Babaeng May Natural Na Ganda

29 0 0
                                    

Walang kolorete ang mga pisngi
Natural ang pula ng kanyang labi
Walang linyang itim na makikita sa paligid ng mga mata
Ang ngiti nya ang syang nagdadagdag kulay sa kanyang ganda

Buhok na sing bango ng mga rosas
Boses nya na parang sa anghel ang katumbas
Sinasabi ang mga kursunada nyang sabihin
Mga salitang magmumula sa busilak na damdamin

Para syang bukang liwayway sa paligid sa tuwina
Tahimik banayad puno ng hiwaga
Isang tagpo na di mo kayang lisanin
Dahil sa pagtitig sa kanya hatid ay kaligayahan

Sa mga mata kung pagmasdan dulot ay saya
Ngunit nagmimistulang habang buhay ang nadarama
Sa bawat ngiti nya nakakapukaw sa aliwalas nitong dala
Sana lang ay makilala pa ng lubusan ang isang tulad mong prinsesa

Spoken Word Hugot I Mean PoetryWhere stories live. Discover now