CARMELA ISABELLA

24 0 0
                                    

April 20

i


Carmela Isabella ang pangalan nya,
isang binibining talagang kay ganda,
ang kanyang mga mata ay mistulang tala,
sa gabing madilim ay kumikinang na puno ng pagasa.

ii
Ang mapupulang labi na kay sarap halikan,
pag natikman mo ay iyong babalik-balikan,
ngunit isang pagsubok ang dapat mong malampasan,
upang ang halik nya ay iyong makamtan.

iii
Conserbatibong dilag kung siya'y manamit,
Ang binibining si Carmela ay talagang marikit,
ang bawat galaw niya'y kaakit-akit,
isang magandang anghel na hulog ng langit.

iv
Ngunit ang bulaklak ay nalalanta,
ang araw ay sisikat at sa kalauna'y bababa,
sing bilis ng panahon ako ay nagbago,
dahil sa masasakit mong salita, nagiba ako.

v
Ang mabini kong pangalan ay nakakalinlang,
huwag kang magpauto at masasaktan ka lang,
dahil sa pag ganda ng rosas ay pagtalim ng mga tinik nito,
ang pagibig kong puro na nabahiran na ng dugo.

Ako sa Carmela Isabella, nagmahal, nasaktan, nagbago.

Mga Akda ni Binibining CarmelaWhere stories live. Discover now