"Lorcan!"

Naramdaman ko na lamang ang pagtapon ng katawan ko sa kama. He jumped on me with his legs kneeling on both sides of my body.

"No, please Lorcan.."

"Hindi ko na kaya, Kalla. End this for me.."

Marahas niyang sinapo ang aking mukha at sinalubong niya ang aking mga mata.

"NO!" sigaw ko.

Ngumiti ito sa akin.

"Salamat, maraming salamat Kalla.."

"No! Lorcan! Please don't turn into stone!"

Bago pa man siya naging bato ay tumayo na ito nang tuwid, may kinuha itong maliit na aklat mula sa kanyang likuran at inihagis niya ito sa akin.

"I hope it will help you, goodbye Kalla."

Ito ang huli niyang mga salita bago tuluyang tumulo ang aking mga perlas at maging isa na siyang tunay na bato.

Nanghihina akong nakatitig sa kanya. Sa kabila ng batong nakabalot sa kanya, makikita ang ukit ng kalungkutan sa kanyang mga mata.

Ilang oras siguro akong nakatitig lamang sa kanya bago ko mapagpasyahang itago siya.

Binuhat ko ang kanyang katawan at dinala ko ito sa ilalim ng tore para ingatan. Ayokong magaya ito sa mga naging batong bampira noon na hinahayaan kong mabasag.

Lorcan was a good friend. At kung darating ang panahon na makawala ako sa sumpang ito, gusto kong muli siyang mabuhay.

"Magpahinga ka na muna, Lorcan." I tiptoed and kissed his cheeks.

Masyadong mabilis ang pangyayari ngayong gabi. My body was used in sexual way and my eyes were used for killing someone's pain.

Itinabi ko muna ang librong ibinigay sa akin ni Lorcan, pakiramdam ko ay hindi pa ako handa sa mga nilalaman nito.

Tumanaw akong muli ako sa labas ng tore. Napakaraming bato na ang nagkalat sa ibaba nito na siyang nagtangkang kumuha ng perlas para sa pansariling kagustuhan.

Nararapat lamang sa kanilang magkaroon ng lamat at mabasag.

Buwan na ang lumipas, walang pagbabago sa aking mga ginagawa. Hanggang sa maalala ko ang aklat na ibinigay sa akin ni Lorcan.

Nang buklatin ko ito ay agad nangunot ang noo ko.

The book was written in a strange language. Hindi pa ako nakakasalubong ng ganitong klase ng mga letra.

I tried to find a book which is something similar, but I didn't find anything. Sa huli ay muli ko lamang itinago ito.

Sumapit na naman ang gabi at nandito akong muli sa harap ng bintana habang pinakikinggan ang music box nang tahimik. Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang hangin at musika, hanggang sa ibuka ko ang aking mga labi para umawit.

Hindi ako nakuntento at nagpasya akong mag-anyong ibon para mas lalong damhin ang hangin.

Hindi ko akalaing sa gabing ito ng aking paglipad ay muli akong makakakilala ng isang lalaking bampira na hindi man lang nasilaw sa mga perlas na nagkalat sa aking silid.

"Tawagin mo akong Finn, isang makisig na salamangkero."

Ito ang huli niyang mga salita bago siya nawalan ng malay. Hindi ko muna ito nilapitan, sa halip ay nagsuot muna ako ng aking kasuotan.

He saw my body! Ipinilig ko ang sarili ko at muli kong pinagmasdan ang lalaki.

Dahan-dahan akong humakbang patungo rito at marahan akong lumuhod sa kanya nang makalapit na ako.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon