Prologue

64 12 0
                                    


Prologue

"Your heart and my heart will always be together...." a well-built tall guy said with full of gentleness and...love? habang nakatalikod siya sa akin.

Kahit nakatalikod sya, mapaghahalataang may itsura na talaga siya, a drop-dead gorgeous guy to be exact.

Madilim na ang kalangitan. Halatang-halata na gabi na. Kapansin-pansin din sa langit ang mga nagnining-ning na mga bituwin at ang makatawag-pansin na buwan.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at sunuri ulit siya nang mabuti.

Nakatupi hanggang siko ang kanyang long sleeve white polo shirt na hapit na hapit sa kaniyang mga braso. May kabataan ang pagkakatindig nito. Para bang nasa huling baitang sa highschool  ang kanyang edad. At nakaterno naman ang kanyang damit pangitaas sa navy-blue slacks pants niya. 

Ang kasuotan niya na para bang inilaan lang talaga para sa kanya.

Napunta naman ang paningin ko sa kanyang sapatos na kumikinang dahil nadin siguro sa sinag na nang gagaling sa buwan.

Napadako ang tingin ng aking mga mata sa katabi niyang upuan kung saan nakalagy ang kanyang Navy blue vest kasama nadin ang necktie niya na kakulay ng kanyang vest.

At doon ko lang napagtanto na uniform pala iyon ng isang school.

Ngunit kung titignan mo talaga siyang mabuti para siyang isang modelo ng isang sikat na clothing line.

Tinignan ko ang aking paligid para makasiguradong ako ang kausap nya.

Napansin ko ang mga iba't ibang kulay ng ilaw sa mga dingding, mga nagkalat na petals of roses sa sahig, and a romantic table for two beside him.

Ramdam kong nasa isang mataas na lugar kami. Hindi ko lang masabi kung saan, ngunit pamilyar para sa akin ang lugar na ito.

Nang makasigurdong walang ibang tao maliban sa aming dalawa ay nagsalita na ako.

"A-anong ibig mong sabihin?" sabi ko habang nakatingin ako sa nakatalikod nyang katawan. Great! I just stuttered. Unti-unti syang humarap at tumingin sa direksyon ko.


Malamig na ang simoy ng hangin ngayon. Ngunit mas lalong nanunuot sa aking balat ang lamig nang matitigan ko sya sa mata.

Para bang nanghina ang aking mga binti sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. The way he looks at me, It is like I'm the most precious stone he have ever see. Hindi ko maaninag ang kalahati ng kanyang mukha.

Ngunit malinaw na malinaw ang kanyang mga mata sa aking paningin.

He has this brownish hair na bagay talaga sa kanyang pagiging maputi. Those thick eyebrows, and his amazing Nut-brown-eyes. They are beautiful... really beautiful and expressive pero bakit parang bumigat ang mga tingin nya.


It looks like he's already tired from something and longing for someone.


Inihakbang ko ang aking paa upang malapitan sana siya. 


Pero bakit ganon? habang lumalapit ako sa kanya, siya naman ang lumalayo at nilalamon ng kadiliman.

Patuloy lang siya sa paglayo mula sa akin. Paliit na siya nang paliit sa aking paningin. Na para bang sobrang layo na niya sa akin.


Binilisan ko ang aking mga hakbang upang mahabol siya. Ngunit unti-unti siyang...nawawala, kasabay noon ay ang pagsikip ng aking dibdib sa hindi malamang kadahilanan.


Ang tanging naiwan na lang ay iyong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na ayaw ko siya mawala sa aking paningin. Those feelings that I can't explain.

Hanggang sa tuluyan na syang naglaho at nawala sa aking paningin. At bigla nalang dumilim lahat ng nakikita ng aking mga mata.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"aaaaaahhhhhhhh!!!!" Nagising ako sa aking pagkakahimbing na hingal na hingal. Pinunasan ko ang mga butil ng pawis sa aking noo.

At naupo ako sa aking kama at inaalala ko ngayon ang napanaginipan ko. Pakiramdam ko kasi ay may kasunod pa ang yung sasabihin niya.

Yung panaginip ko... para bang mayroon siyang gustong ipahiwatig. Parang mayron siyang gustong sabihin. Tapos yung nararamdaman ko pa habang kaharap ko sya.

Parang Matagal ko na syang kilala ...but no, I haven't met him as far as I know. It's just that... his eyes, those eyes you can't easily forget.

Ito na ang pangatlong beses na napanaginipan ko sya. At tuwing mapapanaginipan ko sya. Pakiramdam ko kilala ko sya.

Even though he was faint in my eyes.

 Sino ba talaga sya. Sino sya sa buhay ko.

dugdug..dugdug..dugdug...


"sh*t!" I can hardly feel my fast heartbeat. Sa tuwing iniisip ko siya. What more pa kaya pag nakasama ko na siya. For God's Sake! What's happening to me! 

Feeling ko galing ako sa isang marathon. At tumakbo ng kilo-kilometrong layo.

"Hayyyss!!" I frustratingly groan. Dahil na din siguro sa curiosity ko kung sino ba talaga yung guy sa panaginip ko.  

Bakit napapanaginipan ko sya, and worst tatlong beses pa.

Minsan talaga may mga bagay akong hindi maintindihan kasi ang hirap paniwalaan.

Ang hirap naman kasing i express ang sarili sa mga bagay na tanging ikaw lang ang nakakaramdam. 

At ang hindi mo pa maintindihan ay mismong sarili mo pa.

Gulong-gulo na talaga ako.




xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Please vote and comment down below.

Thank you readers!!!! 

My Twin FlameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang