Chapter 5

3K 121 1
                                    

Forbidden Love
By: Jaypee

Chapter 5

Kinaumagahan ay tinawagan ko agad sina lolo at lola sa cellphone pero out of coverage area pa rin ito. Nagdesisyon na ako na puntahan sila dahil talagang di ako mapakali.

"Good morning sir aga natin ngayon ah," bati ni Kuya Jonas. Nagpupunas sya ng kotse sa labas nang makita nya ako na nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Uuwi muna ako sa amin. Saan ba may malapit na sakayan dito Kuya?" tanong ko.

"Medyo malayo pa yun sir. May problema ba?" tanong nya na nag-aalala.

"Kinukutuban lang po ako eh. Gusto ko lang siguruhin kung tama ba ang kutob ko," sagot ko.

"Sakay na kayo ng kotse sir ihahatid ko na kayo," sabi nya.

Di na ako nagdalawang isip pa kaya sumakay ako sa kotse at hinatid ako ni Kuya Jonas pauwi sa amin. Sana lang talaga mali ang hinala ko.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Nagising ako ng maaga sa di ko malaman na dahilan. Pagkaunat ko ng mga braso ko ay agad akong bumangon at nagstretch pa ng konti. Napalingon ako sa bintana at nakita ko na nagmamadaling lumabas ang anak ni Dad. Nag-usap sila ni Jonas, yung driver namin saka sila umalis na nagmamadali pa rin. I don't know but I was somehow disturbed seeing them together.

It bothered me a bit since last night kitang kita ko sa mukha nya na masama talaga ang napanaginipan nya. I shrugged my shoulders and went straight to the shower. Wherever he's going doesn't concern me anyway.

I went down to eat breakfast and I saw Dad drinking his cup of coffee while reading his newspaper.

"Good morning Caleb," sabi ni Dad.

"Morning," sagot ko and I sat down on one of the chairs and took a toasted bread from the platter.

I noticed Dad was looking over my shoulder probably looking for his son.

"Where's Jiro? Is he still sleeping?" tanong ni Dad.

"Maaga sya gumising. I saw him drive off with Kuya Jonas earlier," sagot ko.

"Sinabi ba nya kung saan sya pupunta?" tanong nya uli.

Nagkibit-balikat lang ako at kumagat sa tinapay na nilagyan ko ng blueberry jam.

"Sir! I'm sorry to interrupt your meal but I have grave news," nagmamadaling sabi ni Connell. Agad kami napalingon ni Dad sa kanya.

"Go on," sabi ni Dad.

"I received a call from the authorities this morning. It's about Young Master Jiro's grandparents," sagot ni Connell.

Dad looked alarmed as soon as he heard Jiro's name. We both waited for our loyal butler to continue.

"What happened?" tanong uli ni Dad.

"Last night, their house caught on fire. Both of them have been found dead in their hut," sagot ni Connell.

Nanlaki ang nga mata ni Dad sa gulat at agad na tumayo sa kinauupuan nya. Even I was speechless when our old butler finished his statement.

"Get me my car," pag-uutos ni Dad.

"It's already up front Master," sagot ni Connell.

Sinundan ko si Dad palabas.

"Dad I'll go with you," sabi ko.

Tumango lang sya at sumakay na ako sa passenger seat ng kotse habang sya naman ay sumakay na rin. He revved up the engine and drove with worry.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻

"Sir kanina pa kayo tahimik. My problema po ba?" tanong ni Kuya Jonas.

"Pasensya na Kuya. Di lang ako mapakali talaga kagabi pa. Matagal pa ba tayo?" tanong ko.

Di naman sa nagiging demanding o bastos ako kay Kuya Jonas pero talagang nag-aalala na ako kina lolo. Habang nagmamaneho kasi ay sinusubukan ko sila tawagan pero di ko pa rin sila makontak. Maaga gumising sina lolo at lola kaya sigurado ako na walang dahilan para di ko sila makontak ngaung umaga. Isa pa nakausap ko sila kagabi lang at wala naman ako naging problema sa phone signal.

