Chapter 5

773 15 2
                                    

HAROLD'S POV

Natawa ako sa itsura ni Jannea. Nanlaki talaga yung mga mata niya at napanganga siya. Pero ang ganda parin niya. Hindi parin siya nagbabago ang sungit parin niya.

Nandito ako sa Paris para sa contest na sinalihan ko at para buksan ang bagong gallery ko dito. 

Ako nga pala si Harold Villegas, kakambal ako ni Allen. Ako ang kuya sa aming dalawa, matanda lang ako sa kanya ng ilang minuto. Bachelor of Fine Arts Major in Painting ang natapos ko. Bata palang kasi ako mahilig na talaga akong magpainting kaya itinuloy ko na. Bata palang ako lumalaban na ako sa mga contest sa ibang bansa at nung nagcollege ako pinagtayo ako ni Daddy ng sarili kong gallery.

Dahil rin sa talent ko na 'to maraming babae ang nagkakagusto sa akin na naging dahilan din ng pagiging chickboy ko. Marami na akong naging "girlfriends". Pero meron akong isang babaeng minahal ng totoo pero sa huli niloko niya lang ako. Yun na yata yung karma ko. Kaya ngayon ine-enjoy ko lang buhay at ang pagiging chickboy ko. Ayaw ko na kasing masaktan ulit e.

"Oh my gosh! Harold!" Sabay yakap ni Jannea sa akin.

JANNEA'S POV

Napayakap talaga ako bigla kay Harold. Grabe! Hindi ko akalain na nandito rin siya sa Paris.

"Ah, Jannea, hindi na ako makahinga baka naman pwede ka na bumitaw sa pagkakayakap mo?"

"Ay, sorry." Napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Harold. Sobrang namiss ko lang kasi siya at natutuwa ako na may makakasama na ako dito sa Paris.

"Tara, let's have a coffee? Mon plaisir à vous ma belle dame (My treat to you my beautiful lady)." Yaya sa akin ni Harold. Tumango ako atsaka niya ako hinila.

Sa Cafe de Flore niya ako dinala ang sikat na coffee shop dito sa Paris. 

"So, why are you here Jannea? At bakit hindi mo kasama ang kapatid ko?" Tanung ni Harold.

Hindi pa pala alam ni Harold na naghiwalay na kami ng kapatid niya at hindi natuloy ang kasal namin. 

"Ah, wala na kami ni Allen. 3 years na. Hindi narin natuloy ang kasal namin.'

HAROLD'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Jannea. Wala akong kaalam-alam. Umalis kasi ako papuntang Paris kinabukasan pagkatapos nung nangyari sa amin ni Jannea. Sinubukan kong magpaalam sa kanya noon pero hindi naman niya nasagot ang tawag ko bago ako makasakay ng eroplano.

"What happen? I thought nag-aayos na kayo para sa kasal niyo. Akala ko pa naman may pamangkin na ako."

"Hay nako, tama na nga yan, pinapaiyak mo naman ako e."

"Ikwento mo sa akin ang nangyare. Gusto kong malaman. Sige na."

Kwinento ni Jannea lahat ng nangyari sa kanila ng kapatid ko. Pero bakit ganun? Oo, nalulungkot ako pero may parte sa akin na masaya. Bigla ko na namang naalala yung nangyari sa amin ni Jannea doon sa gallery ko at bigla akong napangiti...

Nagulat ako biglang tumayo si Jannea.

"Oh wait, saan ka pupunta? Hindi pa tapos yung kwento mo."

"Aalis na ako. Nakakainis ka. Seryoso akong nagkukwento dito tapos ngingiti-ngiti ka dyan. Bahala ka sa buhay mo!"

Pipigilan ko sana si Jannea pero umalis siya kaagad. Napabuntong hininga nalang ako. Paano kami ulit magkikita? Hindi ko man lang natanong kung saan siya nakatira, kung ano ang cellphone number niya. "Aish! Ang bobo mo Harold. Si stupide (so stupid)."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Geesh. Paano nga kaya sila magkikita ulit? Paano na yan?

ABANGAN! :)

Cafe de Flore @ the side. Kung saan nagcoffee sila Harold at Jannea. :)

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon