Chapter One

12.6K 297 24
                                    

Lyon, France (Interpol Headquarters)

Nang dahil sa tiyuhin nagbitiw sa pagiging NBI agent si Lander Veracruz at lumipat ito sa International Police Organization o Interpol. Masakit man na iwan ang mga kaibigan at kasamahan niya sa NBI ngunit gusto rin niyang subukang sumabak sa iba't ibang misyon sa buong mundo. Hindi lang naman siya ang nag resign sa NBI, pati na rin ang pinsan niyang si agent Jenan Bachman at Jazzper Dimatinag dahil kinuha niya ang dalawa para sa naturang organisasyon. Sila nalang din ni Jazz ang nanatiling single and available sa barkadahan nila.

Napalinga-linga naman si Lander nang papasok siya sa headquarters ng Interpol. Bago talaga ang lahat ng ito sa kanya. At bagong paghahamon rin sa kanya. Ngunit bago siya makasakay sa elevator papunta sa briefing room, he slipped first his key card through the slot, and then verified his fingerprints on the scanner. At doon pa lamang bumukas ang pintuan ng elevator.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa elevator agad niyang hinubad ang suot na sunglasses at nilagay ito sa kanyang shirt pocket. This is it!

Matagal na kasing pinangarap ni Lander na makapasok siya sa interpol at heto na nga. Kahit paman graduate siya noon ng medicine at sa pagiging piloto pero bigla nalang siyang nag career detour kaya napunta siya sa tanggapan ng NBI. Doon din siya nakakita ng mga tunay na kaibigan na lagi niyang masasandalan.

Sinalubong naman siya nina Jenan at Jazz sa bukana ng elevator dahil mas nauna pang nakarating ang mga ito sa kanya sa headquarters.

He nodded his greeting to Jenan and fist bumped with Jazz.

"Kanina pa kami naghihintay sayo." sabi sa kanya ni Jenan.

"Ibang misyon na naman, tol." dagdag pa ni Jazz.

Sanggang-dikit na talaga sila ni Jazzper noon pa, klasmet kasi sila noon sa Aeronautics. Matapos nilang grumaduate, sabay din silang nag te-train sa pagiging Navy Seal sa Amerika, ngunit hindi nila natapos ang training dahil pareho silang nag give-up.

"Pinag-aralan mo na ba ang unang misyon natin, Jazz. O baka kinalawang na yang utak mo." patuya ni Lander. "Mukha ka kasing si baby shark diyan."

Jazz shrugged noncommittally.

Mukhang pinigilan naman ni Jenan ang pagtawa nito. Si Jenan ay pinsan niyang buo sa ina. Kasamahan din niyang agent sa NBI. Laglag nga ang panga ng iba pang kasamahan nila sa Interpol nang ipakilala ng tiyo nila si Jenan bilang baguhang agent sa naturang organisasyon. Maganda kasi ang pinsan niya at may appeal talaga. Kaya hindi ito nagkakaroon ng boyfriend sa Pinas kasi madalas na naiintimidate ang mga lalaking pumorma sa pinsan niya dahil sa ka astigan nito.

"Alam mo pala yang baby shark, Lander?" tanong ni Jenan.

Si Jazz naman ang sumagot. "Nursery song nila yan noong Kindergarten."

"Bakit klasmet ba tayo noong Kindergarten, baby shark?" tukoy ni Lander kay Jazz.

Jazz lips twitched into a grin. "Wag na wag mo nga akong matawag-tawag na baby shark, baka mabatukan kita diyan, Namu."

"Who is that fuckin monster?" untag ni Lander.

Sabay namang napatawa sina Jenan at Jazz. Nginisihan nalang din niya ng hilaw ang mga ito. Ganito lang talaga sila magmahalan ni Jazz laging magkaasaran. Kantyaw-kantyawan pag may time.

Sumenyas naman siya sa dalawa. "Tigilan na nga natin itong walang kwenta nating pag-uusap. Let's get this briefing over with." reklamo pa ni Lander and he swiped his key card to unlock the stairwell door towards the briefing room.

Nang makarating na sila sa pintuan ng briefing room, nagsalita naman si Jazz mula sa likuran niya. "Welcome to the Sea World, Namu?"

"Sino ba yang Namu, huh Jazz?"

Tough Hunks Series (7) Lander : The DefenderWhere stories live. Discover now