"Malapit na tayo sir... Huh? Bakit madaming tao?" sabi ji Kuya Jonas.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko na maraming tao sa daan papunta sa kubo nila lolo. Habang umaabante kami ay nakikita ko rin na may nga pulis at bumbero sa paligid. Nagsimula nanaman ako kabahan at nang mahinto kami ay agad na ako bumaba. Tumakbo ako papunta sa maliit na daan papunta sa kubo at lalong dumami ang mga taong nakapaligid.

Natigilan ako nang makalampas na ako sa makapal na dami ng taong nakaharang sa daan ko. Hindi ako makapaniwala. Ang kubo kung saan ako lumaki at nagkamuwang, ang tahanan namin nila lolo at lola, wala na, tinupok na ng apoy.

Tumakbo ako papunta sa kubo. Nasaan sila lolo at lola? Anong nangyari  sa kanila?

"Boy bawal ka dito," saway ng isang pulis nang makita nya ako na lumampas sa police line na nakapaligid sa dating kinatatayuan ng kubo.

"Nakatira ako dito. Nasaan na po ang lolo at lola ko? Ayos lang po ba sila?" nag-aalalang tanong ko.

"Jiro!" sigaw ni Sir Calvin mula sa likod ko. Tumakbo sya palapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. Kasama nya si Caleb na nakadistansya sa likod nya.

"Kayo ba ang pamilya ng nga biktima?" tanong ng pulis.

"Yes we are," sagot ninSir Calvin.

Biktima? Anong ibig sabihin ng pulis na to?

"Nasaan po ang lolo at lola ko? Ano ba talagang nangyari?" tanong ko uli sa pulis.

"Pasensya ka na iho pero patay na ang lolo at lola mo. Nakulong sila sa loob ng kubo habang nasusunog ito," sagot ng pulis.

Naguho ang mundo ko sa narinig ko. Wala na sila lolo at lola. Kung ganun nagpaalam sila sa akin sa panaginip na yun dahil dito.

Bumagsak ako sa lupa sa mga tuhod ko sa sobrang gulat. Kagabi lang masaya ko pa silang kausap tapos ngayon wala na sila. Tahimik lang na umagos ang mga luha ko sa mata habang nakayuko ako. Naramdaman ko na naupo sa tabi ko si Sir Calvin at tahimik lang ako na dinamayan. Hinayaan ko lang na nakapatong sa balikat ko ang kamay nya habang ako naman ay nilalamon ng lungkot sa nangyari.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Dad and I caught up with Jiro as soon as he stepped out of the car. He is now slumped on the ground crying silently while Dad comforted him. Alam ko ang pakiramdam nya pero hindi ko sya magawang damayan because what he needs now is family. That is one thing that I am not. I maybe his cousin/adoptive brother but we have no bond whatsoever.

I stayed there silently watching over him while he wept. Minutes after, kinausap ni Dad ang mga pulis at sinabihan ako na samahan pabalik sa kotse si Jiro.

While walking back to the car, there was an awkward silence between us. Nakita ko ang mga mata nya and they were swollen but what scared me more was that they were lifeless. I remembered the day my parents died, I was like that once pero ngayon I am seeing it happening to someone else.

"Sir Caleb! Sir Jiro!" pagtawag ni Jonas.

Patakbo syang lumapit sa amin na nag-aalala.

"Anong nangyari po kay Sir Jiro?" tanong sa akin ni Jonas.

"Namatay sa sunog ang lolo at lola nya," matipid kong sagot at inakay ko papunta ng kotse si Jiro.

I told myself that I will disassociate myself with Jiro but after seeing him like this, I just felt the urge to help him out.

Don't get me wrong but the idea of having a brother isn't a problem for me. Siguro it's the idea of losing Dad's attention and love caused me to distance myself with Jiro.

Pagdating sa kotse, binuksan ko ang pinto sa likod at inakay sya para maupo muna sa loob.

"Stay there for a while. May kailangan ka ba?" tanong ko.

Hindi sya sumagot. Instead he just sat there quietly looking devoid of emotions. I sighed and close the door gently to give him space while leaving the window open halfway.

(To be continued on Chapter 6)

Forbidden Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon