Chapter 05

4.2K 86 3
                                    

CHAPTER 05:


[Luke's POV]


I'm in the middle of our meeting pero hindi ko alam kung bakit gustung-gusto ko nang makauwi.

As the meeting ended, I immediately get back on the office para kunin yung mga naiwan kong gamit para makauwi, but when I'm about to take the exit door from the company, may bigla namang humigit sa akin saka ako marahang hinalikan sa labi.

"Hey Hon." Malambing na sabi ni Chloe habang hindi niya pa rin inilalayo ang katawan niya sa akin.

"What brought you here, Chloe." Sabi ko habang bahagya siyang itinutulak palayo sa akin.

She laugh sarcastically.

"Seems you forgot it already. Didn't I tell you that I'll come back?" She said while running her index finger on my arms.

Napahinga ako ng malalim.

Mukhang matatagalan pa bago ako makauwi.

Tumingin ako sa relo ko.

It's 6pm. May oras pa naman para masabayan ko siya sa dinner.

"What is it you want right now?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong yan? I just want to have some time with you. C'mon, samahan mo naman ako sa mall." Saka siya yumakap sa braso ko.

Nahilot ko ang sentido ko.

"Okay." Saka niya ako mabilis na hinila palabas ng kompanya.

Isinakay ko siya sa sasakyan ko saka kami mabilis na pumunta sa mall.

Sa dalawang oras na namalagi kami sa mall, walang tigil ang bibig niya kakakwento habang namimili siya ng kung anu-anong mga gamit at habang kumakain kami, pero ako lumulutang pa rin ang utak ko sa condo.. alas-otso na.

Hindi nagtagal ay nagyaya na siyang umuwi kaya naman hinatid ko siya sa building kung nasaan ang condo niya.

Nang pinahinto ko na ang sasakyan...

"When will you file an annument?" Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.

"I told you, not yet and I still don't know when I will." I told her.

Hinawakan niya ang braso ko.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"I'll wait 'till that day came. Just please.. Make it sooner huh?" Malambing na sabi nito pero hindi ko siya sinagot.

Akala ko ay baba na siya ng sasakyan pero iba ang nangyari.

She pull me towards her and kiss me torridly, I respond.

"Let's go to my room." She whispered still kissing me.

When she said that, dahan-dahan ko siyang itinulak.

"Go now." I told her.

Hindi na siya nagsalita at dire-diretsong lumabas.

I breath in deeply before I decided to drive.

Pagdating ko sa condo ko ay dumiretso ako sa kusina. Madalas kasi na dun ko siya naaabutan pagkagaling sa trabaho, kaya naman laking pagtataka ko nang wala akong naabutan doon.

Kinakabahang dumiretso ako sa kwarto pero wala rin siya doon.

Hindi ko alam pero natataranta na ako. Pumunta ako sa banyo saka kumatok doon pero wala talaga. Tumakbo ako pabalik sa kwarto saka dumiretso sa closet.

Lumuwag ang pakiramdam ko nang makita ko ang mga damit niya doon, nakaayos pa rin.

Siguro may mahalagang pinuntahan lang. Pero off niya ngayon, trabaho pa rin ang inaasikaso niya?

Naghanda na lang ako ng makakain.

Habang naghahain ako, may biglang pumasok sa isip ko. Ang mga pangyayari noong nakaraang linggo.

Pansin ko nga na nagiging malamig na siya sa akin pero hinayaan ko lang yun. Yun naman ang gusto kong mangyari diba?

Napailing na lang ako. Masyado na akong nag-iisip.

Handa na ang mesa, siya na lang ang kulang pero ilang oras na ang nakakalipas, wala pa ring Maven na nagpapakita. Nagsisimula na akong mag-alala.

Alas-dose na wala pa rin siya kaya napagpasyahan kong bumaba para hanapin na siya.

Pero bago pa man akong makalabas may pumarada nang kotse sa harap ng pinto papuntang parking lot.

Kotse iyon ni Pierre, anong ginagawa nun dito?

Yung pag-aalalang nararamdaman ko kanina, bigla na lang nawala at napalitan ng sobrang galit

Shit!

What is she doing? Why is she with him?

When She CryWhere stories live. Discover now