Chapter 3

74 4 0
                                    

--------------
Chapter 3
--------------

(Andrea Gail Santos POV)

"Hoy bubwit sino nagsabi sa inyong dalawa na dito kayo manonood ng pusang robot na iyan?" -saad nito. Lumingon naman ako at nakita ko si Andrew kasama ang mga tropa niya dati nung college siya. Nginitian ko siya at tumayo naman si Arkel.

"Wassup Kuya!" -saad ni Arkel. Kumapit naman ako sa braso ni Arkel kaya kumunot ang noo niya.

"Umalis kayo dito! Walang manonood ng palabas na yan!" -sigaw nito. Napasimangot naman ako. Ang sungit talaga ni Andrew kahit kailan.

"Damare! (Shut up! pronounce like dah-mah-ray) " -sigaw ko dito. Tumawa naman si Arkel. 

"Wag mo akong jinajapanese diyan ah! Umalis kana dito bubwit sama mo yang NobiMon mo! Magsama kayo!" -sigaw nito sa amin. Talaga edi magsasama kami ni NobiMon. Hindi ko siya pinansin at hinatak palabas si NobiMon. Sumakay ako sa kotse ni NobiMon at sumakay din siya.

"Saan tayo pupunta Gail?" -tanong nito sa akin. Saglit naman akong nagisip at tsaka sumagot.

"Sa Carnival!" -masaya kong saad. Kumunot naman ang noo nito.

"Gantong oras?" -tanong nito.

"Meron yan daliii punta tayo sa Carnival ehehe gusto ko dun NobiMon~" -nakangiti kong saad sa kanya. Ngumiti naman siya at sinimulan na magdrive. Nagpatugtog pa ito ng Yamano Satoko kaya sinabayan ko na.

"(Chorus)
An an an~
Tottemo daisuki~
Doraemon~" -habang nakanta ako ay literal na magalaw ang ulo ko. Narinig ko namang tumawa si NobiMon at pinatay nito ang tugtog.

"NobiMon bakit mo pinatay? Iplay mo ulit!" -sigaw ko sa kanya.

"Nandito na tayo Gail" -napalingon naman ako at waaaah! Nasa Carnival na kami. Pinagbuksan ako ng pinto ni NobiMon kaya agad akong bumaba. Ang gondo ehehe. Kumapit ako sa braso ni NobiMon mahirap na baka ma AdultNaping ako kawawa naman si NobiMon pag nagkataon. Pumasok na kami sa Carnival at unang nakaakit ng mga mata ko ang Carousel~

"NobiMon gusto ko sumakay sa Carousel *pout*" -saad ko. Kailangan kong mag pout para pumayag siya. Sana pumayag sana pumayag siyaaaa.

"Hindi ka sasakay diyan Gail malaki kana at isa pa pangbata lang yan" -saad nito. Ganun? Tumalikod ako at iniwan mag isa si NobiMon dun. Siya nalang mag enjoy sa Carnival mag isa niya. Padabog akong sumakay sa kotse ni NobiMon. Hindi ko naman nakita si NobiMon na sumunod sa akin. Huhuhu hindi na siya ang NobiMon na kilala ko. Bad siya! Nagulat ako ng bumukas ang pinto sa driver seat at nakita ko si NobiMon na may dalang stuff toy na Doraemon. Agad na nagningning ang mga mata ko.

"A-akin yan NobiMon?" -tanong ko sa kanya. Tumango naman siya kaya agad kong kinuha ang stuff toy at niyakap.

"Sorry Gail, hindi kana talaga pwedeng sumakay sa Carousel" -saad nito. Niyakap ko siya at yumakap din siya pabalik.

"Okay lang NobiMon ang importante ay ang mahalaga" -saad ko. Humiwalay naman ito sa yakap at tumingin sa akin. Hinawakan nito ang pisnge ko at nagulat ako ng ilapit niya ang muka niya sa muka ko sabay... KAGAT SA ILONG KO.

"Waaaaah! Bad ka NobiMon!" -sigaw ko sa kanya pero niyakap lang ako nito.

"One day you'll know why I'm here Gail" -saad nito at habang nakayakap parin sa akin.

---------------
*Para sa mga readers na may gusto kay NobiMon*
"Stop owning me in your imagination, cuz Gail already own me"
*Mga readers iyaaaaak*
---------------

My Teacher Is My HusbandWhere stories live. Discover now