Chapter 2: Home

10 4 4
                                    

"Ven..sweety..Nandito na tayo.."

   Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking balikat..
  Dahan-dahan akong nagmulat at tumambad sa akin ang mukha ni Mom na may malawak na ngiti..

   Tipid akong tumango at luminga-linga..

  We're here..finally..It's been twelve freaking years mula nang iwan namin itong lugar na ito...

  Excited akong bumaba sa sasakyan.

Isang malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha at nagpahawi sa nakalugay kong buhok..
 
   So this is the feeling of being home..at last.. tila nabawasan ang sakit na nararamdaman ko kanina.

   Malabo man sa aking alaala ang eksaktong itsura ng bahay na nasa harap ko ngayon, I can still feel the same comfort it gives just by looking at it.

  Napangiti ako ng makita ko ang isang pamilyar na duyan na hanggang ngayo'y nakatali parin sa puno ng manggang nasa gilid ng bahay namin.

  Dahan-dahan akong lumapit dito ..

Ngunit sa bawat paghakbang ko'y tila may alaalang pilit na nagsusumiksik sa aking utak.

  "Laksan mo pa..! Hahaha!"

  " Ano ka ba ? Masisira ito eh.."

  "Ayan..nasagutan ka tuloy.."

  Di ko namalayang nasa harap na mismo ako ng duyan at nakahawak sa tali nito..

  Halatang matagal ng di ito nagagamit. Medyo kupas at manipis na ang tali.

   Muli akong nagmasid sa paligid at natigil ako nang mapansin ko ang kalapit na bahay.

   Mukhang luma narin ito . Kupas na ang pintura sa dingding .. ngunit agad na naka-agaw ng aking pansin ang isang larawan na nakaguhit sa dingding nito.

   Lumapit ako at nagtatakang tinitigan ang larawan..

   Halatang iginuhit ito ng bata .

                   A ❤ V 👫

  Sa di ko maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng lungkot ..
But at the back of my mind, this picture seems familiar.

  Posible kayang ako yung V dito na tinutukoy ? And besides, halos kadikit lang ng aming bahay ang bahay na ito.
  Sa aking pagkakatanda, mahilig akong maglaro sa bandang ito.

  If I'm the V here, who's A?

Akmang tatayo na ako ng bigla akong nakarinig ng tila nahulog na bagay sa loob nito.

   Bigla akong kinabahan kaya agad akong tumayo at mabilis na naglakad paalis ..

   Muli akong lumingon dito pero di ko inaasahaang mapatapat ang aking tingin sa isang bintanang nakabukas..

   It's not empty.

There stood a guy ..directly looking at me..

  Kanina pa ba sya dyan? Damn..

But instead na matakot ako, I felt something ..

  Something unusual lalo na nang mapansin kong tila may kung anong pamilyar na ekspresyon na makikita sa kanyang mukha..

   Sadness.. and ... Pain..

Umiwas ako ng tingin at nagmamadaling tumakbo kay Mom..

"Mom!"..

   Nagtataka syang tumingin sa akin.

"Bakit? Anong nangyari sa iyo?"

   Gosh ! Ano nga bang nangyayari sa akin.. I think I'm hallucinating or something.. curse that medicines!

Umiling ako sa kanya..

"Okay, start helping me and your dad . Madami kang gamit na dinala .." nakagiting utos nya sa akin..

  I started carrying my luggage at di ko inaasahang may matandang babae na sasalubong sa amin. Si Nanay Lucinda.
Ang dating katiwala dito at nagsilbing tababantay nitong bahay..

  She complimented me like how I grew up beautiful just like Mom. But she didn't know I also became coward and helpless..

  Masaya nya akong hinatid sa dati kong kwarto na ngayo'y malaki na ang ipinagbago..

   Wala na ang maliit na cabinet kong gawa sa kahoy. Mas malaki na ang kama ko at ngayo'y  nakapwesto na malapit sa bintana.

   Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang katapat na bahay.
 
   Katapat rin pala nito ang bintana kung saan ko nakita yung lalaki.

  Kung kanina'y malawak at malayang tinatangay ng hangin ang kurtina nito, ngayo'y maayos itong nakasarado.

   Weird neighbor..

  Pero sana lang hindi sya yung tipong pyscho na napapanood ko sa mga movies.

  Dahil narin sa pagod at puyat sa byah, at ilang personal na dahilan, nanghihina akong humiga sa aking kama at pumikit..

It's good to be back..

Promise Me, AedanWhere stories live. Discover now