Prologue

13 0 0
                                        

The Class Picture
By Mistika1511

Prologue
Marco's POV

"Achievers!", sumisigaw na naman ako ngayon dahil sa sobrang ingay ng mga classmates ko.
"Chill! Relax lang pressi.", sabat nitong si Aira na Vice President ko.

Oo, ako ang president ng section na'to. Pero bago ako maging demonyo, let me introduce them.

Meet Leah, siya ang pinakatahimik sa section na'to. Yung iisipin mong parang may sarili syang mundo. Yung hindi mo aakalaing galit na siya or masaya sya. Lagi nyang kasama ang bestfriend nya, si Jona, ang babaeng tahimik dahil sa wattpad. Mahilig sya magbasa ng mga love stories pero walang lovelife.

Meet the Kiki's, ang grupo ng magbebestfriend since Grade 7. Yes, matagal nang nabuo ang grupo nila, marami kase silang similarities kaya siguro close na sila sa isa't isa.
Elika, the Black Beauty, madalas syang asarin ng barkada nya ng bumbay dahil na din sa kaitiman at kulot nyang buhok. Mukha syang manika pero yung manikang sinunog ha. Kasama din niya ang kabaliktaran naman nyang si Tin, The Make Up Artist.  May maipagmamalaki din itong kagandahan, hindi dahil sa magaling syang mag- makeup. Maganda kase sya kahit wala, maputi at makinis. Mataba lang talaga sya kaya siguro di magustuhan. Isa pang miyembro ng Kiki's si Missy, the Emotional One. Sya ang pinakasensitive sa kanila, konting asar lang ay mapapaiyak mo na sya. Hindi mo rin makakalimutan si Aira, isa rin sya sa mga Kiki's, tulad ni Missy ay iyakin din ito, pero a good leader. Kaya nyang mapasunod lahat in an easy way. Ako kase, talak ng talak na ibang iba sa kanya. Chill lang sya.
Lastly, si Coline, The Talented. Academically smart but alam mo na. Di sya marunong sumayaw, di rin sya marunong kumanta. Ganun sya katalented.
I forgot, may naidagdag na pala sa kanila, ang bukod tanging lalaki, sa totoo lang, sya ay binabae. Meet Tonio, The Gay. Sya ang pinakamaarteng bakla sa klase namin. Madalas syang asaring Mr. Johnny Bravo, dahil sa hulma ng kanyang katawan na parang body builder.

On the Camera, ay ang grupo naman ng mga kalalakihan.

Meet Henry, The Escort, no jokes, pogi sya. Karamihan sa room, crush sya. Meet his jowa, Sheila, The Gorgeous One, 2 years na nila this year and I'm happy for them.

Meet Neil, The Heartrob, marami ding nagnanasa dito. Napakahot nya kase, ang gwapo pa. Maraming nagkakagusto sa kanya pero may minamahal na din kase sya. Meet his girlfriend, Mica, the Muse. Maganda din ito, bagay na bagay sila. Kaso kinaiinisan ng lahat kase pabebe daw.

Meet Drew, The Guitarist, sya ang pinakamagaling pagdating sa gitara. Payat pero may itsura din naman. Meet Jun, the Gymnast, ang pinakaflexible sa lahat, ang baklang may gusto kay Drew since Grade 9. Nagkakasundo sila pagdating sa music, dahil may potential din sa pagkanta.

Meet Yael, The Athlete, sya ang pinakamagaling sa lahat ng sports especially sa basketball. Sya ang 3- Point shooter ng team nila. Matagal na syang nanliligaw kay Tin pero til' now, wala pa ding sagot. Meet Roel, the Swimmer. Sya ang partner lagi ni Yael pagdating naman sa swimming. Halos di na sila maghiwalay neto dahil gustong gusto niya talagang matutong lumangoy.

Meet Tian, the Drama King.
Wala nang tatalo dito pagdating sa kadramahan. Di pa rin kase makamove on sa pastlife nya.

Meet Gia, the Jolly One.
Ang bestfriend ko namang kalog at napakafriendly. Halos lahat ata ng kaschool mates namin, friend nya. Medyo boyish sya tulad ni Paula, the Boyish One. Masasabi mo talaga, kase halos mga lalaki kasama nyan.

Meet Kenneth, The Greedy One.
Sya ang pinakamatakaw sa klase yung halos makapitong plato, kulang pa.

Meet Lenlen, The Drama Queen.
Not literally madrama tulad ni Tian. Magaling kase sya umarte.  Basta may contest ng dramahan, sya ang nilalaban.
Meet her bestfriends.

