20.1: Filled with Letting Go

69.8K 3.2K 974
                                    

CHAPTER TWENTY (PART ONE)

Filled with Letting Go

HABANG nasa biyahe papuntang Amora ay may unti-unting napansin si Czarina.

Napakalma niya na ang sarili kanina pa. Ayaw niyang masyadong kabahan at mag-aalala dahil baka mapaano ang ipinagbubuntis niya. Then, she stayed quiet for a while. Still thinking if Bari would really think to give up his own life.

Kilala niya ang asawa, eh.

No matter how he felt guilty and ashamed of everything, he won't go to that point. He won't even entertain the thought of "suicide". Bari might need a lot of help today but he is still strong in his own way.

Nilingon niya si Erica na tahimik na nagmamaneho.

"Do you really think Bari would..." Napailing siya. "Nah! He won't do it!" Siya na mismo ang nag-conclude. Mas kilala niya ang asawa may he be at the highest or lowest point of his life!

"Hindi mo masasabi iyan. Depressed people lose their rational thinking most of the times. Kahit ang mga taong hindi mo inaasahan na gagawa ng isang bagay, ay nagagawa pa rin nila."

"Alam kong psychiatrist ka pero hindi talaga maiisip ni Bari iyon kahit ilang signs pa ang makita mo sa kanya. Baka umalis lang siya para makapag-isip isip. Ganoon naman iyon, eh. Mahilig mag-alone time si Bari dahil nag-iisip siya mabuti. Nineteen years ko na siyang kilala!"

Kinagat ni Erica ang ibabang labi. Parang... parang nagpipigil ng ngiti!

Agad na napakunot ng noo si Czarina. "Wait a minute..." May iba na siyang kutob! Hindi kaya...

Iniliko nito ang kotse papunta sa unang bayan ng Amora. After two minutes, nasa Florella na sila. Bukas na bukas ang gate niyon kaya agad na naipasok nito ang sasakyan.

Bumaba si Czarina at iginala ang paningin. The land was properly tended. Magaganda at makukulay pa rin ang pagtubo ng mga bulaklak sa paligid. Even the dome house looked properly maintained from the outside. Mukhang bagong pintura ulit...

"Erica."

"Yep?"

"Paano makakapunta dito si Bari, eh, wala naman siyang sasakyan?" Goodness! Bakit ngayon niya lang naisip iyon?!

"Malay mo, pumunta siya sa bahay nila dati ng Mama niya at kinuha ang isang sasakyan doon. Puwede niya namang gawin iyon, hindi ba?" mabilis nitong sagot.

Parang... scripted.

Huminto siya sa paglalakad. Napalingon sa kanya si Erica. "Bakit? Halika na, hanapin na natin si Bari—"

"This is a set-up!" bulalas niya at saka lumapit sa bahay na nakabukas na ang pintuan.

"Hello, Czarina!" nakangiting bungad ni Haley. Nakaupo ito sa gilid ng kama katabi si Lavender. Kumaway rin ang huli sa kanya.

Tumawa si Erica. "Ang talino pala talaga nitong si Czarina!" She patted her shoulders. "Sorry to worry you. Kailangan ka lang talaga naming madala dito bago bumalik si Bari sa bahay niyo. Isinama kasi siya ni Charlie sa palengke kaninang umaga."

Napatunganga siya. Hinila siya ni Erica sa loob at pinaupo siya sa kama. Doon niya lang napansin na nasa kusina si Crystal Jane at may hinandang pagkain para sa kanya.

"A-Ano 'to? B-Bakit..." Napakatalim ng tingin niya sa mga ito. "Bakit kailangan niyo 'kong tarantahin ng ganoon?! Alam niyo bang buntis ako? Paano kung may nangyari sa'king masama? Mga baliw ba kayo?!"

Fill Me More (More Trilogy # 3)Where stories live. Discover now