20.2: Filled with Vows

82.1K 3.2K 964
                                    

CHAPTER TWENTY (Part Two)

Filled with Vows

SA LAHAT ng ginagantihan, si Czarina yata ang pinaka-pampered sa lahat.

Katatapos lang niya maligo. Pagkalabas niya ng banyo ay pinaupo siya ng mga ito sa harap ng dresser. Haley used a blower to dry her hair. Sinuklay-suklayan nito ang buhok niyang lumagpas na sa balikat ang haba. Si Pamela naman ay umupo sa paanan niya at binigyan siya ng foot spa. While Erica's preparing to put make-up on her.

Mula sa salamin naman ay nakikita niya ang repleksyon nina Crystal Jane at Lavender sa likod niya. Inaayos ng mga ito ang susuotin niya.

"Ikakasal niyo ulit kami ni Bari?" pagkumpirma niya pa sa mga ito. Aaminin niya nang nasasabik na siya sa plano ng mga ito.

"Oo, minus the ceremonies, kapag nahanap ka niya," sagot ni Erica. "We don't want tears, don't worry. We want to make him smile."

"May mga clues kaming hinanda para sagutan niya. Dapat tama ang sagot niya sa bawat clues para malaman niya talaga kung nasaan ka," dagdag pa ni Pamela.

Napakunot-noo siya. "Bakit naman masyado niyong pinapahirapan si Bari?"

"Hindi naman," hagikgik ni Haley. "We just know that he's smart enough to answer all of the clues. We just wanted to add spice to this surprise. Saka para rin ma-enjoy ni Bari ang mapagod. Bawal siyang napapagod noon. Pero ngayon sobrang lakas na ng puso niya! Let's test his endurance!"

"Ginawa rin naman ito para may iba ring iniisip si Bari. Tamang-tama din bago siya magpatingin. This is just a little fun before he starts going to some specialists," sabi ni Lavender.

"Para rin sa'yo 'to, Czarina," dagdag ni Crystal Jane. "Ang sabi daw ni Bari, super woman ka na. You'll go to work in the morning, and at night, you still find time to take care of him and Elijah. Pagkatapos daw kapag gabing-gabi na, nagsusulat ka pa."

"Iba ka rin talaga! Kaya sa'yo lang yumuyuko ang hari!"

"Saan ba yumuyuko?" Haley playfully asked. "Maybe he's enjoying, too."

Nagtawanan ang mga babae, Nang makuha ni Czarina ang ibig sabihin ng mga ito ay namula ang buo niyang mukha. "Ang haharot niyo," saway niya sa mga ito pero natawa na rin siya.

Lalong nagtawanan ang mga ito.

"What I mean is maybe he's enjoying surrendering to you because he loves to serve you," palusot pa ni Haley. "Ikaw naman."

Pero naghagikgikan pa rin ang mga ito.

"Ewan ko sa inyo."

"Uy, puwedeng sa akin magpagamot si Bari kapag nagrecommend ang psychologist na pumunta sa isang psychiatrist," ani Erica. "Bigyan ko kayong family discount."

"Sabi mo 'yan, ah!" Napabuntong-hininga siya. She's really enjoying how they pamper her today. When was the last time she went to a salon and spa? Hindi niya na rin matandaan. Her time is always for her work and family. Lalo na nang bumalik si Bari.

"By the way..." Lumapit sa kanya si Lavender. May inilabas itong isang maliit na lalagyanan. Manipis iyon at sobrang liit. Kasingliit lang siguro ng hinliliit niya sa kamay.

"What's that?"

"Tita Bella's heart's ash."

Napasinghap siya at napatingin doon. "P-Puso ni Mama...?" Kinuha niya iyon at tinitigan mabuti.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Where stories live. Discover now