Five: Ang Pahamak na ID

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Ano bang tanong mo?”

            “Doon ka nag-a-aral?” Muli nitong tanong, medyo breathless pa nga.

            Napatanga tuloy siya. Ang sexy kasi ng boses nito kapag ganoon. Pasimple siyang umiling. Nagiging manyak siya, a. Masama iyon sa health. “Oo nga. Sinagot ko na 'yan kanina.”

            “Weh? Malay mo nagba-bluff ka lang.” Inilahad nito ang kamay, mukhang determinado. “Sige nga, patingin ng ID mo.”

            “Para saan pa?”

            “Patunay!”

            “Ayoko nga.” Tinatamad na siyang tumayo. Feel na feel na niya ang pagkaka-lotus position niya sa balustrahe tapos papatayuin lang siya nito dahil gusto nitong makita lang ang ID niya? Aba’y matindi! Kung makapag-utos, wagas! Ang sarap kaya ng hangin, lasang tsikolet. Joke lang! Peace yow!

            “Edi hindi ako maniniwala.”

            “'Di 'wag.”

            Jigger pouted. “Hmp.”

            Ang akala niya mananahimik na ito pero nagkamali siya. Babae si Jigger at ang mga babae ay mahirap basahin. Kaya naman hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagtayo sa ibabaw ng chaise lounge saka tinawid ang kakaunting espasyo na nakapagitan sa kanilang dalawa. Seryosong-seryoso ang mukha nito nang maupo ito sa harapan niya.

            Jigger leaned forward and cupped both his knees; her face was tantalizingly closed making it hard for him to even breathe. Her eyes even have this sultry expression.

            Maganda si Jigger, hindi niya iyon itatanggi. Mas maganda ito kay Ariella na palagi nang naka-make up. Kaya ang makitang sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya—halos magkadikit na nga ang mga tungki ng ilong nila!—aba’y bigla siyang nag-panic!

            Hindi dahil sa baka halikan siya nito—na sana ay gawin nito, he wished. Aba! Virgin pa ang lips niya! 'Swerte nito!—kundi dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi naman siya tumakbo. Hindi naman siya nakipag-“do.” Pero bakit daig pa niya ang mamamatay sa pangangapos niya ng hininga?!

            Mabilis siyang lumayo rito, halos matumba pa nga siya sa mabilisan niyang kilos. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin dito. Hell, he knew looked like a terrified child! He didn’t care! Ayaw niyang mamatay sa heart attack!

            Tumikhim siya. Tapos ay lumunok. Tapos ay tumikhim ulit. Tapos ay lumunok. To no avail!

            Hala! Nawalan na yata siya ng kakayahang magsalita! Nalunok na yata niya ang dila niya! Agay!

            Binirahan niya ito ng talikod at pumasok sa loob ng kwarto niya. Narinig pa niya ang paghalakhak nito. Geez! Alam nito ang ginawa nito! She seduced me! She seduced me! Lalaki lang ako at mahina ako! Ano ba 'yan! Para siyang tanga! Akala mo naman hindi siya nanonood ng porn!

            Iniuntog-untog niya ang ulo niya sa pader. Ano kayang nangyayari sa kanya?

            “Hoy, Tristan!” Napapiksi pa siya sa gulat nang tawagin siya nito mula sa labas. “Yuhoo! Naghihintay ako. Nasaan na ang ID mo? Dali! No ID, no entry!”

            Shattap, you witch!

            Pinapakalma pa niya ang puso niya. At puson niya. Teka… May puson ba siya?

Jigger HortalezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon