Hindi niya pa rin ako pinapansin at patuloy lang siyang naglalakad na parang walang naririnig. Maraming tao ngayon dahil nga first day ng pasukan kaya mas nahihirapan akong habulin siya.

"Hoy! Wait lang." Yes. I called him that. Bahala na, napaka-pabebe pala nito.

Hindi niya pa rin ako nilingon at pinansin. Binilisan ko ang lakad ko upang mas makalapit sa kaniya nang sa gayon ay mahila ko ang braso niya. Ngunit bago ko pa siyang maabot ay may nakabangga na sa akin.

"Aw!" Napaupo ako sa sahig at masakit iyon sa balakang. Saglit ngunit madiin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa sakit na ininda.

"Shit! Miss, I'm sorry. Okay ka lang?" Iminulat ko ang aking mga mata para makita kung sino ang nakabangga sa akin. Nakalahad sa harap ko ang kamay niya upang tulungan akong makatayong muli. Ang gwapo naman nito. Bakit dumarami ata ang gwapo rito? Pero 'di hamak naman na mas gwapo pa rin si Vinze.

"Okay lang. Sorry rin." Akmang kukunin ko na ang kamay niyang nakalahad sa akin nang hawakan ako ng ibang kamay at siyang tumulong sa akin upang makatayo.

"She's with me." He said. Mamamatay na 'ko sa kilig kaso joke lang ayoko pa pala, I'm with him daw, eh.

"Oh. Sorry, dude." At bumaling siyang muli sa akin. "I'm sorry again, miss...?" With a tone waiting for me to answer him with my name.

Bago pa ako makasagot ay itong nakahawak sa kamay ko na ang sumagot. "I don't think that's necessary. Let's go." At hinila niya akong tuluyan papasok.

"Ayie. I'm with you pala, eh." Pang-aasar ko sa kaniya habang naglalakad kami at hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Shut up." Sagot niya at naramdaman kong bibitaw na siya sa pagkakahawak sa kamay ko kaya ako naman ang humawak sa kanya nang mahigpit.

"You're abusing the situation." Nakakunot noo at seryosong saad niya nang maramdaman niya ang ginawa ko.

"Sus. Ikaw kaya ang nagsimula. Hayaan mo na, baka mabangga ulit ako, concerned ka pa naman sa'kin." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Tumigil siya saglit kaya napatigil din ako. Hinarap niya ako para irapan. "Since when have you ever become this 'feeling close'? And excuse me, your parents have been good to me, I am just returning the favor to their daughter."

Inirapan ko rin siya. Ang tigas ng mukha kong mang-irap ngayon na ako ang kaka-confess lang sa kaniya, 'di ba. "Whatever you say. Tara." At ako na ang naunang naglakad.

Since it's the first day of academic year today, may pa-event ang school namin and we are all required to stay in the field for the event. Even the college students are required too that's why we're still together. The good thing is hindi naman required na magkakahiwalay ang students from different departments. Kaya kahit na senior high school ako at college siya ay magkasama pa rin kami.

Hindi na magkahawak ang kamay namin nang marating namin ang field dahil pinilit niya at hinayaan ko na lang baka masakal 'to sa 'kin, hindi pa nga ako gusto.

Sa kanya ako sumasama dahil wala akong ibang kilala kundi siya. Absent ngayon ang best friend ko dahil nasa bakasyon pa siya. Hindi rin naman ako close sa mga naging classmates ko noon kaya hindi ko magawang sumama sa kanila. Feeling close na kung feeling close pero kay Vinze lang ako willing maging feeling close.

Pwede ring sa mga kaibigan niya para mas mapalapit pa ako kay Vinze.

Nasa harap namin ngayon ang mga kaibigan niya. Dahil nakasunod lang ako sa kanya ay hindi ko alam na imi-meet pala niya ang kaniyang mga kaibigan.

Nakatingin lang ang mga ito sa amin ni Vinze na para bang naguguluhan. Tinignan ko si Vinze ngunit parang wala naman siyang balak na ipakilala ako sa mga kaibigan niya.

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now