Chapter 1

8.6K 197 1
                                    

Forbidden Love
By: Jaypee

Chapter 1

Puno ng tao ang covered court ng high school na pinapasukan ko. College na ako sa susunod na pasukan kasi di naman ako inabot ng K-12 na yan kaya swerte ko.  Maraming mga nag-iiyakan sa mga kabatch ko pero ako andun lang sa isang sulok at pinagmamasdan sila.

Ako nga pala si Jeremiah Lozano, Jiro na lang for short. Madalas kasi ako asarin na Master Jeremiah nung elementary ako dahil sa kasagsagan noon ng Ghost Fighter kaya ginawa ko ang nickname na Jiro. 17 pa lang ako kasi sa October pa ako magbibirthday. Stats ko: 5'6 ang taas, katamtaman lang ang build, mestisuhin kahit nakatira sa bukid, hazelnut hair (brown yun na shade pero lighter), may katamtamang ilong at labi, brown eyes at may mahabang mga pilikmata na namana ko sa yumao kong ina. Asset ko ang mga mata ko dahil sabi ng lolo at lola ko ay maaliwalas at puno ng buhay ang mga ito gaya ng kay mama. Ulila na ako noong 7 years old pa lang ako at lolo at lola ko lang ang umaaruga sa akin ngayon.

Ginapang nila ang pag-aaral ko kahit kapos kami sa buhay kaya nagsikap ako mag-aral. Nakatapos ako bilang valedictorian kaya tuwang-tuwa ang mga grandparents ko. Tamang tama dahil mag-aapply ako ng full scholarship sa state university dito sa lugar namin.

"Friend! Congrats!" sabi ng isang babaeng lumapit sa akin.

"Salamat," pagtugon ko.

Siya nga pala ang only friend ko sa buong four years ko dito sa high school, si Lizzie. May-kayang pamilya sila. Likas na pala-kaibigan sya di tulad ko na ilag sa tao. Madalas ako tumambay sa library at kumakain na mag-isa kapag lunch break. Siya ang unang taong nagtangkang mag-approach sa akin kasi karamihan sa mga estudyante ay umiiwas sa akin lalo na ang popular students. Hangga't maaari talaga ayoko makisalamuha sa tao kasi madalas ako mabully noong bata pa ako dahil wala akong ama. Sampid daw ako at walang nagmamahal sa akin.

"So tutuloy ka ba sa state university?" tanong ni Lizzie.

"Oo. Ayoko na kasi makadagdag pa sa problema nila lolo at lola," nakangiti kong sagot.

"Sayang wala sila dito ngayon. Daan kami mamaya ni mama sa inyo naparami ang handa namin eh kaya bibigay na namin sa inyo ang iba," sabi ni Lizzie.

"Nakakahiya naman sa inyo ni Tita nag-abala pa kayo," sabi ko.

"Ano ka ba friend wala yun. Saka alam mo naman na malakas ka sa pamilya namin eh," nakangiting sagot nya.

Nag-usap pa uli kami ni Lizzie nang ilang sandali. Nag-aya kasi sya na sabay na kami mag-enroll sa state university para daw di sya mabagot sa pila. Pareho din kasi kami ng kukunin na course - HRM.

Maya-maya pa ay lumapit na ang parents ni Lizzie at binati rin nila ako. Nauna na sila umalis at sumunod na ako after ko maisoli ang toga sa property custodian.

May maliit na bukid ang mga grandparents ko pero dahil na rin sa katandaan ay di na sila gaano kumikita at sapat lang para sa pang-araw araw na gastos ang kinikita nila sa pag-ani.

Kung iisipin parang napakalungkot ng buhay ko. Aral, bahay lang at nag-iisa lang ang kaibigan. Siguro sa inyo pero sa tulad ko gusto ko ang ganitong setup kasi tahimik lang buhay ko.

Sa malayo pa lang ay nakikita ko na ang maliit na kubo namin kung saan kami nakatira. Pagpasok ko sa loob ng kubo ay nakita ko ang magigiliw na mukha nila lolo at lola.

"Andyan na pala ang matalino naming apo," bati ni lolo.

"Halika apo nakahain na ang hapunan," anyaya ni lola.

