Namalikmata lang ba ako? Bumalik na muli ang anyo niya sa isang salamangkero na pakiramdam ay malapit na naman sa kamatayan.

"Maraming salamat, ipapangako kong dadahan-dahanin ko ang pagkagat nang hindi ka masaktan."

Natapos ang usapan namin tungkol sa pagtigil niya sa tore. Humiwalay na ako sa kanya.

Tulad nang lagi kong gawi ay kumukuha ako ng aklat at dalawang hanggang tatlong oras akong nagbabasa.

Kasalukuyan nang nakaupo sa aking upuan ang salamangkero. But he's sitting in different position. Nakaharap ito sa sandalan ng upuan habang nakahilig ang mga braso niya sa puno nito.

And he's been staring at me, kung saan man ako magtungo sa bawat sulok ng aking kwarto.

Isang oras ay nagagawa ko pang balewalain, ikalawang oras ay naghanap ako ng ibang posisyon pero nakahabol pa rin ito at sa pangatlo ay sinalubong ko na ang titig niya. Hindi ba ito natatakot na baka bigla na lamang matanggal ang kulambo sa aking mukha at matitigan niya ang aking mga mata.

"May kailangan ka ba sa akin, salamangkero?"

Hinintay ko itong sumagot sa akin, pero nakatitig lamang ito.

"Salamangkero,"

"You are so beautiful, maari ko bang malaman ang ngalan ng babaeng kinagat ko sa hita?"

Agad nag-init ang pisngi ko sa kanyang katanungan. Why did he add the thigh part? It should be 'what is your name'?

Babaeng kinagat ko sa hita. Damn.

"K-Kalla..Kallaine Seraphina Verlas.."

"Beautiful name, Seraphina..hebrew name means fiery winged angel. Katulad ng mga pakpak mong tumulong sa akin. You have a very familiar power."

"It wasn't mine, my friend just shared his ability. Kaya ako nananatiling buhay sa toreng ito ay dahil nagiging ibon ako at nakakain ng iba't-ibang bunga sa kagubatan." Tumango ito.

"Who's this friend? Maaari ko bang malaman?"

"His name is Lorcan, a vampire from Parsua." Pansin ko ang saglit na pagkagulat sa kanyang mga mata.

"W-Where is he?" he stuttered.

"Kilala mo ba siya?"

"Nagtatanghal rin ako sa Parsua at minsan ko siyang nakausap. What happened to him?"

"Isang araw ay bigla na lamang itong nagpakita sa akin at sapilitan niyang tinitigan ang aking mga mata. My curse turned him into stone, gaya ng mga batong nakita mo sa labas ng toreng ito." Umawang ang bibig nito sa akin.

"W-What is this curse?"

Huminga ako nang malalim at sinabi ko sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko. Tahimik lamang itong nakikinig sa mga sinasabi ko.

"They manipulated my innocence. Idiniin ako ng mga maharlika sa kasalanang hindi ko naman ginawa." Biglang bumalik ang sakit ng nakaraan.

Nagtangis ang kanyang mga panga matapos ang aking napakahabang kwento, saglit siyang natahimik bago siya muling nagtanong sa akin.

"Are you hating royal bloods, right now Seraphina?"

"Karamihan, pare-pareho na sila. Wala silang pahalaga sa mga nakakababa sa kanila." Sagot ko.

Tumango ito sa akin.

"How about you? Are you hating royal bloods, right now? Hindi ba at sinasamantala ka rin nila?"

"Sinasamantala?" kunot-noong tanong nito.

"You told me that old princesses are after your—" he cut me off.

"Yes, yes..I hate royalties too." He waved his hand. "By the way, just call me, Finn."

"Kalla.." tipid na sagot ko.

"Ilang taon ka nang hindi nakakainom ng dugo?" tanong nito sa akin.

Nakatalikod ito habang nililibot ang tingin sa aking buong kwarto.

"Hindi ko na natatandaan,"

"I can offer you my blood," tumawa ako sa sinabi niya.

"Pahihirapan lang natin ang sarili natin."

"I don't mind, para naman makatikim ka ng dugo. You're still a vampire, iba pa rin ang natural na dugo." Nagkibit-balikat ako.

Nasanay na ako sa mga prutas.

"Papaano ka nakakakuha ng bunga? Hindi ba at patay na ang gubat na ito?"

"I am a bird, kumukuha ako ng mga buto sa kabilang isla at isinasabog ko sa kagubatang ito. Isang taon ko rin itong ginawa."

"You're smart,"

"Mahilig lang siguro akong magbasa ng aklat." Ngumiwi ito sa sinabi ko.

"You hate books?"

"Yes,"

Hindi rin nagtagal ay nagsisimula nang sumikat ang araw. Bigla na lamang akong nakaramdam ng antok.

"Saan ako maaaring tumulog?" tanong niya sa akin.

Kahit siya ay pansin kong nakakaramdam na rin nang panghihina.

"Hindi ka maaaring tumabi sa akin dahil baka sa paggising ko ay walang harang ang aking mata."

"Mauupo na lang siguro ako," maiksing sagot nito.

Naalarma na naman ako. Bakit parang laging kahabag-habag ang tono nito?

"No, you can share it with me. Tatalikod na lang ako, huwag ka na lang rin humarap sa akin." Hindi na ito sumagot.

Sa isang iglap ay gumalaw na ang kama ko.

"We can do something about your eyes." Tinanggal nito ang panyo sa kanyang kasuotan.

"Turn around, Kalla.." sumunod ako sa sinabi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko nang piringan niya ang mga mata ko.

"Baka paggising ko ay maging bato na ako. Is it okay with you if I block your sight everytime we sleep? Ayokong humantong sa kamatayan." Tumango ako.

My hairs on my body stand up when he whispered on my ears.

"Thanks," hinawakan nito ang mga balikat ko at dahan-dahan niya akong inihiga.

Ramdam kong humiga na rin siya katulad ko. Ramdam ko ang paghinga niya sa batok ko.

"Finn, you're n-near.."

His fingers travels on my shoulder. What the hell is he doing?

"Kalla, tell me..have we met before?"


--

VentreCanard 

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon