Pero bago pa ako magtanong if pwede ko ba isama sa loob itong mga asungot na ito ay sila pa ang naunang pumasok kaysa sa akin.

Napatingin ako sa lalaki na may paghingi ng paumanhin sa ginawa ng mga kasama ko.

"I'm sorry mr?" biti na tanong ko dahil diko alam ang name.

"David miss, and ok lang po." Aba marunong managalog ang mukong.

"Thank you David" at pumasok na din ako.

Nasa loob pala si Danizze. Na siyang na meet ko para sa deal na ito.

"Welcome miss Lee and take your set," paanyaya niya sa akin dahil ang apat ay prenting naka upo sa pangunguna ni Sonya at Cloe..

"Miss Hillarda is still on her room." Sabi nito na may ngiti sa labi.

"Can we wait for her?" Tanong pa nito.

"Ah-ahm yes of course." Sagot ko dito na kinakabahan. Heto na naman itong kaba ko.

"Btw, my cousins Sonya and Kea. My two bff, Cloe and her wife Yuu." Pagpapakilala ko sa kanila. "And Guys si Danizze ang executive secretary ng client ko and Daviiiid?...."

"My husband," si Danizze "and personal butler of our lady boss." Sabi nito na nakangiti.

May nakahain na din na makakain sa center table na halatang pinaghandaan ata ang pagdating ko.

"Times two or three ang laki ng unit ng client mo compare sa unit mo Lee ah." Puna ni Cloe at doon ko pa nailibot din ang paningin ko.

Nakita ko si David na pumunta sa kitchen ng unit na ang lawak tapos sa taas may tatlong pintuan na sa tingin ko mga kuwarto iyon at isa sa baba.

Kahit itong sala nila ay sobra ang lawak nito at may napakagandang chandelier sa taas na mukhang mamahalin.

Actually lahat ng furnitures dito ay halatang mamahalin.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan sa baba at iniluwa doon ang isang dyosa na nag mamay-ari ng dalawang pares magagandang mata. Kulay abo ito na para kang hinahatak sa mga titig niya.

Lahat kami nagulat at walang gumagalaw sa amin. Nakatutok lang ang mga mata namin sa isang dyosa na papalapit sa amin.

Paulit-ulit akong napapalunok sa suot niyang off the shoulder mini dress na kulay puti.

Nahagod ko siya ng paningin mula ulo hanggang paa.

She's stunning sa suot niya. Ang shoulder niya na nakalabas na parang ang sarap papakin.

Ang perpektong kurba niyang katawan at lalo nagpainit sa katawan ko at ang makinis niyang legs.

Napa lip lick at napapakagat ako sa aking labi dahil para akong natutuyuan sa nakikita ko at ang init bigla samantalang malamig naman pagpasok namin kanina.

"Like the view?" Sabi ng taong bigla kong pinagpantsyahan na naka pokerface. Nasa harapan ko na pala ng diko namamalayan.

"Iyong heart ko nahulog na ata paki pulot." Iyon ang namutawi sa bibig ko habang nakatitig pa din ng matapos siyang magsalita.

"¿que?" (What) nakanunot na turan niya.

Ha?

Ano daw?

"Ahem!"

Tikhim ng balasubas ng panira sa pagtitig ko sa isang dyosa.

"Miss Lee," pukaw ulit niya na ikinalingon ko. "Our lady boss Miss Hillarda Thunder Karlsson Blanchard." Sabi pa ni Danizze at doon nag sink in sa utak na siya pala ang client ko.

"So you're Miss Lee of Lee's Advertising Agency." Sabi ng kaharap ko at inilahad ang kamay ko, "quae pulchra viventem (what a beautiful creature). Dugtong niya na diko naintindihan dahil latin ang pagkakasabi.

Tinanggap ko naman ang pakiki pagkamay niya na kahit wala pa din ako sa sarili ko ay tinanggap ko ito.

Iyong kuryenting naramdaman ko ng una ko ma meet si H ay mas naging triple ata ang naramdaman ko.

Pero bigla din niya itong binitiwan at hinarap sina Sonya para makipagkilala sa kanila.

Para akong tuod na nanginginig at nanatiling nakatitig sa kamay ko na hinawakan niya.

This feeling.... siya at siya pa din ang kayang gumawa nito sa akin.

"H...."

at biglang tumulo ang luha ko ng diko na mamalayan.

Napalingon ulit sa akin si Hillarda at....

"You know Hailey?" Pormal nitong sabi na nakataas ang kilay.

Bigla akong natumba at isang bisig ang sumalo sa akin ang huli kong natatandaan.

Hindi niya ako kilala?

Pero bakit?

*****


Nicolette0810




"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon