Unang Kabanata

39 12 2
                                    

Andie's POV

Pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa body-length mirror dito sa aking kwarto. 

Napangiti ako nang pasadahan ko ng tingin ang suot-suot kong uniporme.

 I'm wearing long sleeves white polo shirt na naka tact-in sa above the knee skirt na may white outline sa laylayan nito.

Medyo maluwang sa aking katawan ang top ng uniform, dahil nadin siguro sa kundisyon ko.

Simula raw kasi noong nagising ako galing sa pagkaka-comatose ko, napansin na nilang ayaw ko sa mga lugar na madilim at maliit lang ang espasyo.

Pati rin si mommy nagtataka noon kung bakit ayaw ko sa masikip hindi lang sa lugar maging narin sa kasuotan. Kaya tinanong niya kay Doc. Marquez (our family doctor) kung anong nangyayari sa akin.

Sabi ni doc part daw ito ng pagkakaroon ko ng amnesia. Na-trauma raw ako sa something na nangyari sa akin before the accident.

Or baka raw yung dahilan kung bakit na-aksidente ako.

Suot- suot ko rin ang navy-blue necktie na akala ko'y para sa mga lalaki lang and 1 inch pair of school heels shoes.

Hindi ko lang alam kung bakit kailangan pang may heels, pwedi namang naka flats nalang. Nagkibit balikat nalang ako 't napatingin sa alarm clock na nasa tabi ng aking higaan.

6:30 am. Too early for my 7:30 am class.

By the way si mommy ang gumawa ng uniporme ko. Sinabi ko naman sa kanyang kahit huwag na, pero ginawa parin niya, para sa akin. And I'm happy,  masaya akong nag-effort at naglaan siya ng oras para sa akin.

Fulfillment. Parang napunan yung pagkukulang na hinahanap ko.

She's a fashion designer of her own clothing line.

 Hindi pareho ang aming fashion sense dahil may pagka manang-style daw ako. Yap! that's the term she used to describe me.

Pero hindi naman talagang manang na manang, hindi lang talaga ako sanay na nakalugay yung buhok ko. Baby powder for face, lip balm for lips lang and I'm not using any eye glasses. So mas prefer ko ang simple-style term kaysa sa manang-style 'kuno' ni mommy. 

Nasabi rin ni mommy sa akin na mayroon akong Selective Amnesia. Which is, pili lang  yung mga events na nangyari sa buhay ko then nakalimutan ko, isa na don yung pangyayari bago ako nacomatose and I don't know if it's temporary or probably permanent. 

But still, I always expect na makaka-alala rin ako soon. 

My mom is so sweet, caring and loving pero nabanggit niyang bumabawi daw siya sa mga pagkukulang niya noon. Dahil hindi daw siya yung ngayon sa noon, na hindi ko naman maintindihan dahil narin sa kundisyon ko. Isa pa hindi ko muna gustong tanungin kung meron pa akong tatay o wala na o talagang wala na.

Ay ewan basta masaya ako. I'm so blessed to have her as my mom.

Masaya ako, masaya pero may kulang parin

dahil siguro ngayon confused, curious at malaking adjustment yung kailangan.

Natural na siguro sa ating mga tao na hindi makuntento, kaya hindi ko rin naman masisi yung iba kung naghahangad sila ng mas sa kung anong meron sila ngayon. Subalit lahat ng ito'y may limitasyon.

Bago lisanin ang aking silid kinuha ko na ang navy blue rin na school suit bago ko pa makalimutan.

Pababa na sana ako nang maalala ko si mommy.

My Twin FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon