6.

108 1 0
                                    

6. Locker Rooms

'''*'''*'''*'''*'''*'''

Hindi ako manyak. No no no, hindi. Sadyang may pagkatanga lang talaga ako. Di ko naman pati ginusto na makita yung..ah basta di ako manyak.

A diary entry by Vannie Salazar; age eighteen

'''*'''*'''*'''*'''*'''

"Nice game Vannie!"

"Talo na tayo kundi ka kasali!"

Bati sa'kin ng mga kakampi ko sa laro ng volleyball kanina nung nasa girls' locker room na kami.

"Haha, thanks. Kayo din! Taray mo mag serve ha!" Sabi ko dun sa isang babae na nagserve at di nasambot nung kaaway naming team.

"Asus, wala yun sa spike mo!" Sagot niya at tumawa na lang ako as response.

Pagkabihis ko ay paalis na sana ako dahil may kailangan ako gawin pero nagsalita yung isang kalaro ko sa volleyball kanina.

"Rinig ko maraming inoofer-an ang Ateneo na maging member ng Lady Eagles mula sa mga 3rd year at 4th year highschoolers." Napatigil ako sa paglabas ng pinto at itinuon ko ang atensyon sa nagsalita.

"Oh? Nagerecruit ba dito sa Xander?" Tanong nung isa pang babae at umiling yung nagsabi ng impormasyon tungkol sa pagrerecruit.

"Hindi eh. Karamihan ng mga kinukuha nila galing Yestin eh. Lalo na yung mga senior players. Para next schoolyear, deretso Ateneo na yung player. With addiitional scholarship!" Oh? Ganun ba?

"Wow, gusto 'kong makakuha.." G2

"Ako din." G1

"Kaya lang taga Xander tayo eh. Pag nagtransfer tayo sa Yestin at nalaman na taga Xander tayo, matutuwa yung Yestin! Kaya lang patay tayo sa buong Xander." G1

"Kaya nga. Tapos mahirap pa magtransfer pag senior ka na." G2

Hmm...Yestin? Ateneo Lady Eagles?

Nagshrug na lang ako at lumabas na. Mamaya bago matulog, pag-iisipan ko yung volleyball business.

Kung ano naman ang kawalan ng interes ko sa pag-aaral, kabaligtaran naman yun sa sports. I'm quite good at sports if I might say. Lahat ng may kinalaman sa bola. Lalo na volleyball.

Kaya nga ang pag-asa 'kong makapasok ng college ay ang makakuha ng scholarship sa pamamagitan ng volleyball.

Kasi kung sa highschool na lang nahihirapan na si Tatay na paaralin kaming sabay ni Chester, paano pa pag nag college ako?

Kaya kailangan ko ng scholarship. At sigurado naman ako na di ako makakakuha ng scholarship sa pamamagitan ng academics. So talagang volleyball lang pag-asa ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang hallway patungo sa boys' locker room. Kakatapos lang kasi ng PE namin at malamang sa malamang naliligo o nagbibihis na ang mga lalake 'kong kaklase dahil sa matinding excercises na pinagawa sa kanila kanina.

Napangisi ako nang may makita akong isang malaking karton na may butas. Agad 'kong pinasok ang sarili ko dun at pumunta sa may bintana ng boys' locker room.

Kasi yung pader ng boys' locker room ay may bintana. And hindi mataas yung bintana. Kaya makikita ko yung nasa loob. I don't know bakit may bintana pa pero it sure does help me! Kasi makikita ko ang mga pangyayari sa loob! MUAHAHAHA

Oh, baka akalain niyo naninilip ako?

Psh of course not!

Sabi ko sa inyo may pinlano ako diba? Just wait, sa locker room na ito mangyayari yun! MUAHAHAHA!

Love That You Hate Me (naka hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon