Hindi niya pinansin yung sinabi ko at itigil ang sasakyan sa harap ng isang salon.

Salon?

Bumaba na siya at pumunta naman sa tapat ng pinto ng passenger's seat para hilahin na naman ako pababa doon.

"Oh, hi! Vile, it's been a while. Kailan ka pa umuwi from Greece?"

"Hi Tita, about a month na rin since I got here. By the way, here, I'll just leave her then babalikan ko siya after an hour or something? Please tita sana magmukhang tao siya."

"Aba't! Hoy! Hindi ba 'ko mukhang tao ngayon?!" Grabe na 'tong lalaking 'to ha, mapang-alipusta siya ah!

"Thanks, Tita. I got to go." At nagbeso pa sila ng Tita niya. Nakakaloka itong pinaggagawa ng batang ito.

"So hija, I'll just let my people work on you, alright? I have to do something else pa eh."

"Oh, it's fine po." Nginitian niya nlaang ako.

And with that, umalis na siya at iniwan na ko sa mga tao niya dito.

Nag-start na yung mga bakla dito na ayusan ako. Actually light lang and simple ang make-up and yung ginamit na color scheme is around the shades of nude lang up to my lips. As for my hair, kinulot lang yung ibabang part then I'm good to go.

As if on cue, sakto namang dumating na yung lalaking humila sakin which is si Vile daw according to his Tita. In fairness sa pangalan niya ha, matching sa personality, unpleasant.

Mga 5 seconds ulit siyang nakatitig lang sa akin. Alam ko namang maganda na 'ko on normal days pero hindi talaga mapagkakailang mas maganda ako ngayon kaya hindi ko siya masisisi kung talagang matitigilan at mapapatitig siya sa akin nang ganiyan.

"Hoy, ano na."

Medyo nag-iwas siya ng tingin at, "Stop calling me 'hoy', may pangalan ako."

"So? Ni-hindi nga kita kilala riyan, bigla mo na lang akong hinila."

Hindi na niya pinansin yung sinabi ko at binigay nalang sa'kin yung paper bag na dala niya. "Oh. Magbihis ka na."

"Pa'no kung ayoko?"

"Gusto mo pa bang ako ang magbihis sa'yo?"

Dahil doon, kinuha ko na lang agad sa kaniya yung hawak niyang paperbag at pumunta sa CR. Mahirap na at baka totohanin niya ang sinabi niya, mukha pa naman siyang seryoso.

It was from Valentino, it is a pastel pink halter skater dress na madulas and medyo makapal ang tela that made it look classy. Strings lang 'yung sleeves n'un and it ends in the middle of my thighs. Another paper bag is from Balenciaga naman, it was a nude block heels with about inches high.

Look at this man, flexing his pennies. Talagang designer brands pa ang binili!

My outfit looks cute, ha. No doubt na may taste siya sa girl outfits kasi mahilig siya sa girls. What a casanova.

"Tagal mong magbihis, we're 5 minutes late already." Bungad niya yan paglabas na paglabas ko ng comfort room.

Inirapan ko nalang siya, napaka-demanding amp.

"Saan nga kasi tayo pupunta?" Tanong ko habang nasa sasakyan kami at nagd'drive siya.

"Peninsula Hotel."

Agad na namilog ang mga mata ko dahil sa sinagot niya. "What?! Excuse me, ha! Hindi ako papatol sa'yong hinayupak ka. Stop the car! Bababa na ako."

"Ang daldal mo pala talaga," naiiling na sabi niya.

"Ano?! Itigil mo sabi 'tong sasakyan mo, sasapakin na kita!"

"We're here."

What the hell?! Hindi pa ako handa at lalong hindi ko sa kaniya ibibigay ito 'no! Bata pa ko at kung gagawin ko yun sa future, wala na kong ibang naiisip na gagawin ko iyon with someone else kundi with Vinzeler lang! Ayoko sa lalaking kasama ko ngayon dito! Ugh!

10 Last MonthsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz