Chapter 4: The Best Company

8 3 0
                                    

    Sobrang bilis ng panahon. It's been a month magmula nang makilala ko si A. Yeah, hanggang ngayon palaisipan parin sa akin ang tunay nyang pangalan. He said na once na tuluyan na daw akong magtiwala sa kanya, he will tell me his whole name.

   From riding on his old bicycle to strolling around the park didn't gave a clue na he's really fun to hang with.
   Hindi ko akalain na doon pala magsisimula ang masaya at walang bahid ng panloloko na pagkakaibigan namin.

   Kung sa iba, ang isang buwan ay napaka iksi para tuluyang magtiwala sa isang tao, but for me..It's not. I can't explain the feeling of being with him all the time.

  He taught me to face each of my fears in those weeks.

  At sa isang buwang yun, ang mga bagay na lubos kong kinatatakutan noon ay aking napagtagumpayan ngayon.

  1st week- humawak ng putik. Yes, I have these fear about touching mud. It's gross ..I know..

  2nd week - ang makakita ng daga at ipis. I'm a girl so don't judge. Sabi nya, I shouldn't be scared since mas mataas ang level ng humans kesa sa mga insects or pests na yan and more scientific explanations.

  3rd week- ang lumangoy sa malalim na tubig. May I say, he's a great trainor. He patiently taught me how to swim kahit na halos mabingi na sya kasisigaw at irit ko everytime na napapansin kong malalim na pala ang pwesto namin.

4th week - ang kumain ng gulay.

  Funny isn't it ? Ang tanda ko na para sa fear na to pero guess what? I've overcomed this ! Basic..

   Nandito kami ngayon sa park. Sa dati naming tinatambayan. Ang huling bench na animo pinagkaitan ng exposure sa mga tao. Looks old pero ok pa naman sya. Mas presko pa kesa sa ibang pwesto ng nga benches.

  "Uy A ! Ano na ?" Kanina ko pa sya kinukulit kung ano ba yung susunod naming gagawin .

   Bumuntong-hininga sya bago tumingin sa akin.. I know he's serious this time.

" We will work on your last fear Ven." Aniya..

   Hindi sa sinabi nya ako natigil kundi sa pagtitig nya sa akin na animo pang bermuda triangle ang effect at parang mawawala ako dito.

   I stared at his face. He looks so damn attractive . Oo, hindi sya ang unang lalaking nagpatibok ng ganito sa puso ko but I can't deny this feeling ..I think this is different ..

   His eyes .. bakit may ganito kagandang mata ?!! Samantalang ako.. hmmf..
   His face looks innocent kahit saang anggulo.  Ipinanganak yata sya maging modelo..

   But then, my eyes suddenly caught the unusual things in his face..
 
  Bruises..

He has these last week. I asked him where did he get that, pero sabi nya nauntog lang ..then minsan naman nahulog daw sya sa puno .. hindi lang sa mukha kundi pati sa mga braso.

   I also saw scars at this back nung time na tinuruan nya ako lumangoy sa malapit na lake.

   I know he's hiding something from me..

" Kailangan mong magtiwala ulit. Hindi lang sa akin at sa parents mo, kundi pati narin sa mga taong makikilala mo sa hinaharap.  Made some friends. It's time to break your walls Venice. Hindi ka mapoprotektahan nyan sa mga taong mananakit sayo. Your greatest shield will be your own strength. Be brave..". At bigla nya akong niyakap.

   Mula nung sinabi ko sa kanya ang masamang nangyari sa akin sa Canada, ni isang salita wala akong narinig sa kanya.. hindi ko akalain na ngayong araw, ibubuhos nya ang mga salitang hindi nya nasabi nun.

   And I was touched by his words.
Concern sya sa akin that's why he is doing his best .

   Hindi ko napagilang maluha habang iniisip ang mga oras na kasama ko sya..
Of all the people I've met in the past, sya lang ang bukod tanging nagsabi ng ganito para mapalakas ang loob ko..aside from my parents..

   I've never been felt this special before . Ganito pala ang feeling..

"Why are you doing this,A?"
   Halos pabulong kong tanong..

"Because you are very special to me Ven.. not just a friend."
   Tila lumiwanag ang mundo ko sa sinabi nya..

   Special...

   I'm special ..

  I've heard this word before pero punong-puno ng kasinungalingan..

Little did he know,  I already broke my walls..

For him, I did..

   That previous month taught me na kailangan kong magpapasok muli ng tao sa buhay ko.

  Takot ako pero kailangan ko itong gawin. Tama sya .. I have to be brave .

Gumanti ako ng yakap sa kanya ..
Mas mahigpit .. ramdam kong nagulat sya pero mas hinigpitan nya ang yakap sa akin..

"I will, A.."

    I will definitely do that.. kasama sya .. this A guy who brought back my self confidence and gave me an additional strength to face those fears and problems that are yet to come.

  And I know now, I'm ready..

 

Promise Me, AedanWhere stories live. Discover now