Tama na siguro

22 0 0
                                    

Tama na sa paghahangad na babalik sa dating tayo
Tama na sa patuloy na pagkapit sa pangako mo
Tama na sa pag aasam na babalikan mo ako
Tama na sa pag babalik tanaw sa nagdaang tayo
Tama na sa pagkapit na hindi mo ako bibitawan
Tama na sa pag asang magkakaroon pa ulit ng salitang tayo

Sabay tayong lumaya sa piling ng isat isa
Sabay nating binitawan ang kamay ng isat isa
Sabay nating nilisan ang piling ng isat isa
Sabay tayong tumalikod sa isat isa
Sabay din sana nating makalimutan ang nararamdaman sa isat isa

Ayoko pa sanang palayain ka
Ayoko talaga na mawala ka
Ayokong bitiwan ka
Ayoko sanang kalimutan ka
Ayoko talaga pero lumisan ka
Ayoko ayoko ayoko pero nawala ka

Sinubukan ko na ikaw ay pigilan
Sinubukan ko magmakaawa para ikaw ay mapigilan
Sinubukan ko na lumuhod sayo para ikaw ay pigilan
Sinubukan ko na wag umiyak para lang ikaw ay pigilan
Sinubukan ko ang lahat para ikaw ay pigilan
Sinubukan ko pero hindi ka manlang natigilan

Spoken Word Hugot I Mean PoetryWhere stories live. Discover now