KUWENTO

8 1 0
                                    

April 23

i
Isang libro nanaman ang nagsara,
isang kwento nanaman ang natapos,
isang leksyon ang sa isip natira,
ngunit naiwan ang isip na nakagapos.

ii
Sobrang naapektuhan ako,
di makapaniwala sa kinahangtungan nito,
bakit naman kaylangang ganito,
ang maging katapusan ng kwento.

iii
Binibini ay naiwang luhaan,
wasak ang puso at magulo ang isipan,
pano ba muling sisimulan?
ang kwentong mayroon naman palang hangganan.

iv
Ngunit tulad ng gabi,
ay darating din ang panibagong sandali,
sa pagtatapos ng isang bahagi,
ay kwentong magsisimula na muli.

Mga Akda ni Binibining CarmelaWhere stories live. Discover now