ONE

37 0 0
                                        

Lindsay Navarez

8:31 AM

Lindsay : Good morning, Claud. ❤

Aga mo, ah.

Na-miss mo kagandahan ko? Hahaha.

Lindsay : Alam mo, ang lakas talaga makahawa ng virus ni Ate Cara, ano? Hawang-hawa ka, eh.

Lindsay : Hindi na ba ako pwedeng mag-good morning sa'yo nang walang sumisira ng mood ko? Hahaha. Kidding.

Pwede naman. Hahaha.

Bakit ba?

Seen, 8:33 AM

Lindsay : Hinatid ka ba ni Edge sa campus?

Yep. Palagi naman. Simula no'ng naging kayo ni Andrei 'di ba? Naging driver ko na 'to. 😑

Lindsay : Anong gamit n'yong sasakyan?

'Yong kotse n'ya. Kayo ba?

Lindsay : Motor. Hahaha.

Sinong nagda-drive?

Lindsay : Ako dapat pagpuntang campus but it seems like male-late kami kapag ako ang nagdrive. Hahaha.

Kaya nga. Hahaha. Hayaan mo nang s'ya ang magdrive, Linds.

Nasaan na ba kayong dalawa?

Lindsay : Nagte-take out lang si Andrei ng breakfast namin sa McDo. Hindi kami nakapagbreakfast sa bahay, eh. Na-late nang gising si Mama. Hindi nakapagluto. Haha.

Okaaay. Maaga pa naman, eh.

Lindsay : May mga kaklase na ba tayo d'yan?

Oo, 'yong tropahan nina Monica. Aside from them, kami pa lang ni Edge.

Lindsay : Nagbreakfast na ba kayong dalawa?

Ako, hindi pa. Ewan ko rito sa isa. Tulog, eh. Hindi na ako nakakain. Ang aga ng sundo ko, eh. Masyadong excited na masilayan ang aking mukha. 😂

Lindsay : Wow, ang kapal! 😂 Bakit kasi ang aga n'yo? Hahaha.

Ewan ko rin ba dito kay Edge. 😑 Excited laging pumasok.

Lindsay : Please ask him kung nagbreakfast na s'ya. Ipagte-take out na rin namin kayo.


Okay. Wait. Gisingin ko lang.

Seen, 8:37 AM

Hindi pa rin daw s'ya nakain.

Burger na lang daw sa kanya and coffee, Linds.

Lindsay : Noted. How about you? What do you want?

Kahit ano basta nakakabusog. Haha. Basta may fries, okay?

Thank you so much, bestfriend!

Ingat kayo pagpasok! 😘😘

Lindsay : No problem. And you're always welcome. 💕

Lindsay : Pero sa susunod, sa inyo mo na pakainin si Edge. Hahaha.

I tried, okay? I tried for so many times already. Nahihiya raw s'ya.

Lindsay : Konting pilit pa, Claud. Gan'yan din si Andrei before. Hahaha.

I'll try again, okay?

Lindsay : Don't just try, do it.

Whatever. Daldal mo, Linds. Bilisan n'yo na!

Lindsay : Eto na nga. Kukunin na namin 'yong food. Sige na. See you later.

Ingat kayo. 😊

Seen, 8:40 AM


Now or NeverWhere stories live. Discover now