"H-huh?" Bahagya namang nagulat ang best friend ko.

"'Wag ka nang mag-inarte riyan. Come on, let's exchange seats, si Ken kasi, eh." May lakas na akong ganyanin sila dahil matagal-tagal na rin akong nakakasabay sa kanila tuwing lunch, kaya medyo comfortable na ako. And they're good guys naman.

"Ah, sige." Tumayo na siya pero dama kong 'di pa yan nakaka-get over sa pagkagulat. Nakakatawa talaga 'tong best friend ko, for sure, aasarin ko 'to mamaya.

Lumipat na ako at ngayon ay si Earl na ang katabi ko at nasa harap ko si Vinze. Nakatingin na naman nang masama 'tong lalaking 'to sa akin. Kung hindi lang ako badtrip ngayon, kikiligin ako kasi lagi siyang nakatingin sa 'kin, kahit masama pa iyon.

"Ano?" Tinanong ko na siya. Grabe makatingin, eh. Umiling lang naman siya at bumalik na sa pagkain. Bumalik na rin ako.

Maya-maya ay may dumikit sa pisngi ko na medyo malamig at alam kong kadiri. Nakita ko pa na kulay pula iyon. Ketchup. Tumingin ako nang masama kay Earl. Nakangiti naman siya ngayon na tuwang-tuwa pa sa ginawa.

'Wag niyo 'kong inaano ngayon, badtrip ako, ha.

"Bwisit ka." At kumuha ako ng ketchup. Nilagay ko sa hintuturo ko at pinunas naman sa pisngi niya. Syempre hindi siya nagpatalo kaya nilagyan niya ulit ako. At nilagyan ko rin siya. Ang lagkit sa mukha! And it's messy.

"Natalie." Tinawag ako ni Vinze. May kalakasang ang boses kaya lahat kami sa table ay napatingin sa kaniya.

Ako naman, tumigil ang mundo ko. Nagsasayawan ang mga baboy sa tyan. At ngayon, feeling ko may nagaganap na party sa kanila.

Maganda ang boses niya pero mas maganda ito kapag binabanggit niya ang pangalan ko.

Habang nagpa-party ang buong katauhan ko, biglang naalala ko na badtrip nga pala ako.

Kinilig ako pero ngayon naiirita na naman ako. Lalo na sa tono ng pagtawag niya sa 'kin. Parang nagbababala or kung ano man.

"Ano na naman ba? Hindi na nga kita pinapansin, oh! Para kang laging nire-regla, actually daig mo pa nga 'yung nireregla, parang menopause na nga!" Bahagyang hiningal ako sa litanya. OMG! Ano ba 'yung nasabi ko?!

Natatawa naman sila Kenneth nang mahina na halatang pinipigilan na lang nila.

"Aish!" Ang sungit na naman. He brushed his hair up due to frustration. Takte, ang gwapo talaga.

Nabalik ako sa reyalidad ng padabog na itinulak niya ang kaniyang upuan at umalis ng cafeteria.

Hays. Problema n'un? Nasobrahan ako sa sinabi ko? Shit.

Pagkaalis ni Vinze ay tahimik naman kaming nagtitigan ng mga kasama ko sa table.

"Problema nu'n?" Tanong ko sakanila, pero pagkatanong kong iyon ay nagtawanan ang tatlong mga ugok. Nagkatingin kami ni Sandra at parehong may clueless look sa mga mata namin.

Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin sila. Alam kong wala akong makukuhang matinong sagot sa kanila kaya tumayo na lang ako para sundan si Vinze.

Aish, saan ba nagpunta ang lalaking 'yon at ano na namang problema niya?

Kung kailan ba naman ako bad trip ay sumabay pa siya, huhu.

Nakakainis, siya na nga 'tong laging sinusupladuhan ako dahil sa kakalapit ko sa kaniya tapos ngayon namang binibigyan ko na siya ng panandaliang kalayaan, mag-iinarte naman.

Nakakaloka kung 'di ko lang talaga siya mahal, hindi ko na siya sinundan pa.

Mula sa first floor kung saan ang cafeteria, umakyat ako sa fourth floor. Nandito kasi ang laboratories kaya kaunti lang ang mga tao lalo pa't free cut ngayon. Sumilip ako sa hallway, madilim dito dahil nga wala pa namang nagamit. Pinili ko na lang na pumunta rito.

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now