Pagsinta

22 0 0
                                    

Babaeng pumasok sa panaginip ko
Babaeng nakikita bawat paglingon ko
Babaeng nagpapabilis sa tibok ng puso ko
Babaeng hindi makalimutan ng tulad ko
Babaeng lumibot sa bawat sulok ng isip ko
Babaeng nagpapangiti sakin kada maaalala ko
Babaeng naging inspirasyon ko
Babaeng hindi inakalang magugustuhan ko
Babaeng bumihag sa puso ko
Sana ikaw ang babaeng makasintahan ko
Sana ikaw na ang sagot sa bawat dalangin ko
Sana magustuhan mo rin ako
Sana may pag asa sayo ang tulad ko

Ang isang maralitang tulad ko
Ay hindi daw bagay sa maharlikang tulad mo
Ang isang lupang katulad ko
Titingala sa isang langit na tulad mo
Isang simpleng lalakeng tulad ko
Mapapansin ba ng magandang tulad mo?
Ano nga bang maipagmamalaki ko
Sa isang magandang binibining tulad mo?
Walang ibang kayang ialay kundi ang puso ko
Kaya naman sana ito ay tanggapin mo

Spoken Word Hugot I Mean PoetryWhere stories live. Discover now