KTS [15]

1.6K 101 12
                                    

Paalala mga nakshie! May mga images sa bawat chapter kaya kailangan ng internet para makita nyo.

Enjoy reading! 😘

Shannon's POV

"You'll regret this! You two will regret this!" Galit na sigaw ni Casey bago sya tuluyang umalis. Iyan lang ang nasabi nya. Asan na yung btch na makuda? bakit yan lang nasabi nya ngayon?

"Are you out of your mind? gago ka ba?" Sigaw ko nang hawakan ni Taehyung ang braso ko matapos akong magmartsa para sana tumakas sa super awkward na eksena.

Tangina I love her daw? argh!

Hinalikan lang ako tapos mahal nya na agad ako ganun ba?

Nakita ko pa na nanlaki ang mga mata ni Casey kanina at napaawang ang bibig dahil sa sinabi ni Taehyung. I'm sure na sukdulan nanaman ang galit sa akin nung gagita na yun.

"Yun kasi yung totoo Shannon, ayaw mo ba sakin?"

Inis akong tumingin sakanya. Nasisiraan na yata talaga to ng bait.

On the other side. di ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Anong tinira mo? nag-aadik ka nanaman no?!" Sigaw ko.

Inexpect kong bigla syang tatawa pero hindi. Sumeryoso ang itsura nya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I'm serious, Shannon. I love you, una palang, simula palang gusto na kita" Sambit nya. Awtomatikong napataas ang kilay ko.

"Yung biro ko sayo noon na maging slave ko, di ko naman inakalang mang-yayari yun eh, sobrang saya ko nung kinagat mo yung joke ko na yun. Well, maybe blessing in disguise yung nangyare sa mama mo before"

Totoo ba 'tong mga naririnig ko ngayon?!

Ano na?!?!?!

"Nakakabading man... pero kinilig talaga ako non. Gustong-gusto kitang asarin lagi kasi nga gusto kita! Siguro nung mga panahon na yun nasa panig ko ang tadhana hindi ko kasi alam kung paano ako mapapalapit sayo..." Mas humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko.

"Tapos kaya ginusto kong lumipat dito sa condo kase ayokong mas mapalapit ka pa kay Jin pero mukhang nagkakamabutihan na kayo kahit nailayo kita sakanya" Bumuntong hininga sya at yumuko.

Di ako makapaniwalang maririnig ko sakanya ang lahat ng  mga ito ngayon.

Like wtf?! Ang bongga ng confession nya, hindi ako ready!

"Pinatulan ko si Casey dahil gusto kong makita kung magseselos ka ba, pero mukhang hindi, kaya tuwing magkasama kami lagi akong gumagawa ng dahilan at paraan para magkahiwalay na kami, pinagsisisihan ko na naging kami" Nag-angat sya ng tingin at diretsong tumingin sa mga mata ko.

Ngayon ko lang nakita na ganitong kaseryoso ang mga tingin nya.

"I don't love her kaya bakit ko ipipilit ang sarili ko sakanya? Alam na alam ko naman sa sarili ko na yung mahal ko ay yung babaeng nasa harapan ko ngayon at ikaw yun Shannon, Pero sobrang sakit para sakin na makita na parang tuwang-tuwa ka pa nung niligawan ka ni Jin. Kaya ngayon sabihin mo sakin.... mahal mo naba talaga si Jin?"

Napakagat ako sa labi ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"A-anong klaseng t-tanong yan?" Napatanong nalang ako dahil parang ayaw mag sink-in sa utak ko nung mga sinabi nya.

"Just answer me, mahal mo ba sya? yes or no?!"

Napapikit ako't umiling pero napadilat din ako ng maramdaman ko ang pagyakap ni Taehyung sa akin.

Kim Taehyung's SlaveWhere stories live. Discover now