Chapter 1

97 5 0
                                    

---------------
Chapter 1
---------------

(Andrea Gail Santos POV)

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Napahawak naman ako sa batok at bewang ko. Ang sakit ng katawan ko dahil sa sofa ako pinatulog ni Andrew. Bwiset na lalaki yun ang gentle dog! Tumayo ako at hindi ko na nagawa pag mag unat dahil ang sakit talaga ng katawan ko. Pumasok ako sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng white t-shirt, jeans at converse (diba army's kanta to ng bts? Converse high😅). 4th year college na ako. Tumapat ako sa salamin at tsaka nagsuklay ng buhok. Matapos kong magsuklay ay naglagay ako ng pulbos at liptint. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Naabutan ko naman si Andrew na nakaupo habang nakain. Naka uniform nadin ito pang teacher. Uupo na sana ako kaso wala akong nakitang pag kain.

"Andrew nasaan ang breakfast ko?" -tanong ko dito pero hindi ako sinagot nito kaya pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain ba. Pero wala ni isa! Padabog akong bumalik sa kanya at kinuha ang bag ko.

"Bwiset ka Andrew! Mabaog ka sana!" -sigaw ko sa kanya at tsaka tumakbo palabas ng bahay. Sasakay nalang ako ng jeep. Nang makarating ako sa DU sa Dream University ay wala akong pakialam sa dinadaanan ko. Guton nako :< hindi ako nakakain ng breakfast. Nang makarating ako sa room ay agad na tumahimik ang buong classroom. 

"Hahaha akala ko si Ma'am Abunda!!" -tawa ng kaklase kong si Grace. Si mrs. Abunda ang math naming teacher. Matanda siyang dalaga kaya ang init lagi ng ulo. Inirapan ko nalang ang classmate ko at umupo na sa pinakadulo. Si Andrew kasi dito ako pinaupo. Ang bait diba? Kinalabit ko naman ang katabi ko at tsaka lumingon naman ito sa akin.

"Catherine pagawa nalang ako ng assignment sa Biology? Gisingin mo nalang ako ha?" -dahil dakilang mabait si Catherine ay tinanggap niya ito. Tumungo naman ako at sinimulan ng matulog. *Makalipas ang sampung minuto* naalimpungatan naman ako ng may kumakalabit sa akin. Inis na nilingon ko ito at tsaka sinigawan.

"Diba sabi sayo gawan mo nalang ako ng assignment!!" -malakas kong sigaw kay Catherine pero nagulat ako ng ngumuso ito sa harapan kaya napalingon ako dito. Nakita ko lang naman si Andrew Kyle Delos Reyes. Napatikom ako ng bibig at nagulat ako ng humalakhak ang mga classmate ko. Tumingin naman ako kay Andrew na namumula ang muka.

"Napuyat ka ata Ms. SANTOS?" -tanong nito sa akin at diniinan pa ang apelyido ko.

"Sir DELOS SANTOS pinatulog po kasi ako ng walang awang tao sa sofa kaya po napuyat ako" -nakangiti kong saad. Nakita ko naman itong nag iwas ng tingin. 

"Because we wait you for almost 10 minutes, what's biology?" -natulala naman ako dahil sa itinanong sa akin. Huhu ano ba ang Biology? Nakalimutan ko!

"Go out!" -sigaw nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi lumabas. Bwiset na Biology yan ano ba kasi yun? Dumiretso ako sa park ng school na ito at umupo. Habang naghihintay ako ay hindi ko mapigilang kumanta ng theme song ng Doraemon na ang title ay Yamano Satoko (pakinggan niyo para feel niyo and masabayan niyo ang pronounciation)

"Konna koto ii na, 
Dekitara ii na,
Anna yume konna yume,
Ippai aru kedo" -hindi ko na natuloy ang pagkanta ko ng may umupo sa harapan ko at kinanta ang susunod na linya.

"Minna minna minna,
Kanaete kureru,
Fushigi na pokke de,
Kanaete kureru" -kanta nito. Nagningning naman ang mga mata ko at agad na tumayo. Dinamba ko ito ng yakap.

"I miss you NobiMon!" -masaya kong saad habang yakap siya. NobiMon ang tawag ko sa kanya dahil gusto niya si Nobita at ako ay gusto ko si Doraemon kaya. Nobita + Doraemon = NobiMon. Siya si Arkel James Valderama ang childhood bestfriend ko. Kahit ngayon pa man.

"I miss you too Gail, hindi ka parin nagbabago Doraemon lover ka parin" -nakangiti nitong saad sa akin. Humiwalay naman kami sa yakap.

"Punta tayo ng cafeteria?" -tumango naman ako at tumawa ito sa akin. Siya parin talaga si NobiMon ko. Habang naglakakad kami papunta sa cafeteria ay simula na ito kakatanong.

"Kamusta na kayo ni Kuya Kyle? Sinasaktan kaba niya? Okay lang ba kayo? Maayos ba ang pakikitungo niya?" -tanong nito. Kapatid siya ni Andrew at panganay si Andrew. Hindi naman ako sumagot meaning ayaw ko ng pagusapan.

"Allright kung ayaw mong pagusapan" -saad nito at pumasok na kaming dalawa sa cafeteria. Namiss ko talaga siya. Hindi parin siya nagbabago. Siya parin ang NobiMon na kilala ko.

---------------
NobiMon on Gail:
"Bakit kapa lilingon sa iba? Kung nandito naman ako, nasa harap mo pa" 
*Gail dies on kiligness*
---------------

My Teacher Is My HusbandWhere stories live. Discover now