Huli Na Ang Lahat.

111 7 3
                                    

Huli Na Ang Lahat.

by: VMACeverLoved

May mga bagay o taong na nakasanayan na nating laging nandyan para sa atin kapag kailangan natin sila. Pero magugulat at masasaktan ka na lang isang araw magigising wala na ito.

"Ate Camz! Punta ka dito!"

"Bakit ba? Ano na naman yan, Mariel?"

"Basta, Ate Camz, punta ka na lang dito."

Tinawag ako ni Mariel yung pinsan ko. Ate Camz tawag niya sa akin, kasi second year highschool lang siya ako naman fourth year HS na. Schoolmate kami. Nandito siya ngayon sa bahay namin. Wala kasi sina Mama at Papa.

"Bakit ba? anong meron dito?"

"Ganito yan, Ate. Tinatawagan ko yung crush ko dito sa landline nila. Yung ka-batch mo tapos kausapin mo, Ate Camz!"

"Ano?! Bakit ako, e ikaw yung tumawag!"

"Kasi... Ay. Hello, pwede po ba kay Ace?... Ah. Kakausapin ka daw ni Ate Camz. Yung sa St. James yung section.."

Inabot sa akin ni Mariel yung phone. Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na lang.. Kasi naman. Nahihiya din naman ako. Di naman kasi kami nito close eh!

"Hello.. A-ace.."

"Hmmm. Bakit?"

"Ano kasi... Ah.. Itatanong ko lang sana kung.. ano.. kung alam mo yung... Ah! Kung alam mo kung kelan ang field trip na senior? Pinapatanong kasi ni Mama eh."

"Ahh. Yun ba? Sa... Ay next next month pa ata yung feildtrip ng seniors eh."

"Ahhh.. Sige Salamat pala..."

"Pssst. Ate Camz! Yunfg cellphone # itanong mo na din.." (bulong ni Mariel)

"Ayyy. Ace, pwede ko bang makuha number mo?"

"Ahhh. Sureee. 09281234280. Yung sayo?"

"Sa akin? Ahhh.. 09291234990."

"Sige ha. Text na lang kita, Camz. May ginagawa kasi ako. Bye."

Tapos binaba ko na din. Nakakahiya na kasi. Eto kasing si Mariel. Kung hindi ko lang 'to pinsan at kung di lang mas bata sa akin napektusan ko na 'to..

Si Ace kasi hindi siya yung katulad kong simpleng fourth year student. Varsity siya ng basketball sa school, gwapo, matalino, mayaman at SSG Vice-President. Eh ako, studyante ng school namin. Yan lang!

"Oh, Ate Camz, text mo na dali.."

"Bakit ako? Ikaw na lang.. Oh eto ang cellphone ko."

"Bahala ka, Ate.. Sayang naman!"

"Mariel, di ko naman kasi gusto si Ace!"

"Eh? Bakit naman? Ang gwapo niya, varsity, mayaman, heartthrob, matalino, mabait.."

"Ayun na nga eh. Ang dami ng nangangarap sa kanya, makiki-agaw pa ba naman ako?"

"Sabi ko nga po! Hahahahahahhaha."

Bumalik na ako sa laptop ko. Nagtatype kasi ako ng book report ko, eh nang istorbo si Mariel. Pero teka.. Naka.... Nakangiti ako. Putek anong problema ko? Nababaliw na ba ako?

VMAC's Completion of Short StoriesWhere stories live. Discover now