Vely, the Fashionista.
Daming humahanga jan pati ako dahil sa mga pormahan niya. Richkid yan. Maaasahan.

Nelyn, the Kpop Lover.
Sya naman ang babaeng fan ng Korean Actresses at Performers. Halos alam na nga niya lahat ng steps at lyrics ng kanta ng mga tagaKorea. Ganun sya kaaadict sa Kpop.

Linda, the Secretary.
Ang secretary na parang doktor ang sulat. Sya ang Top 2 namin dati dahil sa kasipagan at efforts nya.

Yuki, the Emotionless.
Ito yung singkit na hindi mo alam kung masaya ba o hindi. Napakaclueless kase ng mukha niya.  Parang walang nararamdaman.

Meet Jayjay, the Addict.
Literally not but physically addict. Ampayat nya kase, parang tumitira ng shabu araw- araw. Walang girlfriend pero may ex.

Xandra, the Photographer.
Sya ang editor in chief namin. Magaling syang kumuha ng shots.
Pero di nya makuha yung taong gusto niya.

Meet Raul, the Confident One.
Sobrang taas ng confidence nyan. May itsura naman talaga sya pero sobra ang hangin sa katawan. No Girlfriend Since Birth.

Meet Drake, the Oldest One.
Sya ang tatay- tatayan sa klase. Sya kase ang pinakamatanda. Tinutulungan nya din ako disiplinahin ang mga classmates namin.

Meet Shane, the Best Actress.
Ito ang partner lagi ni Lenlen pagdating sa actingan.
Magaling din ito kumanta tulad ni Jane, The Singer. Pag narinig mo silang kumanta, halos ayaw mo na silang patigilin lalo na si Jane na malaanghel ang boses.

Meet Anica, the Comedian.
Kapag kasama mo yan, kakabagin ka sa kakatawa. Makapal mukha niyan e. Konting kibo mo lang, may masasabi na sayo.

Meet her bestfriends.
Leo, the Traveler.
Ito ang pinakagala sa lahat, pag mayroong outing, sya talaga ang nangunguna.

Margie, the Playgirl.
Marami 'tong boyfriend. Di nauubusan. Yung feeling na kakabreak lang, meron ulit.

Elise, the Producer.
Daming pera neto. Maaasahan sa supplies. Hindi din nawawalan. Wala ka nang hahanapin pa, dahil halos lahat nasa kanya.

Lastly, Rosy, the Antagonist.
Sya ang kontrabida sa klase, sya yung may paninindigan. Nakakainis minsan kase hindi sya nakikisama.

Meet Rica, the Spokeperson.
Ito yung pinakamaingay sa lahat. Parang nakalunok ng microphone kung magsalita. Sya na ang pinagsasalita ko minsan para naman may silbi yung malakas na boses nya.

Hulia, the Practical One.
Ito yung napakakuripot sa lahat. Well, alam kong mahalaga ang pera pero sobra kase yung sa kanya. Sya yung maaasahan mo pagdating din sa pera.

Jaime, the Leader.
Sya naman yung lalaking gusto maging presidente. Gusto nya manglead. Di ko alam kung bakit ayaw nila sa kanya.

Jennie, the Dancer.
Ito naman yung OA pagdating sa sayawan sabi ng iba. Medyo OA sya kumilos kaya kinaiinisan din ng iba.

Juliana, the Artist.
Magaling syang magdrawing at sa pagpepaint. Sya na ang future artist for us dahil sa talent nyang yun.

Anne, the Fearless.
Sya yung babaeng walang kinakatakutan. Wala syang paki, kung sino yan, basta alam nyang nasa tama sya.

Nica, the Chinita.
Sya naman yung chinita pero tahimik. Hindi sya yung madaldal. Go with the flow lang sya.

Queeny, the Smallest One.
Para tong minion, small pero ang  ingay. Cute sya pero talakera din.

At lastly, si Ycka, the Absentee.
Sya naman yung palaabsent kaya parang walang kamuang muang sa nangyayare sa room. Religious sya kaya we understand kung bakit nya ginagawa yun.

Naluha ako nang mapanuod ko ulit ang video na 2 years ago na.
Miss ko na ang achiever, ang unang section na pinamunuan ko.
In- off ko na ang cellphone ko nang makareceived ako ng message galing kay Aira.

Message From:
Aira

Be, patay na daw si Ma'am Jean.
May pumatay daw sa kanya. Punta us sa lamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Class PictureWhere stories live. Discover now