Nakita ko na naghanda ng pansit si lola at si lolo ay nagkatay ng manok para litsunin. Di sila nakapunta sa ceremony kasi kailangan nila maihatid sa bayan ang ani at gatas ng mga baka para maibenta.

"Salamat po pero dapat di na po kayo naghanda sayang naman po yung kita," sabi ko.

"Naku apo hayaan mo na eto na lang magiging celebration natin lalo pa valedictorian ka," sabi ni lola.

"Konti lang naman ito apo," sabi ni lolo.

Inilagay din ni lolo ang litrato ni mama sa mesa para kasama namin sya sa pagcecelebrate.

"Siguradong proud na proud ang mama mo ngayon sa'yo habang nakamasid sa langit," sabi ni lola.

Nangiti ako. Kahit na nahihiya ako kina lolo at lola ay malugod kong tinanggap ang handa nila para sa akin. Tulad nga ng naipangako ni Lizzie ay dumaan sila ng parents nya sa bahay at naghatid ng dagdag na handa. Dun na rin sila nagcelebrate ng graduation namin. Napakasaya ko nung nga oras na yun at hiniling ko na sana lagi lang kaming ganun.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻

"Have you booked me my flight tickets for tomorrow?" tanong ko.

"Yes Master. You are due to depart tomorrow by noon," sagot ng matanda.

"Excellent. Thank you Connell," sagot ng lalaki.

"By the way sir, here are his records that we were able to collect. Young master Caleb will be arriving tomorrow. He said he will catch up to you on the next flight," sabi ni Connell.

"Very well. Thank you for your effort," sagot ko.

Kinuha ko ang folder na inabot ni Connell. Nakalagay dito ang mga litrato at impormasyon sa mag-ina ko na matagal na nawalay sa akin.

Napagdesisyunan ko na kunin sila para bumawi sa mga pagkukulang ko bilang ama. Binuklat ko ang folder at tumambad ang litrato ng isang binatilyong may magagandang mata na tulad sa babaeng minahal ko pero di ko naipaglaban.

"Wait for me Jeremiah," bulong ko sa litrato ng anak ko.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Naglalakad ako galing bayan. Kakatapos ko lang ihatid ang mga panindang turon ni lola. Bukod kasi sa mga ani, naglalako din kami ng turon at maruya. May mga sinusuplayan kami na karinderia sa bayan at paminsan-minsan naman ay ako ang nagbebenta sa bayan. Habang nasa malayo ay may nakita akong magarang kotse sa malapit sa bukirin. Maaring nasiraan ito pero di ko na tinangka lumapit para lang makasiguro ako.

Pagdating sa kubo ay nakita ko ang lolo at lola ko na nakaupo at nukhang may kausap sa kabilang dulo ng mesa. Pumanik ako para iparating na dumating na ako.

"Lo, La ano pong nangyari dun sa kotse sa tapat?" tanong ko.

Sabay na tumingin ang grandparents ko sa akin na may pag-aaalala.

"Anak," sabi ng isang boses.

Nilingon ko ang kabilang dulo ng maliit naming mesa kung saan may isang lalaking may disenteng kasuotan ang nakaupo.

Napalingon ako sa likod ko pero wala naman ibang tao dun. Ngayon ko lang nakita ang lalaking to. Mukha syang nasa 30's at maputi sya na may makinis na balat. Maamo ang mukha nya at masasabi mo talaga na makisig syang lalaki. Matikas din ang pangangatawan nya at ang buhok nya ay tulad ng sa akin na hazelnut ang kulay.

"Anak ako ito," sabi ng lalaki at tumayo sya palapit sa akin.

"Sir baka nagkakamali po kayo. Ngayon ko lang po kayo nakita," sagot ko.

Tinignan ko sila lolo at lola. Pareho silang nag-aalalang nakatingin sa akin pero di nila itnanggi ang mga sinasabi ng lalaking ito.

"Alam ko na naguguluhan ka pero hayaan mo muna ako magpaliwanag sa'yo. Ako si Calvin Osbourne, your biological father," pakilala nya.

Nagulat ako sa narinig ko at di ko sya agad nasagot. Pakiramdam ko nag-slow motion ang mundo ko.

(To be continued on Chapter 2)

Forbidden Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon