Season 2 | S | >> #HitMeHard

Magsimula sa umpisa
                                    

“Yes. Hey, do you want me to drive you back to your cabin…or?”

 

“Sumama ka na Reed. Hindi ka pa masyadong kilala nila Jade,”

I don’t know, kung bakit kailangan niya pang pag-isipan kung sasama ba siya sa akin pero syempre, nag yes pa din siya.

Hindi naman kalayuan ang hotel niya sa other half ng island na exclusive sa amin so after thirty minutes of driving na-abot na namin yung ramp. Medyo light rain lang kaya naman sumugod na lang kaming dalawa sa ulan.

Almost lunch na din nang marating namin ang cottage ko. Nadatnan namin si Jade na nanonood ng TV. Nang  makita niya ako agad naman siyang nag sorry at umamin na pinlano daw nila ‘to nila Gem, to help me to have some closure with those people.

Sabi ko okay lang sa akin. Ano pa naman ang magagawa ko, nandiyan na yang mga yan. Basta wag lang siyang aasa na magkakaroon ng ‘closure’ na gustong gusto nilang makuha ko. No. Kahit kailan, wala akong balak maki-pag ayos sa kanila.

 No, never in my lifetime.

“Wait. There’s more,”

Dahil huminto na ang ulan, at umaraw na nang konti, the staff decided to throw a barbeque themed lunch outside at doon kami pupunta.  Medyo malayo sa mga cottages at sa kabilang side pa yung, early lunch namin at fifteen minute walk din yun.

Reed is walking beside me, assuming the position of an over protective older brother. Ewan ko ba dito, gusto atang takutin sila Glorie para daw umalis na sa island at wag akong galitin. See? Over protective. To think na hindi niya totally alam ang nangyari sa amin.

“Meron pa?”

Tumango si Jade sa gilid ko. Ugh. Ano pa bang kailangan kong malaman? Hindi pa ba sapat ang lahat nang nangyayari sa buhay ko?

“Kausap ko si Gem kanina. Nandito na daw sila nila Justin kagabi pa. Hindi lang daw sila nakapunta  ka agad dahil sa lakas ng ulan kagabi, maalon daw,”

Hindi ko makita kung bakit habang sinasabi ‘to ni Jade, medyo masama ang mukha niya.

“So? Wala naman akong nakikitang problema doon. So, kalian daw sila makakadating dito?”

“Mga hapon o gabi daw. Pero kasi, it’s not what I want to talk to you about…”

Malapit na kami sa site na sinabi nang isang staff na pinagtanungan namin kanina at napansin kong sinipat ni Jade si Reed sa tabi ko kung nakikinig.

I sigh. “It’s alright, Jade. Reed is okay. Di ba?” Nag smirk si Reed pero hindi sumagot.

“Kasi, si Kendrick… kasama nila,”

Medyo matagal nag sink-in sa akin ang sinabi niya pero once na nag sink in na, bigla na lang akong kinabahan.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon