8.

92 1 2
                                    

8. Palpitations

'''*'''*'''*'''*'''*'''

Bakit ganun? Anong problema mo? ANO BA KASE YUN? Ba't ka ganto?!

A poem by Vannie Salazaar; age six

'''*'''*'''*'''*'''*'''

"Take your seats" Utos ng teacher namin pagkapasok niya ng room. Wala man lang good morning.

Mukang alam niyang walang good sa morning ngayon kasi may exams. Tsk, bakit ba naman kasi ganto? Diba dapat mag announce muna bago magkaroon ng mga exams? Tapos diba dapat magbigay ng pointers? High school pa lang kaya kami. Mga feeling profs mga teacher dito ah.

Manahimik ka Vannie. Inannounce yung exam. Alam mo 'yan.

Talaga naman oh...sa mga gantong bagay pa ba dapat gumana utak ko? Okay so siguro inannounce kasi pagkapasok namin ng room ni Trev halos lahat ng kaklase namin nagrereview. Pati nga yung balyena eh. At syempre yung dork nagrereview.

At syempre di pa din niya ko pinapansin. Pero wala 'kong pake. Wala noh. Ayaw niya ko pansinin? Aba! Sino bang may sabi na gusto ko ang atensyon niya? Sa dami ng masamang bagay na nagawa niya sa'kin siguro di niya na ko matignan sa mata dahil nakonsensya siya bigla.

Psh, lanya. Kung nakokonsensya talaga siya. Dapat bumabawi siya sa'kin. Dapat nagiging mabait siya sa'kin! Anong klaseng pagbawi ang di pagpansin at di pag sabi ng good morning gaya ng lagi niyang ginagawa dati pa?

Sige lang Vannie. Isipin mo lang ng isipin kung bakit di ka pinapansin ni Jio. Ipush mo din na gusto niya bumawi sa'yo. Wala 'kang pake sa lagay na 'yan eh.

"Aiishh.." Napakagat ako sa labi ko dahil bwiset lang.

"Uii..." Napatalon ako sa upuan ko ng marinig ko ang boses nung dork. At naramdaman ko din na tinapik niya ko.

Wow, bigla niya 'kong pinansin bigla? Tsk. Naisip niya din na hindi tamang pagbawi ang di pagpansin sa'kin. Matalino siya kaya siguro magmula ngayon magpapakabait na siya sa'ki--

"Test paper. Kunin mo na. Tsk." Binagsak niya yung mga test papers sa table ko habang nakakunot ang noo. Nanlaki ang nga mata ko.

T-test paper..yun lang pala. Napayuko ako. Hayy bwiset test paper lang pala. SHEMAY DI AKO DISAPPOINTED! HINDI!

"Hindi.." bulong ko bago magbuntong hininga.

Teka test paper? Ayy nga pala. Yung plano namin ni Trev. Napatingin ako sandali kay Trev at nakatingin din siya sa'kin.

Psh, di mo ko pinapansin? 'Yan ang naiisip mong paraan ng pagbawi sa'kin? Who u ka sa'kin lalake ka.

Tinignan ko yung test paper. Naks, mukhang bagsak talaga 'to sa'kin. Sisiw yung pinapagawa ni Trev.

""*""

Sinagutan (hinulaan) ko na muna lahat ng tanong sa test papers at hindi ko muna sinulatan ng kahit ano ang name at date.

Tinignan ko ang orasan sa ibabaw ng whiteboard ng room namin. Five minutes na lang pasahan na.

Maisulat na ang date. Tapos pangalan Jio Garcia. Pinilit 'kong igaya ang handwriting sa sulat nung dork. Mukhang malapit naman. Di naman kasi ganun kaganda magsulat yun eh. Pfft nung elementary pang doktor nga sulat nun eh.

Pero nakakapagtaka. Pagdating ng 1st year ng middle school sobrang laki ng pinagkaiba ng sulat niya. Yung handwriting niya nung grade 6 na hindi mo maiintindihan unless pharmacist ka, biglang naging kainti intindi makalipas lang ang isang taon. Pinractice niya kaya yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love That You Hate Me (naka hold)Where stories live. Discover now