy ni Kuya ang sarili nya at palabirong sumagot.

"Nah I think we're good. We'll take a bath probably before bed instead. I'm starved," nakangiting sagot ni Kuya. Natawa rin ako sa sagot nya at ganun din si Mr. Connell.

"Very well. Don't forget to wash your hands first though," sagot ng magiliw na butler.

"We will. Thank you Mr. Connell," sagot ko at nagtungo muna kami ni Kuya sa washroom sa baba para maghugas ng kamay.

"Jiro bakit mo pala ako naisip bigyan ng tryout form para sa football team?" tanong ni Kuya.

"Naisip ko lang. Gusto ko rin kasi makita kung paano ka maglaro at kung talagang ace player ka," sagot ko. Ngumisi naman si Kuya sa akin.

"Do I hear doubt from my lil' bro?" mapanuksong tanong ni Kuya.

"Yes. How would I know if I haven't even seen you play once?" ganting tanong ko.

"You're being cocky these days. I'll do it then but you have to make sure you'll watch me," sagot ni Kuya.

"Of course. Ako ang magiging number one fan mo Kuya," natatawa kong sagot at nakipagtawanan na rin sya sa akin.

Matapos maghugas ng mga kamay ay nagtungo na kami sa dining room kung saan kami hinihintay ni Dad.

"Oh mga anak, how was your first day?" tanong ni Dad pagdating namin sa dining hall.

"Ayos naman po Dad," sagot ko at naupo na kami ni Kuya.

"What he said," nakangiting sagot ni Kuya kay Dad.

"Good, good. Actually may importante sana akong sasabihin din sa inyo ngayon," sabi ni Dad.

"Ano po yun?" tanong ko.

"I'm leaving for London tomorrow. Urgent matter kaya maiiwan ko muna kayo ni Kuya mo dito since you both have school," sagot ni Dad.

"Why? Did something happen back there?" tanong ni Kuya Caleb na halatang nag-aalala.

"Nothing too big. Nagkaroon kasi ng urgent concern sa main branch ng company. I'm sorry mga anak kung medyo short notice pero kasi hindi ko rin pwede balewalain yun. Uuwi din naman agad ako pag tapos na ang trabaho ko dun and we can always skype or email each other," sagot ni Dad.

"Seriously Dad? Skype? Di na po kami bata," natatawang sagot ni Kuya Caleb pero umiling lang si Dad sa kanya na nakangiti.

"Nonetheless, you're still both my sons no matter how old you both are. Lagi kayong paaalalahanan ni Connell tungkol dun," sabi ni Dad.

"Si Dad talaga," natatawa kong komento.

"Hayaan nyo na ako mga anak ayoko lang din kasi na maramdaman nyo na neglected ko kayo," sagot nya.

Forbidden Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon