Malaya Ka Na

19 0 0
                                    

Minamahal kita aking sinta
Pero gusto mo ay lumaya na
Wala na ba akong magagawa?
Para pagsabi mo ng mahal kita ay muling madama
Hanggang dito nalang ba talaga?
Wala na ba talagang ibang paraan pa?
Upang ito ay atin pang maisalba?

Kailangan ba na kamay ko ay iyo ng bitawan?
Dahil mayroon ka ng ibang kamay na nais hawakan
Pwede naman ako ay magbulagbulagan
Wag ka lang mawala sakin
Dahil hindi ko alam kung ito ay kakayanin
Kung kakayanin ko bang mawalay ka sa akin

Pero kung yan talaga ang gusto mo
Iyan ay akin na lang tatanggapin kahit masakit sa puso
Tatanggapin ang pakikipaghiwalay mo kahit labag sa loob ko
Kung yan ang magpapasaya sayo
Sige lumaya ka na kung yan ang gusto mo

Sana sa iyong gagawing paglayo
Wag ka ng lumingon sa likod mo
Upang di mo na makitang mga lumuluhang mata ko
At upang mapigilan ko ang sarili ko
Na habulin ka habang lumalayo
At upang mapigilang yakapin ka mula sa likod mo

Spoken Word Hugot I Mean PoetryWhere stories live. Discover now